Chapter Fifteen

399 20 0
                                    

Nang makabalik sila Chesca at Caige ay nagpapahinga na ang lahat ng mga tao sa bahay. Napagtanto ni Chesca na kapag probinsya talaga ay maagang natutulog ang mga tao hindi katulad sa Maynila na kahit madaling-araw na ay magulo pa rin sa lansangan.

Napalingon sa kanila ang pinsan ni Caige na nakilala niyang si Janelle nang pumasok sila sa sala. Ito ang nangunguna sa pannunudyo sa kanilang dalawa ni Caige kanina. May kausap ito sa cellphone at ngiting-ngiti pa ang dalagita na sa pagkakaalam niya ay huling taon na sa highschool.

Tila ito nakakita ng multo nang makita sila at dali-daling ibinaba ang hawak na phone. Natatawa siyang umiling.

“Hindi ka namin sesermunan, Janelle,” aniya sa dalagita na ikinangiti nito.

Nang lingunin ni Chesca si Caige ay halos mag-isang linya ang kilay nito sa pagkakakunot-noo sa pinsan.

“Sino kausap mo? Boyfriend mo ba? Naku, Janelle! You’re too young. Yari ka sa mama mo kapag nalaman—“

Hindi na natapos ni Caige ang litanya nito nang mabilis niyang itinakip ang kamay sa bibig ng binata.

“Don’t mind your cousin. Ako ang bahala sa kanya.”

Damn! Halos mapatalon si Chesca nang maramdaman ang paghalik ni Caige sa palad niya. Buti na lamang at hindi 'yon napansin ni Janelle.

“Anyway, saan ako pwedeng matulog?”

Ngumiti si Janelle at nanunudyo ang mga mata habang tinitingnan sila.

Ako kaya mismo ang magsumbong sa nanay ng batang ito?

“Doon daw kayo sa guestroom na katabi ng kuwarto ni Lolo.”

“Kayo?” ulit niya dahil tila nagkamali siya ng dinig.

“Yup. Kayong dalawa,” mariin at mabagal na sagot ni Janelle na itinuro pa silang dalawa.

“Wala ng bakanteng kuwarto, Ate. Ang tagal niyo kasing bumalik kaya isa na lang ang kwartong natira. Hindi naman na natin pwedeng gisingin ang iba dahil tulog na ang mga 'yon. Sa susunod kasi, orasan niyo ang loving-loving niyo. Don’t worry, hindi nangangagat si Kuya Caige. 'Wag mo lang siyang i-tempt,” ani Janelle na kinindatan pa siya.

Ano raw? I-tempt? Loving-loving? Jeez! Seriously?

At dahil wala naman siyang choice ay tumango-tango na lamang si Chesca. Parang hindi naman tama kung magrereklamo pa siya para sa bagay na iyon gayong wala nang magagawa.

“Sige na. Matutulog na kami. Dalian mo na diyan dahil baka ang mommy mo pa ang makaabot sa’yo. Baka ikaw ang makagat no’n,” biro niya bago inalis ang kamay sa bibig ni Caige.

Agad na hinila niya sa kamay ang binata nang tila magdudugtong pa ito ng sermon sa pinsan.

Pumanhik sila ni Caige sa hagdan at narating ang kwartong nasa dulo ng second floor. Kahit ang bahay ay pang-probinsya talaga. Gawa sa kahoy ang karamihan sa mga kasangkapan at maraming nakapalibot na mga antigong muwebles. May kalumaan na ang malaking bahay ngunit malinis pa rin 'yon at halatang matibay. Napakaalinsangan pang tingnan dahil maayos ang lahat ng kagamitan.

Siya na ang nagbukas ng pintuan at bumungad kaagad sa kanya ang isang king-sized bed na nasa gitna ng kuwarto. May isang pinto sa gawing kaliwa na sa palagay niya ay banyo. May isang aparador na gawa sa kahoy at may bedside table. May isang itim na sofa sa gilid ng kama. Ang sementado lamang ay ang sahig dahil maging ang mga dingding ay gawa rin sa kahoy. Simple lang ang dating ng kuwarto pero parang napaka-enggrandeng pagmasdan niyon.

“So, sa sofa na lang ako matutulog. Doon ka na sa kama,” suhestiyon ni Caige.

“Ha? Sa kama ka na lang. Ako na dito sa sofa. Sa laki mong 'yan, baka magmukha kang sardinas dito sa sofa,” nangingiting tugon niya.

Girlfriends 2: Rescued Hearts (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon