Chapter Thirty

444 19 0
                                    

TILA sadyang nang-aasar pa ang tadhana nang marating ng Girlfriends Team ang hotel and resort kung saan gaganapin ang photoshoot ng Girlfriends—ang Vergara Palace. Sa pagkakaalam niya ay ang stepbrother ni Caige na si Kuya Rolf ang namamahala niyon. Vergara Palace is a luxurious and classy hotel and resort. Karamihan sa mga nagpupunta roon ay talagang iyong mga may sinasabi sa buhay at mga bigating tao. The hotel itself could actually define how rich Caige family is. Kung tutuusin ay sobrang laki na nang kinikita ng Vergara Palace. Paano pa kaya ang ibang mga negosyo na hawak ng pamilya ni Caige? She couldn’t even imagine.

Agad din namang nagsimula ang photoshoot. Doon sila pumuwesto sa resort ng hotel. The view is magnificent. Dalawa ang pool na naroon—isang kiddie and adult pool. May malaking fountain pa na nasa gitna niyon. May iba’t-ibang bulaklaking halaman ang tumutubo sa paligid. At ang mga cottages ay nipa hut ang disenyo. Sa bandang gilid ay mayroong Jacuzzi. The sight is very relaxing. Lalo pa ngayon at sila lamang ang naroon dahil sa photoshoot at mukhang naabisuhan na ang mga naka-check in na may gagamit ng resort.

She wore a two-piece bikini suit. Produkto 'yon ng isang clothing line na ini-endorse niya at ng iba pang miyembro ng Girlfriends. Her first pose is somewhat seducing. Galing kasi siya sa paglangoy sa pool at kukuhanan siya habang umaahon sa tubig. Her emotion should be fierced with her two hands raking her long hair. Hindi naman na siya bago sa ganoon. Besides, it was just normal. Wholesome ang Girlfriends at hindi naman hahayaan ng management na maging uncomfortable ang mga modelo. That’s one of the things she loves about her Girlfriends team. They aren’t just a team but a family. Malaya ang bawat isa na magbigay ng opinyon upang mas mapadali ang trabaho nila.

“Perfect! Now…” Hindi na narinig ni Chesca ang sunod na sinabi ng photographer nang walang anu-ano’y nag-shut down ang kanyang utak nang makita mula sa double-glass door ang pagpasok ng lalaking hindi na nilubayan ang kanyang isip. Agad na naghinang ang mga mata nila ni Caige habang naglalakad ito palapit sa kinaroroonan nila. Kahit seryoso si Caige ay hindi pa rin naiwasan ng puso niya na hangaan ang lalaking minamahal. Ngumiti siya pero dagli rin 'yong napalis nang mapansin si Miley na naka-abrisete rito.

“Miley! Miley Zarragosa, darling, is that you?” namamanghang wika ni Madam Chay nang makita ang mga bagong dating. Mabilis na sinalubong ni Madam Chay ang dalawa at nakita niya ang pagyakap nito sa dating modelo ng Rising Star. Tinanguan lamang ni Caige si Madam Chay bago muling bumaling sa kanya ang nang-uusig na mga mata nito. Mabilis na nagrigodon ang dibdib ni Chesca at nagbaba siya ng tingin dahil sa matinding pagkailang. Of all time, bakit ngayon pa kung kailan may importante siyang ginagawa? Caige could easily removed her concentration just by simply standing in front of her. Damn, he could make her so uncomfortable without even doing anything!

“Chesca, darling, are you listening to me?” pukaw sa kanya ng photographer at pumitik pa sa harap niya. Napakurap siya at bumaling dito. Nakita niya ang pagbuntong-hininga ng photographer at pag-iling dahil hindi niya nasundan ang sinabi nito. “As I was saying, umupo ka sa gilid ng pool with your feet resting on front. The half-laying position. Then, give me a fierce yet seductive look.”

Huminga siya ng malalim nang dumaan sa kanyang harap sila Caige at Miley. Mula sa sulok ng kanyang mga mata ay nakita niyang tumungo ang dalawa sa nipa hut cottage na naroon. She felt totally uneasy.  But she needed to be professional. C’mon, Ches! Focus!

Pumuwesto na siya sa gilid ng pool at sinunod ang direksyon ng photographer. She was very aware that Caige is watching her every move. Pasalamat na lamang si Chesca at hindi siya nalaglag sa pool sa sobrang nerbiyos. What are these two doing here anyway?

Nang matapos ang part niya ay mabilis na inabot ng isang assistant ang isang t-shirt at sarong na mabilis niyang isinuot. Her eyes immediately went out on Caige only to break her when she saw him and Miley kissing like everything around them didn’t matter. Pakiramdam ni Chesca ay dinaklot ang puso niya at piniga 'yon. Caige was torridly kissing someone else. At talagang sa harap niya pa!

Girlfriends 2: Rescued Hearts (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon