Epilogue

849 42 4
                                    

One year later

“Looking in your eyes I see a paradise, this world that I found is too good to be true, standing here beside you, want so much to give you, this love in my heart that I’m feeling for you…”

Titig na titig sila Chesca at Caige sa isa’t-isa habang nagdu-duet ng kanta. Hindi nila alintana ang malakas na pagtitilian at panunudyo ng mga kamag-anak ni Caige na nanonood sa kanila. Nasa Marinduque sila para sa kaarawan ni Lolo Teodolo. At nang malaman ng lahat na maayos na sila ni Caige at sa pagkakataong 'yon ay totohanan na ang lahat, tuwang-tuwa ang mga ito.

Isang taon na buhat nang magkaayos sila. Isang taon na rin silang magkasintahan. They are already engaged pero wala pang usapan kung kailan sila ikakasal. Hindi naman sila nagmamadaling pareho dahil alam nila na sila lamang hanggang sa huli. Ngayon ay ini-enjoy muna nila ang pagiging magkasintahan dahil ayon kay Caige ay hindi na raw nito makukuha ang buong atensyon niya kapag nagkaanak na sila. Caige was always telling him that pero sa tuwina ay parang basketball team ang balak nitong buuin habang nagkukuwento kung ilan ang gusto nitong maging anak.

“And we can build this dream together, standing strong forever, nothing’s gonna stop us now… And if this world runs out of lovers, we’ll still have each other, nothing’s gonna stop us, nothing’s gonna stop us now…” Patuloy sila sa pagkanta ni Caige habang walang puknat sa pagtititigan. Nang matapos ang kanta ay tila hindi nakatiis ito dahil mabilis siyang hinapit at siniil ng malalim na halik sa mga labi. Mainit niya 'yong tinugon at ipinulupot ang mga kamay sa leeg nito. She felt his tongue wandering inside her mouth. It was a mind-blowing, literally breathtaking kiss. Kung hindi pa sila nakarinig ng palakpakan at pagsipol ay hindi pa sila maghihiwalay.

“Ikasal na 'yan!” sigaw ni Janelle na sinegundahan naman ng iba.

“Sige na at nang magkaapo na ako!” wika naman ng mama ni Caige. Sumama ito sa kanila dahil hindi na ito masyadong abala sa trabaho sapagkat maayos na naman ang pagpapalakad nila Caige at Kuya Rolf sa mga negosyo. Bukod pa doon, gusto na rin daw makita ng ina ni Caige ang mga kamag-anak nito kaya naging pinaghalong birthday at family reunion ang nangyari. Kinausap siya ng ina ni Caige noon at humingi ng tawad sa kanya dahil ito raw ang naging dahilan kaya nagkasira silang dalawa ng anak nito. But she immediately forgave her. Hindi rin naman siya nagalit. May mabuting naidulot ang naging paghihiwalay nila ni Caige. They both grew up and learned what love is really all about. That it is something that taking risks and feeling pains are all worth it in the end. At ang alaalang 'yon ang nagpapatibay sa kanila hanggang ngayon.

Habang nagpapatuloy sa pagvi-videoke ang iba ay lumapit sa kanila si Lolo Teodolo sakay ng wheelchair nito. Maluwang ang ngiti nito at halatang labis na nasisiyahan sa nangyayari sa pamilya.

“Lolo,” bati niya at nagmano dito.

“Masaya ako para sa inyo,” sinserong wika nito. Hinawakan nito ang mga kamay nilang dalawa at ipinagdikit 'yon. “Sana ay hindi na kayo maghiwalay dalawa, mga anak.”

Nagtinginan sila ni Caige at masuyong ngumiti sa isa’t-isa. Sa tagal nang pagtititigan nila ay hindi na nila namalayan na nakaalis na pala si Lolo Teodolo. Lumapit si Caige sa kanya at masuyong hinalikan ang kanyang noo bago siya niyakap ng mahigpit.

“Mahal na mahal na mahal kita,” madamdaming wika nito na ikinangiti niya.

“Mahal na mahal na mahal din kita. Period. No erase,” tugon niya at hinigpitan ang yakap dito.

Yes, nothing’s gonna stop them now…

  
Khris Chen

***WAKAS***
06/08/19

Girlfriends 2: Rescued Hearts (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon