Mystique Academy

81.9K 1.1K 82
                                    

"Ama, Ina, sigurado po ba kayo diyan? Bakit po ba kailangan magpanggap akong babae?" Nagtatakang tanong ko naman hindi ko sila maintindihan pagkatapos nilang sabihin ang tunay pagkatao ko ay biglang magkakaganito.

"Basta tandaan mo anak kailangan mong mag ingat mabigat ang responsibilidad na dala-dala mo kalahati palang ang aming nasasabi tungkol sa pagkatao mo. Marami ka pang dapat tuklasin at alamin. Buuin mo ang mga nawawalang piyesa ng memorya mo." Seryosong saad ng aking kinikilalang ama

Ang pangalan ko ay Danielle Zyther. Sa ngayon ay iyon ang pangalang gagamitin ko. Nang dumating ang 16th birthday ko ay duon ko nalaman na ang isang tulad ko ay may kakaibang kapalaran. Akala ko normal lang ang lahat. Dumating rin ako sa puntong ikinulong at pinahirapan ang sarili ng malaman kong may kapangyarihan ako. Isa akong taong kontrolado ng tadhana. Lahat ng plano ko, mga pangarap bilang isang normal na tao lahat ng iyon ay biglang nawala tila isang bula. Inampon ako ng mga Krutsarth Class S wizards akala ko ay namumuhay lang ako sa isang imahinasyon pero laking gulat ko nalang ng matuklasan ko ang lahat mula sa mismong nanay at tatay na kinilala ko simula't bata palang. Kahit ako mismo ay gulong gulo sa takbo ng istorya ko pero sabihin nalang natin na nasa pangalawang buhay nalang ako at ako ang panibagong reincarnation ng Elemental Guardian na nag ngangalang Kairus.. Na sa kasalukuyan ay Kayden ang ipinalit.

18 years old. Ayan ang edad ko sa mundo ng mga mortal pero dahil nasa kakaibang mundo ako. Kung saan daw ako nagmula na kung tinatawag ay Altherianavi. Sa mundo ako ng mga tao lumaki kasama ang Krutsarth Wizards ay natutunan ko kung papaano kontrolin ang kapangyarihan ko. Ang sabi ni Ama ay ako daw ang pinakamalakas na Element Handler or Controler sa mundo ng Altherianavi sa oras na maalala ko ang mga nawawalang piyesa ng aking ala-ala ay magsisimula namang magkaroon ng kaguluhan.

Gusto kong takasan ang aking kapalaran. Nakakaduwag at natatakot rin ako sa mga susunod na araw. Napakanegative kong tao ano? Dala ito ng pagiging Danielle ko. Ang pangalang kinalakihan ko bilang isang babae.

Limang elemento. Iisang tao. Iilan palang sa limang kapangyarihan ko ang aking kayang kontrolin. Oo at kung gaano karami ang kapangyarihang pinanghahawakan ko ganun rin kabigat ang responsibilidad at mga pagsubok na aking haharapin.

Ang APOY (Fire)

Ang YELO (Ice)

Ang TUBIG (Water)

Ang HANGIN (Wind)

At ang LIWANAG (Light)

Ang limang elementong pinanghahawakan ng isang tulad ko. At tinatawag bilang isang Elemental Guardian. Malabo man ang kasaysayan ko sa nakaraan kakayanin ko basta sa aking pamilyang minahal ako bilang isang totoong anak nila. Ipinapanganak ang isang Elemental Guardian matapos ang ilang dekada bago ulit sumibol ang tatak na patunay na isa kang itinakdang makapangyarihan. At walang nakakaalam kung matapos ang buhay ko.. Sino ang susunod na itinakda?

"Hanggang sa muli Danielle anak." paalam ng aking ama ng makababa na ako sa aming sinasakyan hindi ko na alam kung kailan ko pa ulit masisilayan ang mukha ng mga taong nagpalaki sakin. Pero hindi ako nandito para maging negatibo. May misyon ako at kailangan kong gampanan ang pagkakamali ni Kairus. Ang dating ako.

"Hanggang sa muling pagkikita Ama at Ina." Iniyuko ko ang aking ulo bilang simbolo ng pag respeto. Maraming salamat Ama at Ina sa lahat lahat. Naguluhan man ako sa una ay sinisiguro ko sa inyong kahit ano pang pagsubok ang humarang saking daan ay aking gigibain at wawasakin. Magpapatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makamit ko ang tunay na tagumpay.

Naluluhang inakap ako ni Ina at ganun rin ang aking Ama ganoon kalabis ang kanilang pagmamahal sa akin talagang itinuring nila akong bilang isang kapamilya, isang anak, at kadugo nila. Sumakay na sila sa napakagandang puting kabayong may pakpak na tinatawag na Pegasus. Sinulyapan nila akong muli bago nila pinalipad ang kanilang sinasakyan tahimik kong pinagmasdan ang papalayong paglipad ng Pegasus hanggang sa hindi ko na sila makita pa. Hindi ko maiwasang maging malungkot. Kinuha ko na ang mga gamit ko at nag lakad na palayo. Nahinto ako isang paaralan ang paaralang tinatawag na Mystique Academy.

Dito na magsisimula ang totoong istorya ko. May mga taong makikilala ako na katulad ko. Walang manghuhusga. At hindi ako nalalayo sa mata ng iba. Hindi ako nagmumukhang halimaw.. Ito ang lugar na para sa akin. Nakaramdam ako ng kakaibang emosyon habang binabasa ang napakagandang pangalan na nakaukit sa isang kumikislap na gintong bakal.

"Mystique Academy."

Sa pagkakaalam ko ang ibig sabihin ng Mystique sa lugar na ito ay..

Mystery.

Ano kayang buhay ang nakalaan sa akin?

100714

Mystique Academy (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon