...
JK'S POVS.
Nalaman ko na umalis si Jianne ng gabing iyun sa Islands kaya sinundan ko agad siya.
Sakay na ako sa sasakyan ko nang mapansin ko siya na naglalakad sa gitna ng kalsada sa kadiliman nito.
Bigla na lang umulan at tumigil ako sa isang tabi nang makita kong bumagsak siya sa samento habang nauulanan.
Nilapitan ko agad siya at binuhat papunta sa sasakyan ko at dinala ko siya sa isang Safe House ko na ako lang rin ang nakakaalam.
May bahid pa ang mukha niya ng luha kahit na basang basa na siya ng ulan nang maihiga ko na siya sa kwarto ko.
"Hindi mo dapat dinadanas yung ganito sa kamy ng Asawa mo at sa kabila ng pagtitiwala na ibinigay mo sa kanya!" Maktol ko sa kanya habang nililinisan ko siya.
Nagagalit man ako sa pambabalewala nya sa feelings ko ay hindi ko naman sya kayang pabayaan tulad ng ginagawa ni Jin sa kanya.
I still love her kaya hindi ko kayang sundin ang desisyon ni Dad na ipakasal nya ako kay Francine just because of his biggest plan to Kim's Company.
Ipinakita ko lang sadya kay Jianne na nagbago ako para maniwala si Dad na kumakampi na ako sa kanya pero sa tuwing tatanungin naman nya ako ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na sabihin sa kanya ang totoo.
Bigla syang nagkumbolsyon ng mabihisan ko na siya.
"Jianne!!!" Panggigising ko sa kanya pero nanginginig na talaga siya.
Nilapatan ko ng basang towel ang noo nya para bumaba agad ang lagnat nya.
Umuungol siya na para bang nananaginip na ng masama kaya hinayaan ko siya hanggang sa bumalik sa normal ang breathing nya.
Deep inside nasasaktan ako sa kalagayan nya ngayon.
"Last na ito Jianne, hindi ko na hahayaan pang magkaganito ka ng dahil sa kanya, tandaan mo yan!" Bulong ko sa kanya.
Tinabihan ko siya sa kinahihigaan nya at niyakap ko siyang mabuti. Mainit pa rin ang buong katawan nya kaya kailangan nyang mapagpawisan.
Hindi ko maiwasan na pagmasdan ang buong Aura ng mukha nya at hindi ko namamalayan na hinahalikan ko na pala ang labi nya.
Ayokong madala sa Emosyon ko kaya pinigilan ko ang sarili ko na samantalahin ang pagkakataon na nasa tabi ko siya, Mahinang mahina at walang kamalay malay sa kaya ko sanang gawin sa kanya.
Ayoko ng sirain pa ang gabing ito para sa pagpapahinga nya kaya binantayan ko na lang sya sa mahimbing nyang pagkakatulog.
"Good night Jianne!!" Paghalik ko pa sa noo niya bago ko siya kinumutan ng maayos.
.
.
.KINABUKASAN.
...
JIANNE'S POV.
Nasamid ako kaya bigla akong naalimpungatan sa paggising ko.
"Ah.. Ah...!!" Daing ko dahil sa pagsakit ng ulo ko bigla.
Napamasid ako sa nilulugaran ko.
Biglang pumasok sa loob ng kwarto si...
"Mabuti naman at nagising ka na!" Bungad niya sakin na may dalang pagkain.
"Jk??.. Nasaan ako?, Bakit mo ako dinala dito???" Kunoo't noo ko agad sa kanya.
"Don't worry you're safe here!" Pag aayos niya sa nakalaylay kong buhok kaya umiwas agad ako.
Dumistansya agad ako at napansin kong Polo Shirt nya ang suot ko. Naka Panty na lang ako at tube bra.
"An.. ong ginawa mo sakin???" Nanlalaking mga mata ko sa taranta ko na.
"Nakita kita na naulanan sa gitna ng kalsada kaya dinala kita dito at bigla ka na lang nagkasakit kaya pinalitan ko ang suot mo. Pagkatiwalaan mo naman ako Jianne, hindi ko pagsasamantalahan ang pagkakasakit mo kagabi para lang makuha ko ang gusto ko sa katawan mo!" Paglilinaw nya.
"Plano mo nanaman ba ito huh??" Diin ko pa sa kanya.
"There you go again!, Pinagbibintangan mo na naman ako dahil sa nangyari sa inyo ni Jin!, I dare you.. Proove it!" Anas niya sakin.
He's turning around.
"Jungkook!" Sambit ko sa pangalan nya.
"Kumain ka na muna para manumbalik ang lakas mo at saka mo na lang ako kausapin kapag ok ka na!" Pamumulsa niya at umalis na sya.
Akala ko ba magkagalit kami pero heto nanaman siya?, Nagpapakabait na ba talaga siya??.
Maya maya pa ay bumaba na ako at nakita ko siya sa kusina na naglilinis ng kung ano doon.
"Kung gusto mong umuwi, sige hahayaan kita pero sana naman lakasan mo na ang loob mo na ayusin ang gulo sa pagitan nyo ni Jin. Hindi mo kailangan magpakatanga sa kanya Jianne!" Saad agad niya.
"Amh.." Lunok ko sa sarili kong laway.
Bigla na lang may pumalakpak sa kinaroroonan ng pintuan.
"Dad?" Gulantang niya.
"Akala mo ba matataguan mo ako?" Paglapit nito sa kanya at agad syang sinuntok.
Nalito ako sa nangyayari. Bigla na lang may humagilap sakin at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
"Ikaw talagang babae ka!, Panira ka sa lahat ng plano ko!!" Derektang tingin niya sakin.
"Dad.. Wag si Jianne Please!!" Pakiusap ni Jungkook.
"Jungkook...." Utal ko sa takot ko sa mga taong nasa harapan ko at likuran ko.
May nakahawak rin sa kanya habang binubugbog siya ng tauhan ng Dad nya.
"Jungkook... Tama na po Please.. Wag nyo syang saktan!!!!" Hiyaw ko.
"Bitawan nyo si Jianne!!!" Sigaw naman nya.
"Hindi mo itinuloy ang Engagement Party nyo ni Francine dahil lang sa lintik na babaeng ito???" Sabunot nito sa buhok ko.
"Dad please... Ako na lang ang saktan nyo, wag lang sya!!!" Pag iyak ni Jungkook.
Bigla na lang akong binitbit ng may hawak sa kamay ko palayo sa kinaroroonan ni Jungkook.
"Jungkook.... Tulong!!!!" Umiiyak na hiyaw ko hanggang sa may sumuntok sa sikmura ko at nawalan ako ng balanse sa sarili ko.
"Jiannnneeeeee!!!" Sigaw na narinig ko mula sa kanya bago tuluyan mawala siya sa paningin ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/183318801-288-k245857.jpg)
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Worldwide Handsome. (COMPLETED)
ФанфикIn a Simple life that has Jianne Lee. In a Serious and Working hard that has Kim Seok Jin, The Destiny is just very Playfull that they will never quit playing game w/ their Hearts. Isang mapaglarong tadhana ang pakasalan ka ng taong matagal mo nang...