...
JK'S POV.
KINABUKASAN.
Tinanghali na ako ng pagpasok sa University kaya sa Cafeteria na ako tumambay para maghintay ng next class pero nadatnan ko si Reklamadora na nakub ub sa pinaka dulong lamesa.
Ts, Late din siguro sya. Malapitan nga sya.
Hindi ako nagpahalata na nasa tapat na nya ako at nakahalumbaba pa ako sa pagmasid sa kanyang pag ub ub.
Ano kayang balak nito sa buhay nya?
"Psst!!!" Tawag ko sa kanya pero hindi nya ako pinapansin.
Ginulo ko ang gamit nya pero wala pa rin syang pakealam.
Inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya para masilip ko kung natutulog ba sya pero bigla syang tumunghay at muntik ko na syang mahalikan sa sobrang lapit ng labi namin dalawa.
"Huh??, Jk!!" Paglayo niya.
"Mukhang puyat na puyat ka ah!, Pinuyat ka ba ng Mister mo at tinanghali na sya ng hugot?" Pagbibiro ko sa kanya.
"Bastos!" Seryosong baling nya sakin at agad ay tumayo siya para umalis.
"Uyyh... Joke lang!, Ang seryoso mo talaga!" Paghila ko sa kamay nya.
"Hrrr.. Kainis!" Balyang pag upo niya ulit.
"I'll treat you somes snack, you want?" Alok ko sa kanya.
"Bakit ba huh?" Gigil nya.
"Wala lang!, We're Friends diba?" Naniningkit ko pang mga mata sa kanya at binilhan ko sya ng Snacks.
Kumakain naman sya pero one by one na parang nagbibilang.
Malungkot yata ang Reklamadora ko ah. Kahit anong pagpapapansin ko sa kanya ay parang hangin lang ako.
Kainis... Apektado na talaga ako sa kanyang sitwasyon. Nasasaktan na rin ako kapag nakikita ko syang malungkot dahil sa Seokjin na iyun.
Kung pwedi ko lang syang bawiin ay binawi ko na sya.
"How so Sweet!" Paglapit samin ni Jin at kasama nya ang barkada nya.
Pinupunasan ko kase ang makalat na bibig ni Jianne nung madatnan nila kami.
"Nagpa late talaga kayo para magawa nyo yan?" Taas kilay pa nito samin.
"Ah.. Eh.. Wala lang yun..!" Paglilinaw ni Jianne.
"Ayoko kaseng makita na madumi sya, Since ipinagbilin sakin ni Tito Jungsei na alagaan ko ang Unika Hijah nya!" Baling ko sa kanya.
"Woah... Love Triangle ba ang scene na ito?" Singit ni Taehyung.
"Tumahimik ka nga!" Pagpigil sa kanya ni Yoongi.
"I'm his husband at hindi na siguro tama na nakikisingit ka sa responsibilidad ko sa kanya!" Paghawak nito sa kamay ni Jianne na sinundan ko ng tingin.
"Yeah.. Responsibilidad pero ginagawa mo ba?" Baling ko sa kanya.
"Tigil!!!" Pumagitna samin si Jianne.
"Hey... Nasa University tayo guys!" Pag aawat naman ni Jimin.
Huminga lang ako ng malalim at hinawakan ko rin sa kamay si Jianne.
Maya maya pa ay bigla na lang naghiyawan ang lahat sa kung sino ang dumating.
"Hi... Everyone!!" Mahinhin na boses nito.
"Frans!!!" Gulantang ni Jimin, Taehyung at Yoongi.
"Kamusta?" Tanong pa nito.
Who is she?, I don't even know her.
"Jin na miss kita!" Pagyakap nito kay Seokjin.
"Francine!" Pagbitaw naman nya kay Jianne para balikan ito ng yakap.
Nakikita ko kung ano ang Reaksyon ni Jianne sa nasasaksihan nya at ramdam ko na nasasaktan sya ng sobra.
Tumakbo siya paalis sa Cafeteria at nasundan ko siya sa isang tabi, Sa likod lang ng Cafeteria.
"Sino sya?, Kilala mo ba ang babaeng yun?, Mukhang Friend sya ng Asawa mo ah?" Tanong ko pa.
Tumutulo ang luha nya sa pagtungo nya pero hindi ko marinig ang pag iyak nya.
"Uuwi na ako!" Sabi niya na pigil ang pag iyak.
Pinigilan ko sya at hinila ko sya papunta sa Restaurant ng Papa nya para mawala ang Atensyon nya sa nangyari kanina.
Wala si Tito Jungsei, namimili ito ng mga recipe sa kabilang Bayan at baka bukas pa makauwi kaya ako na muna ang nagmanage ng kusina.
Wala pa rin sa kondisyon si Jianne kahit na nasa kusina na kami kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Wag mo nang isipin yun!" Hinila ko siya payakap sakin at itinuon ko ang ulo nya sa Chest ko, to give her way na ibuhos ang lahat ng luha nya.
"Iyak na bilis, magluluto pa ako!" Paghaplos ko sa likuran ng buhok nya.
Lumakas na ang pag iyak nya habang pinipigilan ko ang sarili ko na magalit ng
sobra sa Asawa nya.Sandali lang iyun at pinakitaan ko na siya ng nalalaman ko sa pagluluto.
"Mr. Worldwide Handsome ang pinaksalan mo eh kaya nahihirapan ka ng ganyan!" Saad ko pa.
"Hmmm!" Matipid nya lang na ngiti at pinagmasdan ako kung paano hiwain ang lahat ng gulay na nasa lamesa.
Namumukto pa rin ang mga mata nya pero mukhang gumaan naman ang kalooban nya.
Ayokong umiyak sya dahil sa lalaking iyun kaya hindi na ako papayag sa susunod na mangyari ulit ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Worldwide Handsome. (COMPLETED)
Hayran KurguIn a Simple life that has Jianne Lee. In a Serious and Working hard that has Kim Seok Jin, The Destiny is just very Playfull that they will never quit playing game w/ their Hearts. Isang mapaglarong tadhana ang pakasalan ka ng taong matagal mo nang...