CHAPTER 9.

45 2 0
                                    

...

JIN'S POV.

...

Kinuha ko ang Susi ng Sasakyan ko at umalis ako. Pumunta ako sa tambayan nina Yoongi, Taehyung at Jimin.

"Oh, naligaw ka yata Jin?" Bati ni Taehyung sakin na hindi ko pinansin.

"One on one?" Hagis sakin ni Yoongi ng Chako. (Billiard's Stick).

"Matatalo ka nya Yoongi kaya wag ka nang manghamon dyan!" Pang aasar ni Jimin.

Kainis, Wala bang may gustong magtanong sa kanila ng nararamdaman ko ngayon?.

Seryosong pinashoot ko sa bawat butas ng bilyaran ang lahat ng bola by numbers at tanging bato lang ang itinira ko sa gitna.

Hindi ako nakontento at nagpa set ulit ako ng bago at tinamaan kong lahat ang bola na iyun hanggang sa mainis ako ng mainis kaya pinutol ko na lang ang Billiard's Stick.

"Hey... Jin What's wrong huh?" Tapik sa balikat kong tanong ni Jimin.

Napakagat labi lang ako at napatuon ang dalawang palad ko sa giliran ng Bilyaran.

"Magkaaway nanaman ba kayo ni Jianne?" Tanong ni Taehyung.

Humingang malalim lang ako.

"That girl again!" Banat ni Yoongi at nagsimulang ayusin ang mga bola sa gitna.

"Kung sasanayin nyo ang sarili nyo na sa tuwing mag aaway kayo ay aalis ka, paano ang future nyo niyan?" Tanong ni Taehyung.

"Nakikipag hiwalay na sya!" Mahinang sambit ko.

"Seriously?, Sumusuko din pala sya sa paghahabol sayo?" Natatawang sabi ni Yoongi.

"Oh, diba yan naman ang gusto mo?, Maghiwalay kayo tapos babalikan mo si Ate Frans!" Sabat pa ni Taehyung.

"Sumuko sya dahil nasaktan ko sya ng sobra, bakit matutuwa ako na umiiyak sya dahil sakin huh?" Tumataas kong boses.

"Relax lang Jin ok!, Malay mo may iba pang dahilan kung bakit nakikipag hiwalay na sya sayo!, Malay mo may Secret Affair na sila ni Jungkook tapos ginawa nya lang dahilan yung nalaman nya tungkol sa inyo ni Ate Frans para makipaghiwalay na sya sayo para mas malinis tingnan yung ginagawa nila ng Jungkook na yun!" Paliwanag ni Jimin.

Bakit hindi ko kayang paniwalaan na baka totoo ang sinasabi nya.

"Hindi nya ako lolokohin tulad ng ginawa ko sa kanya!" Diin ko.

"What if lang naman!" Kibit balikat pa nya.

"How so Serious topic has here?" Boses ni Francine.

"Badtrip kase itong Ex mo!" Turo sakin ni Yoongi.

"Hmm.. Hindi na kayo nasanay!" Tugon nya.

Aalis na sana ako pero nahagilap pa nya ang kamay ko.

"Ayaw mo ba akong makita?" Tanong nya.

"Aayusin ko ang problema namin ng Asawa ko!" Matigas kong baling sa kanya at marahan nya akong binitawan.

"Ganun ka pala kabilis magdesisyon Jin, remember the Night that you were crying just because you..." Pinutol ko agad ang sasabihin nya.

"Kalimutan mo na ang katangahan ko sayo na yun Francine!, Baka tama ka na dapat nasa Asawa ko na ang Atensyon ko ngayon at hindi na sa nakaraan natin dalawa!" Tuwid kong sabi sa kanya bago ako tuluyan umalis.

Kung hindi ko pa nakita si Francine at inalala ko ang pambabalewala niya sa nararamdaman ko sa kanya ay hindi ko pa mare realize na mahalaga rin sakin si Jianne.

Bumalik ako sa Mansion para puntahan si Jianne sa kwarto namin pero hindi ko na sya naabutan pa. Umalis na sila ni Tito Jungsei.

.
.
.

JK'S POV.

...

Kalalabas ko lang sa isang Cafe ng nakita ko si Jianne na naglalakad palayo. Marahan akong sumunod sa kanya at hindi ako nagparamdam na sinusundan ko lang siya.

Gabi na tapos naglalakad syang mag isa ng ganitong oras?. Saan kaya sya pupunta at mukhang napalayas siya?.

"Owwhhh... Hoy Miss saan ka punta?, Ihahatid ka na namin!" Boses ni Riyu.

Ang mga ugok na ito, wala pa rin pagbabago. Biktima pa rin nila ang katulad ni Jianne na sigurado na hindi makakalaban sa kanila.

"Lu.. mayo kayo sakin!" Tatakbo na sabi ni Jianne.

Nakamasid pa rin ako sa gagawin nila pero lumapit na ako nung babastusin na nila si Jianne.

"Kung ako na lang kaya ang pagtripan nyo huh mga Ugok?" Pagbato ko sa kanila ng nakuha kong bato sa daan.

"Ts... Sya pala yun tinutukoy mo!" Sigaw ni Tyrone sakin.

"Oh.. Jk?" Gulantang ni Jianne sakin.

"Taken na sya ok!, Iba na lang ang pagtripan nyo!" Sabi ko pa at hinila ko palayo si Jianne.

Kinuha ko sa kanya ang dala dala nyang Maleta.

"Nasaan si Tito Jungsei?, Bakit gabing gabi na narito ka pa sa gitna ng Daan?, Pinalayas ka ba sa inyo?, Nasaan ang tarantadong Asawa mo?, Bakit pinababayaan ka nya? Wala talaga syang kwenta!" Sunod sunod kong tanong sabay maktol.

Lumakad lang siya palayo sakin pero pinihilan ko ang kamay nya.

"Jianne anong nangyari?" Seryosong tanong ko.

"Ah.. Wala!" Pagpapahid niya sa luha nya at napansin ko na wala na syang suot na singsing.

"Ts, Don't tell me naghiwalay na kayo ng Asawa mo?" Natatawang anas ko.

Sabay iyak nanaman nya.

Marrying Mr. Worldwide Handsome. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon