CONTINUATION.

32 2 0
                                    

...

Inihatid ko na siya sa School na pinagtuturuan niya.

Ngayon ko lang naiintindihan kung bakit gustong gusto nya na maging isang Teacher.

Masaya naman sya sa trabaho nya lalo na sa mga batang natuturuan nya ng maayos at tamang asal, May makukulit man ay mapag pasensya naman siya. Alam ko kung gaano nya kagustong makasama ang Anak nya sa mga panahon na lumilipas, Sa bawat araw na umiiyak siya sa loob ng kwarto nya at habang nanguauari iyun ay nakikinig at nanonood lang ako sa kanya.

Bakit pakiramdam ko ay dehado pa rin ako at kasalanan ko ang lahat ng nangyayaring ito sa kanya.

Sumakit bigla ang dibdib ko na para bang hindi na ako makahinga ng maayos na agad nyang napansin iyun.

"Ok ka lang ba Jungkook??" Paghipo niya sa leeg at noo ko.

"I'm ok!, Wag mo na akong alalahanin pa!" Pag iwas ko sa kanya.

"Pasensya na huh kung hindi ko na nabibigyan ng panahon ang lahat ng ginagawa mo para sakin, Alam ko kung gaano na karami ang utang na loob ko sayo at ng mga sakripisyo mo at hindi ko alam kung saan ko sisimulan na bayaran ka!" Sabi niya.

"Naniningil ba ako sayo huh Jianne?" Tanong ko naman sa kanya.

May impit ng sakit sa parteng dibdib ko na hindi ko lang iniinda. Dala na rin siguro ito ng sakit ko.

Pabago bago na rin kase ang pakiramdam ko at sadyang nanghihina na rin ang katawan ko pero wala akong balak na sabihin yun kay Jianne para lang kaawaan nya ako o mag aalala siya sakin.

"Amh.. Susunduin kita mamaya huh?" Bilin ko naman.

"Ah.. Sige ikaw ang bahala!" Tugon niya na para bang nahihiya pa.

"I should go, baka hinahanap na ako ni Tito Jungsei sa Restaurant nyo!" Sabi ko pa.

"Bye!" Kuway lang niya sakin.

Ilan beses na akong sumubok na mas laliman pa nya ang nararamdaman nya sakin pero hanggang kaibigan lang talaga ang kaya nyang ibigay sakin.

Kontento na ako sa ganitong set up ng relasyon namin bilang magkaibigan kaya lang natatakot pa rin ako na mawala siya sakin kaya may isang bagay akong nagawa sa kanya na sinisigurado ko na hinding hindi niya ako mapapatawad kapag nalaman niya ang totoo.

Umalis na ako at dumaretso ako sa Restaurant.

"Bakit ba ngayon ka lang huh?, Kanina pang maraming gawain dito!!" Bungad agad sakin ni Tito.

"Sorry.. Tito, inihatid ko pa kase si Jianne!" Sabi ko.

"Bakit parang namumutla ka huh?" Kunoo't noo niyang pagtataka.

"Ah.. Wala lang Tito!" Tugon ko lang.

Napa ubo ako bigla at sa pagharang ko ng palad ko sa bibig ko ay may nakita akong dugo dito.

"Dugo yan ah!, Sigurado ka bang ok ka lang?" Pag aalala na ni Tito.

"Ok lang Tito!" Tugon ko pa rin.

Bakit ba bigla na lang akong naliyo at dumilim ang paningin ko.

"Ti..." Utal ko lang at pakiramdam ko ay bumagsak na ang katawan ko.

.
.
.
.

JIANNE'S POV.

...

May naririnig akong isang awayan sa kabilang gilid ng isang Classroom bago ako makarating sa Room na tuturuan ko.

"Ano.. Lalaban ka huh?" Boses ng mga bata na para bang may kaaway.

"Saktan nyo ako kung gusto nyo!, Wala kayong mahihingi sa baon ko!" Tinig pa nung isang bata.

"Abah.. Ang yabang nito, transferee lang naman dito!" Sabi pa nung kaaway nito.

"Pssst!!!" Sit sit ko sa kanila.

"Ma... Am!!!" Gulantang nila.

"Bakit ba nag aaway kayo huh?, Alam nyo bang bawal yan dito?" Tanong ko sa kanila ng lumapit ako sa kanila.

"Mam.. Kase po itong si Justin eh!" Turuan nila pero napansin kong tahimik lang ang isang bata na itinuturo nila.

"Tama na ang awayan!, Sige na pumunta na kayo sa Classroom nyo!" Sabi ko pa.

"Hep!!" Pagharang ko sa dadaanan nila. Nalimutan ko kasi ang sasabihin ko.

"Mam!"

"Mag sorry muna kayo sa kanya!" Utos ko.

"Huh?, Sya po kaya yung inaaway kami!" Turo pa nila.

"Justin tama ba?" Pagtutukoy ko sa pangalan nito.

"Bakit ako ba ang nauna huh??" Taas kilay nito sakin.

"Justin!" Pagtawag ko sa kanya ng lampasan ako nito.

"Tawagan nyo na lang ang Mom and Dad ko!, Ah si Tito na lang pala kung gusto nyo silang maka usap!" Sabi pa nito.

Aba kakaiba rin itong batang ito. Sino ba ang mga magulang nito huh??

"Justin!!!!" Boses ni....

"Saan ka ba nagpupunta?, May kinuha lang ako sa kotse, lumabas ka na agad!. Nasaan ba ang Classroom mo?, Nakausap ko na ang Principal mo na pwedi ka nang pumasok ngayon basta't  alam na ng Parents mo na..."

"Jimin?" Kunoo't noo ko nang magkatinginan kami ng tuwid.

Tama ba ang nakikita ko na kilala nya ang batang iyun?.

"Ah.. Jianne, long time no see?, How are you?, Nice to see you here, Teka.... Ikaw ba ang Teacher ni Justin?" Nalilitong tanong nya.

"Amh.. Ok lang ako pero anak mo pala ang batang iyan?" Paglilinaw ko pa.

"Ah.. No.. He's not my son!" Paglilinaw naman nya.

Lalo akong nalito.

"Tito, gusto ka yata nya kaya tumulala na sayo!" Sabi nitong batang ito.

Hindi ko kase malaman kung paano ko uunawain na may batang kasama si Jimin tapos hindi pala sila mag ama.

"Justin, wag ka ngang pasaway!" Pagsusuway pa nya dito.

Gusto ko sanang malaman kung kanino itong Anak pero hindi ko alam kung paano ko tatanungin si Jimin.

Ang tagal na rin ng panahon na hindi ko siya nakikita pero mas nakakapagtaka dahil narito sila sa Busan.

Hindi kaya narito rin si Jin?.

"If you don't mind have coffee with me?" Anyaya niya.

"Huh.. Ah.. Eh!!" Utal ko nang biglang nag ring ang phone ko.

Sinagot ko agad kase si Papa ang tumatawag.

"Papa?" Tugon ko agad.

"Si.. Jungkook isinugod ko agad sa Hospital!" Sabi ni Papa.

"Ano po?, Bakit po Papa?, Anong nangyari?" Tanong ko pa.

"Bilisan mo nang pumunta dito!, Hindi maganda ang lagay nya!" Sabi pa ni Papa.

"What's going on?" Singit ni Jimin.

"Tito, umuwi na po tayo!" Pag aya nung bata.

"Mukhang kailangan ko nang mauna sa inyo!, Next time na lang Jimin!" Tapik ko sa balikat nya at nagmadali na akong umalis.

Pagdating ko naman sa Hospital ay naka Confined agad si Jungkook sa hindi ko malaman na dahilan.

Walang maipaliwanag si Papa sakin at pinagbawalan pa kami ng Doctor na makapasok sa loob ng kwartong iyun para makita si Jungkook sa malubhang kalagayan nya.

Marrying Mr. Worldwide Handsome. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon