...
JIANNE'S POV.
Lumipas ang ilang Araw, Linggo pero ang pangako ni Jin na babalikan nya ako at aayusin nya ang pamilya namin ay hindi nanaman nangyari sa pangalawang pagkakataon.
Umasa nanaman ako sa kanya at pinilit ko ang sarili ko na maghabol kung saan hindi ko na sila nakita pa ng anak ko.
Hindi naman ako bobo para hindi isipin na nakalaya ako sa kulungan dahil pinilit sya ni Francine na sumama sa kanya at yun nga siguro ang nangyari.
Iniwan nanaman nya ako at sa pagkakataon ito ay iniwan nya ako kasama ang Anak ko sa kanya.
Tumigil ako sa pagtuturo dahil lumalaki na ang Restaurant ni Papa at doon ko na lang pinili na ituon ang Atensyon ko para makapag libang ako kahit sa pagluluto.
Niluluto ko ang nasa Recipe Book ni Jungkook tapos dadalhin ko iyun sa puntod nya para maipakita ko sa kaluluwa nya na kahit papaano ay nag improve na ako sa Kusina nya.
"Anak magco close na ako!" Sabi ni Papa dahil gabi na rin naman.
"Wag muna Papa, ipagluluto ko muna si Jungkook ng Favorite nyang Crispy Chicken!" Sabi ko.
"Pero gabi na Anak!" Sabi pa ni Papa.
"Ok Papa, umuwi na lang po kayo at ako na ang bahala dito!" Sabi ko naman.
"Sigurado ka?" Tanong nya.
"Opo Papa.. Sure na sure!" Dugtong ko pa at narinig ko na nga na umalis na siya.
Gabing gabi na pala kung bibisita ako kay Jungkook ngayon baka kung sino pang multo ang makita ko doon. Ipagluluto ko na lang sya at bukas ko naito dadalhin sa kanya.
Tahimik lang ako sa pagluluto ko sa Kichen Area hanggang sa may narinig akong yabag ng Sapatos papasok dito.
Kinakabahan at natatakot na ako pero binaliwala ko lang iyun.
"Sino yan?" Tanong ko kahit nakatalikod ako. Ayoko kaseng humarap sa may pinto dahil baka si Jungkook ang makita ko.
"Jk, wag mo naman akong multuhin please lang... Bibisitahin naman kita eh, bukas na nga lang!" Maiihi kong tinig.
Hinawakan kong mabuti ang sandok at balak kong harapin ang kung sinong nasa likuran ko na pero pagharap ko ay..
.
.
.JIN'S POV.
Natatawa na lang ako sa mga sinasabi nya habang pinagmamasdan ko siya sa kinatatayuan nya.
Takot na takot na siguro sya dahil hindi pa rin ako umiimik sa mga tanong nya kung sino man daw ako.
Yah I'm here again. Inayos ko lang ang pakikipaghiwalay ko kay Francine at lahat ng properties ko sa kanya ay kinuha ko para maging buo na kami ni Jianne.
Ipinaliwanag ko rin kay Justin ang totoo kaya hindi ko agad nabalikan si Jianne nung araw na sinabi ko sa Lawyer ni Francine na iniuurong na nito ang kaso kay Jianne.
Mas marami pang bagay akong inayos para sa panibagong panimula namin ni Jianne na hindi ibigsabihin nun ay kinalimutan ko na sya.
"Ji.. n???" Gulantang nya sa pagharap nya sakin. Buti na lang at naabutan ko agad ang sandok na ipupuk puk niya sakin.
Hindi na ako nagpapigil pa at niyakap ko agad sya ng sobrang higpit.
"Jianne!!!" Pagyakap ko sa kanya.
Itinulak niya ako at sinampal ng sobrang lakas. Galit pala sya sa ginawa ko.
"Ang lakas ng loob mong bumalik dito!. Hinintay kita sa mga pangako mo at pinasaa mo nanaman akot tapos dadating ka dito na para bang wala lang sayo ang lahat ng ginawa mo!" Sumbat niya sakin.
"Inayos ko ang lahat!" Saad ko naman.
"Inayos?, Nasaan ang sinasabi mong inayos?, Ah.. Pinalaya mo ako kapalit ng pagsama mo kay Francine at talagang idinamay mo pa ang Anak natin huh?, Wala ka talagang kwenta!!!, Duwag ka!" Dugtong pa nya.
Niyakap ko ulit siya at hinayaan ko syang magdabog sa dibdib ko kasabay ng pagluha nya.
"Duwag ka!!, Wala kang Paninindigan sa mga pangako mo!, Ilan buwan akong naghintay sayo pero anong ginawa mo!!!" Pagwawala niya.
"Kasama ko na si Justin!" Bulong ko sa kanya at tumigil siya.
"Si.. Justin?" Utal niya at dumistansya sya sakin.
"Umh... Hindi ko pweding iwan si Justin diba?, Inayos ko lang yung pakikipaghiwalay ko kay Francine at sinabi ko kay Justin kung sino ka talaga sa buhay nya. Nahirapan ako na magpaliwanag sa kanya pero maniwala ka sakin Jianne ginusto kong mabuo na tayo kaya ginawa ko ang lahat para mabalikan ka kaya lang hindi kinaya ng panahon at oras ang lahat ng plano ko!" Saad ko pa sa kanya.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Sumisinghap siya ng hangin sa harap ko na para bang nalilinawan na siya sa mga Paliwanag ko.
"Bumalik ka na samin ni Justin!" Paghagilap ko sa kamay nya at hinalikan ko iyun.
"J.... in...!!!" Baling niya sakin at niyakap naman ako.
"Matagal na kitang hinihintay!, Hanggang ngayon ay Mahal na mahal pa rin kita!, Mahal mo pa ba ako?" Tanong ko sa kanya.
Tiningnan nya lang ako sa mga mata ko. Hindi ko na rin siguro kailangan pang marinig sa kanya kung mahal nya rin ba ako dahil sa totoo lang ay simula nung pumapasok pa kami sa High School ay mahal na talaga nya ako.
Ako lang yung naging bulag sa pagmamahal nya hanggang sa piliin nyang mapakasalan ako.
Inialakbay ko ang mga braso nya sa balikat ko at tumungo ako para pantayan siya ng tingin sa mga mata nya.
Marahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya at unti unti kong inilapat ang labi ko sa labi nya na natural lang.
"Umuwi na tayo, hinihintay na tayo ng Anak natin!" Sabi ko ng pakawalan ko ang labi nya.
"Teka.. Yun na yun?" Pagkamot nya sa ulo nya.
"Huh?" Pagtataka ko sa tinutukoy nya.
Nagulat na lang ako ng hilahin nya ang batok ko at hinalikan nya ako ng sobrang riin sa labi ko.
Ang sarap lang tugunin dahil pabago bago at paulit ulit hanggang sa para bang pigil na pigil na ang hininga namin dalawa.
Marahan naman nya akong pinakawalan pati ang labi ko habang hinihingal na kaming parehas.
Nagtawanan lang kaming dalawa na para bang bumalik kami sa normal na mag asawa.
Hsss.. Pakakasalan ko pa sya... Sa ngayon ako naman ang magpapakasal sa kanya.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Worldwide Handsome. (COMPLETED)
FanficIn a Simple life that has Jianne Lee. In a Serious and Working hard that has Kim Seok Jin, The Destiny is just very Playfull that they will never quit playing game w/ their Hearts. Isang mapaglarong tadhana ang pakasalan ka ng taong matagal mo nang...