CONTINUATION.

44 2 0
                                    

...

KINABUKASAN.

Maaga akong nagising kaya binalak kong makialam sa kusina ni Jungkook pero nadatnan ko na siya doon na nagluluto ng pang umagahan.

"Gising ka na pala!, Maganda ba ang tulog mo?" Tanong nya na sadyang naiilang ako ng sobra.

"Ah.. Ok lang naman!, Amh pupuntahan ko sana si Papa sa Restaurant nya para ipaalam na dito ako natulog at saka baka hindi na ako makabalik dito!" Kamot ko sa ulo ko.

"Hindi na ba magbabago ang isip mo na layuan ako?" Malumbay na tanong nya.

"Iniisip ko lang kase kung ano ang magiging reaksyon ni Jin kapag nalaman nya na..." Pinutol nya ang sasabihin ko.

"Kapag nalaman nya na magkasama tayo?, And so what he care for?, Diba hiniwalayan mo na sya dahil wala syang pakealam sayo it means wala na rin syang pakealam kung nasaan ka na ngayon!" Derektang sabi nya.

"I mean.." Putol na paliwanag ko.

"Iniisip mo pa rin sya?" Kunoo't noo niya na para bang nagagalit ng lihim.

"Amh.." Lunok ko sa sarili kong laway.

"Hindi pa naman kami hiwalay sa lahat ng Marraige Contract, Ayoko lang na maging issue pa na narito ako sa bahay mo pagkatapos kong magsawa sa ginawa nya sakin!" Pasikot sikot kong Paliwanag.

"Pwedi ba Jianne wag mo na syang isipin pa!" Saad nya.

"Iniisip ko lang talaga yung sitwasyon namin!" Sabi ko pa.

"Pwest nang dahil sa kakaisip mo sa kanya ay nasasaktan ako!, Nagseselos ako!" Bagsak niya sa hawak niyang sandok.

Nagulat lang talaga ako sa pagdabog niya. Hindi ako sanay na kinokontrol niya ako sa magiging desisyon ko na para bang inangkin na niya ako.

"I'm... Sorry Jianne nabigla lang ako!" Sabi niya at tinanggal ang Atensyon ko sa gulat.

"Sige, Kung gusto mo ay sasamahan kita na mapuntahan si Tito at magpapakilala na rin ako sa kanya ng maayos!" Paghawak nya sa kamay ko.

"Ah.. Eh... Amh.. Sa University na lang muna siguro ako pupunta!" Pag iwas ko.

"Ah, Ok.. Sabay na tayo!" Sabi nya pa.

.
.
.
.

JIN'S POV.

...

KIM'S UNIVERSITY.

Special Day nga pala ngayon dahil ngayon na sisimulan ang first Round sa Cooking Contest na sinalihan namin ni Francine.

Nagdesisyon ako na sumali sa Contest na iyun bago ako hiwalayan ni Jianne. Nag set up lang naman ako ng plano na tulungan si Jianne at si Tito Jungsei sa lahat ng bayatin nilang utang matapos kong malaman na sumali ang Multi-Billionaire Businessman Son ni Mr. Jeon na si Jungkook.

Planado rin na si Jianne ang magiging Partner ko sa 1-Final Round ng Contest pero naging magulo ang lahat samin.

Sumuko agad sya sa inaayos kong pakikitungo sa kanya but then magbaback out na sana ako pero hinikayat pa rin ako ni Francine.

I have no Choice, para naman kasi iyun sa Charity Foundation na binubuo nila nina Taehyung.

Gusto ko rin malaman na ang taong mas pinagkakatiwalaan nya kaysa sakin ay mas sinungaling pa sakin. Ginagamit lang sya ni Jungkook para sa isang Big Deal Business ng Family nila.

"Wooohhhh... Kim Seokjin!!!, Kim Seokjin!!!, Mr. Worldwide Handsome Fighting!!!" Sigaw ng all girls Students sa University na sinalubong pa ako sa gate para sa support nila.

"Hayssst sya nanaman ang bida!!" Bulong ni Yoongi.

"Ngayon lang sila ganyan dahil Single na ulit sya!" Boses ni Taehyung sa likuran ko.

"Shut up ok!" Baling ko sa kanila at Daretso ako na lumakad.

Hinahanap ko si Jianne sa kung saan sulok ng University pero sa Cafeteria ko siya nakita.

Nagsalubong lang ang tingin namin pero hindi na nya ako pinansin.

Kausap nya si Jungkook kaya nahiya na rin akong lumapit.

"Naniwala ka Jin?, See... Ginawa nya lang dahilan yung hiwalayan nya sayo just because of Jungkook!" Sipat pa na sabi ni Jimin.

"That's not true!" Giit ko.

"Owh.. Bago yun huh?, Hindi ka na pala naniniwala sa mga sinasabi namin?" Cross hands nya.

Umaakyat ang dugo ko sa ulo ko para mag init ito ng sobra sa galit pero nanatili akong tahimik.

Marrying Mr. Worldwide Handsome. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon