CHAPTER 17.

52 2 0
                                    

...

JIANNE'S POV.

Sa paglipas ng ilan Linggo ay tuluyan na namin inayos ang buong pamilya namin at sa tingin ko naman ay natanggap na rin ako ni Justin kahit na minsan ay pumapalpak pa rin ako sa kanya.

May pinagmanahan pala naman sya sa kanyang Daddy. Masyadong perpekto sa lahat.

.
.
.

Nasa kusina ako ng may narinig ako na isang katok sa pinto at pinuntahan iyun ni Jin. Naintrisado naman ako kaya naki itsyoso ako sa kanyang kausap.

"I... Kaw pala Francine.." Utal ko.

"Kung manggugulo ka lang din naman, you may go!" Pagtataboy ni Jin sa kanya.

"No.. Hindi ako makikipag away kaya kami narito!" Mahinahon na sabi niya.

Kami?, May kasama pala sya at napansin ko rin na nakahawak siya sa lumalaki yata nyang puson.

"Frans, diba sabi ko dahan dahan lang sa pag.. Haysss napagbuksan ka na pala nila!" Boses ni Jimin palapit sa pintuan namin.

Kung tama ang nakikita ko. Magkasama sila ni Francine na pumunta dito sa bahay namin ni Jin.

Naguguluhan ako pero parang may dahilan kung bakit ang tagal ni Jimin na hindi nagpakita samin.

"Tito.. Jimin!!" Salubong sa kanya ni Justin at binuhat naman nya agad ito.

"Doon tayo sa loob ng bahay nyo maglaro huh, bawal kase sa buntis ang laging nakatayo!" Sabi pa niya.

"Ah.. Pasok kayo sa loob!" Anyaya ko naman.

Ibinaba nya si Justin at inalalayan nya si Francine. Pinabayaan ko silang magkausap usap ni Jin at ipinaghanda ko sila ng meryenda nila pero nalilito pa rin ako.

"Bu.. ntis ka pala Francine?" Pagtutukoy ko.

Kinakabahan lang ako sa takot ko na sabihin nyang buntis sya at si Jin ang ama ng ipinagbubuntis niya.

Paano kung iyun nga ang totoo?, Paano ko tatanggapin ang lahat ng iyun. Hindi ko na talaga kakayanin pa sa pangatlong beses ay iiwanan nanaman ako ni Jin para sa paninindigan nya sa isang responsibilidad.

"Yes.. She's 3 months pregnant, Hindi ko talaga inaasahan na sa ganito rin kami mapupunta!" Paglilinaw ni Jimin.

Itinabi ako ni Jin sa tabi nya at alam kong ramdam nya na kabado talaga ako sa mga nangyayari.

"Kayo?" Tanong ko dahil sinundan ko ng tingin ang paghahawakan nila ng kamay sa harap namin ni Jin.

"Nagpakasal kami last month ago bago ko nalaman na buntis pala ako. Bumisita kami dito para sana humingi ng tawad sa lahat ng mga nagawa ko sa buong pamilya mo Jianne, Alam kong napakalaki ng kasalanan ko pero mas ikakabuti rin naman natin ito diba?. Mapatawad mo sana ako bago sana kami magpunta ni Jimin sa U.S!" Derektang sabi ni Francine at hinawakan nya ang kamay ko.

"Amh... Ano.. Ah.. Eh.. Ano bang sasabihin ko??" Lunok ko sa sarili kong laway dahil hindi ko malaman ang itutugon ko.

Nanlaki na lang ang mga mata ko dahil bigla nya akong niyakap.

"Sorry again Jianne!" Sambit niya.

"O.. K na yun Francine, Ang mas mabuti pa ay alagaan mo yung magiging baby nyo ni Jimin!" Tugon ko.

"Thank you...!, I'm really thankful na napatawad mo agad ako kahit na napaka laki ng kasalanan ko. Ang swerte talaga sayo ni Jin. Alam ko na kung bakit hinding hindi ka nya kayang ipagpalit kaninu man..!" Saad pa rin nya.

"So.. Paano Jin?, Este Ninong Jin!" Pagtutukoy ni Jimin.

"Huh?" Gulantang ni Jin.

"Ninong ka ng First baby namin ni Francine kaya humanda ka na!!!" Pang aasar nito. Hindi na talaga sya nagbago sa pagiging makulit.

"Ok.. See you soon, inaanak!" Bati ni Jin sa tyan ni Francine.

Nagkatawanan na lang kami bago sila tuluyan na nagpaalam samin sa pag alis nila.

Hindi ko talaga inaasahan na magiging sila rin ni Jimin tapos nagpakasal pa sila.

.
.
.

Nanahimik ako sa kusina nang yakapin ako ni Jin habang nakatalikod sa kanya.

"Jin.. Nagluluto ako!" Reklamo ko.

"Tell me, kinabahan ka kanina diba?" Bulong nya sa tenga ko. Alam ko agad ang tinutukoy nya.

"Psss.. Alam ko na kasal sila ni Jimin dahil parehas sila ng suot na singsing kaya alam ko rin na buntis si Francine!" Pagtanggi ko.

"Sus.. Jianne nagdeny ka pa talaga huh??" Pisil nya sa cheecks ko.

"Aray nasasaktan ako!" Maktol ko naman.

"Umamin ka na kase!" Pagpupumilit pa rin nya.

"Oo na kinabahan talaga ako dahil akala ko buntis siya dahil sayo!, Natatakot lang ako na makuha ka ulit nya samin ni Justin kase madali lang naman na paniwalain ka nya diba dahil hindi naman tayo kasal!" Maktol ko sa harap nya.

"Hindi na kita iiwan ok!" Sabi nya at hinalikan nya ako sa noo ko.

"Talaga lang huh?" Paglilinaw ko.

"Oo, kung pakakasalan mo ulit ako!" Biglang pagluhod nya sa harap ko habang nakahaya ang kanyang singsing.

"Jin..." Sambit ko sa pangalan nya.

"Jianne Lee, Will you marry me again?" Tanong nya.

Ngayon lang sya nagpropose sakin ng ganito kaya hindi ko ineexpect.

"Oo naman... Pakakasalan ulit kita Kim Seok Jin, Mr. Worldwide Handsome!!" Umiiyak kong tawa at sumang ayon ako sa kanya kaya isinuot na nya ang singsing sa kamay ko.

Naghalikan kaming dalawa ng sobrang riin.

...

Ikinasal kami ni Jin sa isang Pribadong Simbahan kung saan imbitado ang lahat ng amin pamilya at kaibigan. Hindi tulad ng unang kasal namin na umiiyak ako dahil sa lungkot na makakasal ako sa kanya pero ngayon ay ako na yata ang pinakamasayang tao sa buong universe dahil sa ikakasal ulit ako sa kanya.

Daretso kami sa Wedding Reception pagkatapos ng kasal pero may isang Letter ang dumating kay Jin.

"Ano ba kase yan?" Kinuha ko agad at binasa.

Halos manlamig ako sa nabasa ko. Next Days na pala agad iyun.

Dumating na ang araw na mas ikinakatakot ko.

The Next Days ay papasok na sya sa Millitary. The fact na iiwan nya kami ni Justin.

Marrying Mr. Worldwide Handsome. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon