CONTINUATION.

40 2 0
                                    

...

JIANNE'S POV.

Dinala ako ni Jk sa isang Mansion na hindi ko alam kung kaninong pag aari basta nakakapagtaka lang dahil alam nya ang pasikot sikot sa loob nito.

"Jk... Nasaan ba tayo?" Kunoo't noong tanong ko habang nakamasid sa kabuuan ng Mansion.

"Let my Maids Assist you!, Psssst!!!" Malakas na sitsit nya sabay nagsilabasan sa kung saan saan pintuan ang mga tinutukoy nya.

Lalo akong nalito at nataranta.

"Treat her like my Princess!, Gave her whatever she needs and call me if you are done!" Sabi pa nya.

Sandali siyang pumalapak at biglaan na akong dinala kung saan ng mga Maids nya.

Walq naman akong ibang gusto kundi ang malinawan sa lahat ng nangyayaring ito.

Niliguan at binihisan nila ako na para bang Prinsesa. Ewan ko kung ano bang pumasok sa utak ni Jungkook at ginaganito nya ako.

Ilang oras pa at natapos na ang pinag gagagawa nila sakin. Bumaba agad ako kung nasaan si Jk at natagpuan ko siya sa isang Private Room. Nadatnan ko siya na nagpi piano with his White Suit and Dozens of Roses next to him.

"Jk ano bang nangyayari?, Bakit tayo narito?, Bakit ganyan ang style mo at saka Maids mo ba ang lahat ng yun???" Nalilito kong tanong sa kanya pero imbis na sagutin nya lang ako ay hinila pa nya ako pasampa sa Piano Tiles.

"Jungkook!" Tuwid ko nang sambit sa pangalan nya.

"Do you even know what's going on here?" Titig na tanong nya sa mata ko.

"Kaya nga nagtatanong ako diba?, Ano ba kase itong kalokohan mo?" Saad ko sa kanya pero mahinang tawa nya lang ang naririnig ko.

Ok ang buhay ko diba?, Pagkatapos kong umalis sa Mansion ni Jin, Sa Mansion rin pala ang mapupuntahan ko. Nagkakalokohan na talaga!!!

Aalis na lang sana ako pero pinigilan nya ako at na Stuck in the Middle nya ako, Parang Corner sa isang laro na hindi ko alam kung saan nagsimula.

"Hindi ako marunong mag take advantage sa nararamdaman mo ngayon Jianne, Alam ko kung gaano kasakit ang ginawa sayo ng Jin na iyun. Kaya ko syang palitan sa buhay mo o kung gusto mo pa ay mas higit pa!. Hindi ko gustong samantalahin ang pagkakataon na ito pero sa tingin ko ay ako ñang rin ang makakatulong sayo!" His first Introduction.

"A... no bang sinasabi mo dyan?" Nanginginig kong boses sa kanya.

"Tutulungan kita na buuin ang sarili mo!, Dinurog man nya ang damdamin mo ay handa akong gawin ang lahat para sayo!" Dugtong pa nya.

Nanlaki na lang ang mga mata ko dahil sa paglapit ng mukha nya sa mukha ko kaya dumistansya agad ako. Mahina na naitulak ko siya.

"Jungkook ano ba???" Bulalas ko.

"I like you Jianne more than you know!" Paghagilap pa nya sa kamay ko.

"Hindi nakakatuwa itong ginagawa mo Jungkook!" Pag irap ko sa kanya.

"Wag mong sabihin na... " May kakaibang idea na pumapasok sa utak ko.

"Isa ka ba sa mga Multi-Billionaire Son ng Jeon Family?" Kunoo't noo kong tanong sa kanya.

Jeon Family na may kagustuhan na mapabagsak ang Family Business Worldwide nina Jin. Isa sa mga nangungunang Multi-Billionaire Businessman sa Corporate Industry.

Nabasa ko na ito sa isang Business Chart nina Jin.

"May talino ka rin pala Jianne!" Sabi nya at naupo siya sa Piano Tiles.

"Akala ko ba Mahirap ka lang?, Akala ko ba wala kang pamilya na sumusuporta sayo?, Akala ko ba isa ka lang ordinaryong lalaki na gustong marating ang mga pangarap mo na walang tulong na kahit sino???" Derektang tanong ko sa kanya.

"I'm sorry!" Anas nya.

"Katulad ka rin pala ni Jin!, Nilapitan mo ba ako para mapaghigantihan si Jin?" Tanong ko pa sa kanya.

"No Jianne!, I just want you!" Aniya na seryoso at totoo ang sinasabi nya.

"Kung ganun bakit mo pa itinago na isa kang anak mayaman?" Dagdag ko pa.

"Makikilala ba kita kung hindi ko itatago ang pagkatao ko?" Baling nya sakin.

"Kailangan ko ng umalis!" Pagtalikod ko sa kanya.

"Hindi mo ba pweding tanggapin kung sino ako?, Inakala ko lang na kapag nagpakatotoo ako sayo ay matatanggap mo ako!" Sabi niya.

Lapitin ba talaga ako ng mga lalaking mapag kunwari?. Bakit sa larong lokohan ay hindi ako marunong makisabay?.

Pinigilan nya akong umalis, tutal gabi na rin naman at baka maulit pa yung muntik na mangyari sakin kanina sa gitna ng kalsada.

Marrying Mr. Worldwide Handsome. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon