...
"Jungkook!!! Jungkook!!!!, Gumising ka ok!, Narito na tayo sa hospital!!" Nanginginig kong boses sa kanya habang ipinapasok nanamin sya ng mga Doctor sa Emergency Room.
Hindi ko kase alam ang gagawin ko kaya isinugod ko na sya dito at tinawagan ko si Papa pero maya maya pa yun makakarating.
Anong oras kaya sya magigising?. Tinurukan daw kase sya ng Anesthesia para matahi ng maayos yung sugat nya para na rin walang infection.
Nagtataka lang ako kung bakit nangyari ito sa kanya. Sa pagkakaalam ko naman ay wala syang kaaway para gawin ito sa kanya.
Iba na talaga ang panahon ngayon. Kahit katulad namin ni Jk na mahirap lang ay pinagnanakawan pa nila.
"Uuwi muna ako para malaman ko kung umuwi na ba si Jin sa bahay!, 6:30 Am na rin pala naman!" Bulong ko.
Paalis na talaga ako pero may pumigil sa kamay ko at nang lingunin ko kung sino ay nakita kong gising na si Jungkook.
"Jk!!!!!!" Agad kong yakap sa kanyang pagkakahiga.
Nalilito na rin ako kung ano ba ang itatawag ko sa kanya.
"Ah... Aray. Jianne!" Daing nya dahil naiipit ko ang Braso nya.
"Sorry!, Masakit ba talaga?, Patingin nga!" Sabi ko pa at inalalayan kong hipuin ang braso nya na nababalot ng Bandage.
"Ok na ako!" Hagilap na haplos nya sa buhok ko.
"Ok?, Ts.. Wag mo nga akong niloloko!, Sinong kumag ang gumawa nito sayo at hinayaan mo silang saktan ka ng ganito?. Kaya pala nag alala ako ng sobra sayo nung putulin mo ang tawag!" Saad ko sa kanya at tinatawanan nya lang ako sa pagsasalita ko.
Nakakailang lang makita na nakatawa pa sya sa nangyari sa kanya.
"Nag alala ka sakin?" Pag uulit nyang tanong.
"Ah.. Eh.. Kase... " Utal ko.
Ang makita syang duguan at walang malay, Syempre nakakapag alala.
Hayssst.. Bakit ba ang depensive ko masyado.
Nagulat na lang ako ng hawakan nyang mabuti ang kamay ko.
"Salamat huh?" Sambit niya ng pasasalamat.
"O... K lang!, Tinawagan ko si..." Hindi natuloy na sasabihin ko dahil bumangon siya para lang yakapin ako ng sobrang higpit.
Hindi makakilos ang isang braso nya kaya itinuon nya pang mabuti ang chin nya sa balikat ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero ngayon nya lang ito ginawa sakin.
"Sorry!" Sambit nya ng pakawalan nya ako.
"Ang importante, Gising ka na!, Ok ka na!" Sabi ko pa.
"Ehem... Ehem...!" Tighim ni Papa sa may pintuan.
"Tito Jungsei!" Bati niya dito.
"Ano nanaman bang kalokohan ang pinasok mo Jk huh at nangyari sayo yan?" Sumbat ni Papa sa kanya.
"Wala lang po ito Tito. Mabuti na lang may mabait kayong Anak dahil dinala nya ako dito!" Paglilinaw nya kay Papa.
"Mabait talaga ang Anak ko kaya wag mong aabusuhin!" Saad ni Papa.
Hindi ako makasingit sa usapan nila.
Naalala ko si Jin kaya nagmadali na akong umalis kahit wala nang paalam pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/183318801-288-k245857.jpg)
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Worldwide Handsome. (COMPLETED)
FanficIn a Simple life that has Jianne Lee. In a Serious and Working hard that has Kim Seok Jin, The Destiny is just very Playfull that they will never quit playing game w/ their Hearts. Isang mapaglarong tadhana ang pakasalan ka ng taong matagal mo nang...