CHAPTER 15.

36 2 0
                                    

JIN'S POV.

Katabi ko na sa pagtulog si Francine at nakayapos pa siya sakin. Napatingin ako sa orasan at dahil hindi naman ako makatulog ay iniwan ko sila ni Justin na mahimbing na ang tulog.

Pumunta ako sa isang Private Billiards Place kung saan tinawagan ko sina Jimin na pumunta doon.

Ang bigat kase ng pakiramdam ko. Hindi na ako napakali simula nung magkita kami ni Jianne.

"Sya ba yung tinutukoy ni Justin?" Tanong ko sa kanya habang nagbibilyar na ako.

"Umh.. Akala ng Anak mo, Chicks ko!" Pilyong tugon pa nya.

"Kung ganun, After 10 Years na Devorse kayo ay ngayon na lang ulit kayo nagkita at kung hindi pa sya naging Teacher ng Anak mo ay hindi pa nya malalaman na isang pamilya na kayo ni Francine?" Pagtataka ni Yoongi.

"Siguro?" Kibit balikat ko habang panay ang pagtira ko sa Billiard balls.

"Affected ka yata at gigil na gigil ka sa mga Bola dyan!" Pamumulsa nya.

"Nagtataka lang ako dahil ginusto nya kaming makausap!" Sabi ko.

May hindi sila alam sa pinagagawa ko ngayon kay Taehyung.

Maya maya pa ay dumating na nga ito, Dala ang lahat ng Dokumento na ipinapahanap ko.

"Ano naman yan Agent Tae?" Pang aasar ni Jimin.

"May nalaman ako about your wife" Sabi nito.

"Pina iimbistigahan mo si Ate Frans?" Gulantang nung dalawa.

Hindi pa rin kase ako makapaniwala na may anak ako sa kanya kaya humahanap lang ako ebidensya na dapat ko siyang panagutan kay Justin.

"10 years and 9 Months ago, nakipagkita sya kay Jungkook sa isang Restaurant sa Seoul!" Panimula ni Taehyung.

Sinasabi ko na nga ba at planado nila na maghiwalay kami ni Jianne at biktima naman kami ng kalokohan nila.

May ipinakita syang mga Capture Photo that time na talagang nagkikita at nag uusap nga sina Francine at Jungkook.

Nalito ako bigla dahil may hawak na bata si Jungkook at parang ibinibigay niya ito kay Francine. Footage sa isang CCTV ng Restaurant na iyun.

"Totoo ba yan?" Kunoot noo ni Jimin.

"Ako pa ba?" Sabi ni Taehyung.

"May isa ka pang dapat malaman Jin!" Dugtong nya.

"Hindi anak ni Ate Frans si Justin sayo!" Saad nya.

"Kung ganun pinalabas lang ni Ate Frans na anak nya si Justin kay Jin?, Ibigsabihin anak nya si Justin kay Jungkook?" Pagkalito ni Yoongi.

"No!" Sambit ko at nabasa ko agad ang DNA Test ko kay Justin at sakin mismo.

"He's my Son!" Diin ko.

Nagkatinginan sila at para bang nalito sa mga anas kong sinasabi.

Nagtaka rin ako nung una pero ngayon ko lang naiintindihan kung bakit dalasdas na pumunta si Jianne sa Bahay kung bakit kami nagkita pagkatapos ng maraming taon namin paghihiwalay.

"Akala ko ba ako yung Babaero sa barkada natin bakit hindi mo masabi kung sino ang Mother ni Justin?" Giit ni Jimin.

"10 years na niloko ako ni Francine!" Galit kong sabi.

Marami pang ipinaliwanag si Taehyung sa harap ko pero wala na akong naintindihan dahil sa galit ko sa ginawa ni Francine.

Ginawa nya akong tanga sa harap ng Anak namin ni Jianne. Ginamit nya pa si Justin para makuha nya ang Atensyon ko.

Hindi ko siya mapapatawad!.

Namatay na pala si Jungkook sa Cancer ilang linggo lang ang lumipas kaya siguro sinabi na rin niya ang totoong ginawa nya kay Jianne.

Halos hindi ko malaman ang nararamdaman kong galit dahil sa sitwasyon namin ngayon ni Jianne. Pumayag ako na makipag hiwalay sa kanya dahil lang sa isang maling tao na binigyan ko ng buong Pamilya.

.
.
.
.

...

JIANNE'S POV.

NEXT DAYS.

Tumutulong ako sa Restaurant ni Papa. Since nung mawala si Jungkook ay ako na pumalit sa kanya bilang Server.

"Jianne kunin mo muna yung order nung isang VIP sa labas!" Utos ni Papa at pinuntahan ko naman agad.

"VIP?" Naghahanap ako sa kung saan na humihingi ng Order.

"Jianne here!" Boses ni..

"Francine?" Gulantang ko at hindi ko alam kung aatras ba ako palayo sa kinaroroonan nya o hindi.

Hanggang sa siya na ang lumapit sakin.

"Can we talk?" Tanong niya.

"Amh.. May gagawin pa ako!" Pagtalikod ko sa kanya.

"Condolence about Jungkook's peaceful death!" Sabi niya kaya nahinto ako.

"A.. no?" Utal kong pagharap sa kanya.

"Alam ko na sinabi nya na ang totoo sayo about Justin, Gusto kong pag usapan ang tungkol sa Anak namin ni Jin!" Saad pa nya.

Gusto kong kumuha ng isang basong tubig para isaboy sana sa mukha nya para magising siya sa katotohanan na ako ang tunay na ina ni Justin.

"Whatever he said to you, Justin Kim is my biology son with Jin!." Sabi pa nya.

"Alam mo Francine ang ginawa at kasalanan mo, bakit hindi kaya magpakatotoo ka na lang din tulad ni Jungkook!. Pinagbibigyan lang kita pero wag mong sasagarin ang pasensya ko. Alam mo sa sarili mo na Ako ang may karapatan kay Justin!" Tuwid kong sabi sa harap nya.

"Karapatan?, Saan?. Hindi mo alam ang isinakripisyo ko para kay Justin!, Nagpaka Ina ako sa kanya ng maayos!. Ginawa ko ang lahat para sa ikakabuti ng paglaki nya!. Umiiyak palang sya ay alam ko na ang problema nya kaya kung tatanungin mo ako kung may karapatan kang maghabol sa kanya, So sorry you will never replace me as his Mother!" Baling niya sakin.

Nasaktan ako ng sobra sa mga sinabi nya.

"Inilayo mo sya sakin!" Giit ko at unti unti nang tumutulo ang luha ko.

"I will give you a money you want and I'll give you what you need. Layuan mo ang Mag ama ko!" Diin niya.

Sinabuyan ko siya ng Juice na nasa lamesa nya.

"How da.." Sinanggahan ko ang kamay nya na sasampalin ako.

"Kahit ano pang sabihin at gawin mo, Kukunin ko ang Asawa at Anak ko!, Lumayas ka na dito dahil hindi ko kailangan ng panunuhol mo!" Balya ko sa kanya.

Nilampasan na nya ako pero na natili ako sa kinatatayuan ko nang madatnan ako ni Papa.

"Jianne bakit ba..., Anong nangyari huh?" Nalilitong Tanong nya.

"Papa..." Pag iyak ko sa kanya dahil hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak ng umiyak.

Lalaban ako para sa Anak ko. Babawin ko sya dahil ako ang Ina nya.

Justin.

Marrying Mr. Worldwide Handsome. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon