...
JIANNE'S POV.
F
A
S
T
F
O
R
W
A
R
D....!Kung kelan naging maayos ang Relasyon namin ni Jin bilang tunay na mag asawa ay saka naman nasira ang pagkakaibigan namin ni Jungkook.
Hindi ko sya madalas makita sa University pero kapag alam kong makakasalubong ko siya ay ako na rin mismo ang umiiwas.
Hindi ko alam kung bakit biglang nawalan ako ng tiwala sa kanya.
CAFETERIA.
"Magdo drop out na daw si Nerdy!" Boses ni Taehyung sa tabi ko.
Dahil barkada sila ni Jin at kahit na medyo nakakaaway ko pa rin silang tatlo sa mga panlalait at pang aasar nila sakin ay pinakikisamahan ko sila ng maayos para hindi naman nila isipin na nagmamataas ako masyado.
"Mas mabuti na yun kaysa nakikita ko ang pagmumukha nya dito!" Tugon ni Jimin.
"Sino?" Pagsingit ko.
"Wag mong sabihin na maghahabol ka rin sa kanya?" Tanong ni Yoongi sakin.
"May sinabi na ba ako huh?, Nililinaw ko lang!" Pagtaas ng kilay ko.
"Dahil sa nangyari sayo, nalaman ni Dean na sya ang may kagagawan na ikulong ka sa Kitchen Lab last week. Nag offer ang Deciplinary Officers kung Suspended o Punishment Service pero gusto nyang mag Drop out!" Paglilinaw ni Jimin.
Agad akong napatayo sa kinauupuan ko. Oo umiiwas na ako pero hindi ko gustong umabot sa ganito ang lahat kay Jk.
Pinuntahan ko sya sa Classroom namin pero wala siya doon.
Napadaan ako sa maliit na eskinita sa likod ng University na hindi madalas marating ng mga Students doon.
"Gusto mo pa?, Heto pa!!!" Boses niya na parang may binubugbog.
"Tama na.. Jk..!" Boses naman ng isang simpleng estudyante doon.
"Jk....?" Utal ko ng makita ko siya na susuntukin niya ang estudyanteng basag at duguan na ang mukha dahil sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?" Derektang tanong nya sakin.
Binitawan nya yung estudyante kaya tumakbo na ito paalis doon.
"May.. Dugo ang kamay mo!" Paglapit ko sa kanya ar hihipuin ko sana ang kamay nya pero nilampasan nya lang ako.
"Jungkook ano bang ginagawa mo sa sarili mo??, Bakit kailangan mo pang manakit huh???" Paghabol ko sa kanya.
"Gusto mong malaman?" Pagharap niya sakin ar napaateas naman ako pasandal sa wall.
Tinitigan nya ang mga mata ko na may galit sa mga tingin niya.
"Hindi ako sanay na ganyan ka!" Sabi ko pa.
"Pwest masanay ka na dahil ito talaga ako!, Ganito talaga ang ugali ko!" Sabi nya.
"Hindi ka ganyan!" Pagtutuwid ko pa.
"At sino ka para kilalanin ulit ako?, Ah.. Ikaw nga pala yung babaeng kinabaliwan ko ng sobra!, Yung ginawa ko ang lahat para mapansin lang ako!, So... Jianne Concern ka na ba sakin ngayon dahil ganito na ako o napapansin mo na ang pagiging Bad boy ko?" Nakakalokong ngiting anas nya at inilapit pa nya ang mukha nya sakin.
Napapikit ako ng bahagyang lumalapat ang mga kamay nya sa bewang ko.
"Jungkook please..." Pakiusap ko pa pero nararamdaman ko ang kakaibang ikinikilos nya.
Hanggang sa bigla na lang syang natumba nung mumulat ako.
"Layuan mo ang Asawa ko!" Tinig ni Jin na sinuntok pala siya.
"Jin...!" Gulantang ko naman at hinila nya ako sa pwesto nya.
"Sya ang pagsabihan mo na layuan ako ok!, Hindi ko kailangan mag adjust para sa ikakabuti ng relasyon nyo!, Kaya nga balak kong mag drop out, baka sakaling may mas tamang tao pa akong makilala kaysa dyan sa Asawa mo!" Baling ni Jungkook kay Jin.
"Karapatan mong umalis sa University ko ngayon din!" Tuwid na sabi pa ni Jin bago ako tuluyan na hinila paalis doon.
Mahigpit ang kapit nya sa pupulsuhan ko at nasasaktan ako ng sobra.
"Jin nasasaktan ako!!" Pagdaing ko kaya tumigil kami sa hallway.
"Ano Jianne?, Tell me hindi ka pa rin ba kontento sakin at naghahabol ka sa kanya?" Tanong nya.
"A.. no bang sinasabi mo Jin?" Utal ko sa kanya.
"Akala ko ba nilalayuan mo na sya pero anong ibigsabihin nung nakita ko?" Giit nya.
"Kase.. Jin.. Gusto ko syang pigilan na umalis dito sa University!!" Paliwanag ko.
"Ano?, Bakit?, Para saan pa???" Mga tanong nya na nakakalito.
"Dahil.. Dahil kaibigan ko sya!!!" Hiyaw ko sa kanya.
"Hindi mo sya kaibigan Jianne!, Alam mong gusto ka nya!, Sinaktan ka nya, At balak nyang sirain ang kung anong meron tayo ngayon!, Yun ba ang tinatawag mong kaibigan huh???" Pagdidiin niya.
"Sorry.. Jin... Sorry!!!" Pag iyak ko.
Niyakap nya ako at hinaplos ang likuran ko as usual.
"Ayoko lang na masaktan ka nya ulit!" Bulong niya sakin habang patuloy ang pag iiyak ko sa kanyang dibdib.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Worldwide Handsome. (COMPLETED)
FanficIn a Simple life that has Jianne Lee. In a Serious and Working hard that has Kim Seok Jin, The Destiny is just very Playfull that they will never quit playing game w/ their Hearts. Isang mapaglarong tadhana ang pakasalan ka ng taong matagal mo nang...