...
Nasa pintuan palang ako ay naririnig ko na ang boses ni Francine at ang malakas na pag iyak ni Justin.
"Ikaw talagang bata ka ang tigas ng ulo mo!!, Diba sabi ko lagi mong sasamahan ang Daddy mo kahit saan sya pumunta!!" Sigaw nya.
Agad akong pumasok sa loob at nakita kong papaluin niya si Justin na namumula na dahil sa pag iiyak nito.
"Francine ano ba???" Pag awat ko sa kanya at naitulak ko siya para malayuan niya si Justin.
"Daddyyy!!!" Napayakap sakin si Justin at lumuhod ako para pantayan sya ng tingin.
"Tahan na ok!, Don't cry i'm here!!" Pagpupunas ko sa luha nya.
"Yan.. Kaya lagi na lang tumitigas ang ulo dahil sa pangungunsinti mo!!" Dugtong pa ni Francine.
"Stop!" Pagpapatigil ko sa kanya.
"Justin go to your room now, hindi pa tayo tapos!!" Utos pa nya kay Justin.
"Magpahinga ka na anak ok!" Bilin ko sa anak ko at pinapunta ko na sya sa kwarto nya.
"Ano bang problema mo huh Francine?, Pinapalo mo ang anak ko ng hindi ko alam!!!" Anya ko sa kanya.
"Dahil pinapasundan lang naman kita sa kanya!" Diin niya sakin.
"Dahil ano?, Dahil natatakot ka na baka mag makaawa sakin si Jianne na balikan ko sya o baka naman natatakot ka na iwan kita para sa kanya!" Saad ko sa kanya at agad nya akong sinampal.
"How dare you..!" Baling nya sakin.
"Wala kang karapatan saktan ang anak ko para dyan sa pagseselos mong wala naman ka kwebta kwenta!" Giit ko sa kanya.
"I'm his mother at alam ko kung paano ko sya didisiplinahin sa gusto ko!" Sabi pa nya.
"Sinasaktan mo sya!, Really are you his mother?" Tuwid kong anya sa kanya at napa atras siya sa kinatatayuan nya.
"Alam mo kung anong ibigsabihin ko Francine!. Niloko mo ako ng halos sampung taon para ano huh?, Para maging sayo ako habang nasisira ang buhay ni Jianne dahil sa pag agaw mo sa anak namin dalawa?. Wala kang delikadesa sa sarili mo dahil nagsinungaling ka sakin ng ganito idinamay mo pa ang Anak ko tapos sasaktan mo sya ng ganito!!!" Naniningkit kong tingin sa kanya.
"Ginawa mong panakip butas ang anak namin ni Jianne para pakisamahan kita kaya pala takot na takot ka na manirahan tayo dahil alam mong may pagkakataon na magkita kami ni Jianne at makilala nya si Justin!, Nasaan ang dignidad mo???, Ganyan ka ba kadesperada na bumalik ang pagmamahal ko sayo na kahit kailan hindi ko naman kayang ibigay pa sayo!!!." Dugtong ko pa.
"I'm sorry Jin.. Patawarin mo ako, hindi ko ginustong guluhin ang buhay mo, minahal lang talaga kita. Give me a second chance!!" Pagluhod nya sa harap ko habang umiiyak.
"Sinungaling ka na, manggagamit ka pa!, Gagawin ko ang lahat para maayos ko ang tunay na pamilya ko at bibigyan ko ng karapatan si Justin na makilala nya ang tunay na ina nya at wala kang magiging habol sa kanya!" Diin ko sa kanya.
"Jin.. No... Please i'm begging you, don't do this to me!!!" Pag iiyak pa nya.
"Hinding hindi kita mapapatawad sa lahat ng ginawa mo sa pamilya ko!" Paglampas ko sa kanya.
Daretso ako sa C.R at naligo na muna ako.
Nagbabad ako sa Shower habang iniisip ko kung paano ko sisimulan ayusin ang Relasyon namin ni Jianne at ang relasyon nya sa anak namin ni Justin.
Paano ko ipaliliwanag kay Justin na hindi na tunay na ina si Francine.
Naging duwag ba talaga ako na mabuo kami dahil umabot sa ganitong taon ang nasira namin pagmamahal ni Jianne?, Gusto ko na syang makasama pa. Hindi nya lang alam kung gaano ko kagustong bumawi sa lahat ng pagkukulang ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Worldwide Handsome. (COMPLETED)
FanfictionIn a Simple life that has Jianne Lee. In a Serious and Working hard that has Kim Seok Jin, The Destiny is just very Playfull that they will never quit playing game w/ their Hearts. Isang mapaglarong tadhana ang pakasalan ka ng taong matagal mo nang...