💜💜💜...
JIANNE'S POV.
Sa paglayo namin ni Papa, tiniis ko ang lahat ng hirap sa pagdadalangtao ko sa first baby namin ni Jin. Kinalimutan ko siya sumandali at isinantabi ko ang pride ko na makasama sya kahit talagang sumuko na rin ako na hintayin siya na ipaglaban ako kay Papa.
Nagsakripisyo ako sa kabila ng kaligayahan ko na mabuo kami ng pamilya ko pero nagbaligtad ang mundo nila ni Jungkook.
Nalaman ko na lang na hiniling ni Jin noon sa mga magulang nya na pawalan ng bisa ang kasal namin kahit wala syang hininging permission sakin. Doon ko napatunayan na isa syang duwag sa Paninindigan na mahalin ako ng buong buo.
Hinayaan ko na lang iyun at hindi na ako naghabol pa. Mas tinutukan ko ng pansin ang ipinagbubuntis ko.
Heto naman si Jungkook at bumabawi sakin na maalagaan ako kahit pilit ko na syang ipinagtatabuyan ay mas pinili nyang magpakabuti sakin pero masasabi ko na hindi pa rin ako masaya.
.
.
.
9 MONTHS AFTER....
"Ahhhhh.... Aray!!!!!, Jungkoooooook!!!!" Sigaw ko sa kalooban ng bahay namin.
"Hey... Jianne!!"Gulantang niya at dali dali akong inalalayan sa pagkakalupage ko sa sahig.
"Anong nangyayari??" Tanong ni Papa na galing sa kusina.
"Manga... Ma... nga... Manganganak na ako!!!!, Aray...!!" Mangiyak ngiyak kong daing sa sobrang sakit ng pagle labor ko.
Pumutok na ang panubigan ko at sinisigurado ko na kapag hindi pa nila ako isinugod sa hospital ay lalabas na si Baby ng hindi oras.
Binuhat naman agad ako ni Jungkook at agad nagmadaling pinaharurot ang sasakyan nya sa pinakamalapit na Hospital.
"Relax ka lang Jianne, malapit ka na sa E.r. lakasan mo lang ang loob mo!!" Sabi pa nya at mahigpit ang kapit sa kamay ko.
"Jungkook kung mamamatay ako, Please palakihin mong mabuti ang Anak namin ni Jin. Sabihin mong... Ahhh.. Arayyyyyy!!!" Umiiyak na ako sa sakit at hindi ko na nasabi pa ang sasabihin ko dahil idineretso na ako sa Emergency Room at nawalan na agad ako ng malay sa panganganak ko.
2 HOURS LEFT.
Napamulat na lang ako na nasa maliwanag na akong kwarto.
Natutulog si Papa sa giliran ko habang mahigpit ang kapit sa kamay ko.
Nanghihina ang buo kong katawan at masakit ang pinaglabasan ni Baby pero agad ko syang hinanap.
"Pa.. Pa.. !" Utal ko at ginigising ko si Papa.
"Jianne! Anak!" Paggising niya.
"Nasaan po si Baby?, Gusto ko pong makita ang Baby ko!" Sambit ko pa.
Baka kinukuha na ni Jungkook tapos dadalhin sakin. Diba ganun naman talaga.
"Pa, nasaan po si Jungkook?, Kinukuha nya po ba si Baby?" Kunoo't noo ko pa pero hindi siya agad makasagot at para bang may nangyayari sa Baby ko na hindi ko alam.
Dumating si Jungkook pero hindi niya dala si Baby.
"Si.. Baby??" Bungad ko sa kanya.
"Amh.. Kase Jianne!.. Hayss paano ko ba sasabihin toh?" Bulong nya.
"Ano??, Nasaan ang Baby ko?, Nasaan sya?, Nasaan si Baby????" Mga tanong ko na iniiyakan ko pa.
Bigla nya akong niyakap.
"Hindi ikaw ang kailangan ko!, Nasaan si Baby??" Sunod sunod ko pang tanong.
"I'm sorry Jianne pero hindi naka survive si Baby sa Blood Infections at nagkaroon sya ng Lopus, Iniwan na tayo ni Baby!!" Mga saad nyang hindi ko agad mapaniwalaan.
"Hindi totoo yan!, Hindi... Sabihin nyo sakin kung nasaan ang anak ko!!!, Jungkook....!!!" Pagdadabog ko pa sa dibdib nya.
Umiiyak lang din si Papa.
"Gusto kong makita si Baby...!!!" Pagsusumamo ko pa.
"Delikado sa Kondisyon mo, Nagdesisyon ang Doctor na agad ipalibing si Baby dahil baka mahawa pa ang sino man na naririto!" Paliwanag nya.
"Hindi..... Baby!!!, Si Babyyyy!!!" Pagmamaktol ko pa.
"Kailangan mong magpakalakas Jianne, Narito lang ako, Hindi kita pababayaan!!!" Sabi niya at hinalikan ako sa noo ko habang patuloy ako sa pag iiyak ko.
Pinangako ko sa sarili ko na aalagaan ko ang Anak ko at tatanggapin ko siya ng buong buo, Ibibigay ko ang lahat ng pangangailangan nya kahit na anong mangyari pero bakit sa isang iglap bigla na lang napako sa bato ang lahat ng pangako ko.
Paborito ba ako ng kamalasan at pagdudusa dahil na sa akin na ang lahat ng iyun at idinamay pa nya ang Anak ko???..
.
.
.
[A/N: That was a sad moment and Highlight at the same time..]..
.
.💕 AFTER 10 YEARS. 💕
...
JK'S POV.
Naririnig ko nanaman ang maliliit na tinig ng boses nya dahil sa pag iiyak nya sa loob ng kwarto nya.
"Hey.. Jianne!, Maaga ka sa First Class mo ngayon diba?" Katok ko sa pintuan niya at agad naman nya akong pinagbuksan ng pinto.
"Amh.. Oo nga pala, muntik ko na makalimutan!" Sabi niya na nagpapahid na ng luha nya.
"Umiiyak ka na naman ba?, Hayssst ikaw talaga.. Ang tagal na nangyari yun, hanggang ngayon hindi mo pa rin sya nakakalimutan?" Tinulungan ko siya na pahirin ang luha nya pero dumistansya siya sakin.
"Jianne hanggang kelan ka ba magiging ganyan huh?" Paghila ko sa wrist niya.
"9 Months ko syang dinala dito sa sinapupunan ko. Sinunod ko ang lahat ng bawal!, Ginawa ko ang lahat ng nararapat para sa ikakabuti nya, Masisisi mo ba ako kung paghanapan ko ang sarili ko ng panghihinayang sa dapat 9 years old ko nang Anak na lalaki kay Jin?, Sya lang yung pinanghahawakan ko na baka kapag nagkita kami ni Jin ay balikan nya ako. Baka mabuo kami bilang isang pamilya!" Diin niya na unti unti nanaman sya sa pag iiyak nya.
"I know that Jianne!, I know how you feel to be better mother to your lost son but..." Tsikkk.. Ilan taon ko na rin paulit ulit na sinsabi ito sa kanya.
Na baka hindi nya deserve maging isang ina ng anak nila ni Jin. Wala silang pag asang maging isang pamilya ni Jin.
Sorry sa nagawa ko Jianne pero alam kong mas ikakabuti mo ito. Mas matutukan mo ng pansin ang isang tulad ko kaysa sa walang kwenta mong Asawa.
"Iniisip ko lang, paano kaya kung nabuhay yung Anak namin ni Jin diba?, Siguro baka malaki na rin sya ngayon. Baka matalino syang bata, Baka isa siya sa mga estudyante na tinuturuan ko sa Juniors School o baka hindi ako nagkakaganito!!" Pagtawa at Pag iyak nya pang sabi.
"Stop it ok!. Tama na!!!, Jianne ilan taon ka nang humihiling na sana nabuhay na lang ang anak mo pero hindo na yun mangyayari pa kaya tumigil ka na!, Wala ka nang Anak pa sa Lalaking pinabayaan ka!!" Sumbat ko sa kanya.
"J.. ungkook?" Gulantang niya sa mga pinagsasabi ko.
"I... 'M sorry.. Nabigla lang ako!" Pagsinghap ko ng hangin.
"Ayoko nang pag uusapan pa ang nawala mong Anak na yun dito sa bahay!, Kalimutan mo na sila!. Tama na!" Pagtalikod ko sa kanya.
"Amh.." Lunok nya sa sarili nyang laway.
"Magbihis ka na!, May klase ka pa!, Late ka na!" Pag iwan ko sa kanya sa loob ng kwarto nya.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Worldwide Handsome. (COMPLETED)
Fiksi PenggemarIn a Simple life that has Jianne Lee. In a Serious and Working hard that has Kim Seok Jin, The Destiny is just very Playfull that they will never quit playing game w/ their Hearts. Isang mapaglarong tadhana ang pakasalan ka ng taong matagal mo nang...