CHAPTER 13.

45 2 0
                                    

...

JIN'S POV.

Bigla na lang may tumawag sakin na kung sino.

Nabosesan ko naman kung sino agad.

"Jin-hyung.. Or must i call you Kim Seok jin..., The heir son of Kim's Family!, Hi!!" Intro nito sakin.

"Mr. Jeon, What can i do for you?" Pagtataka ko sa biglaan nyang tawag sa kalagitnaan ng pag iisip ko about where's Jianne right now.

Hindi na kase ako mapakali sa bawat pwesto ko buhat nung malaman ko na hindi pa nagkikita si Tito Jungsei at Jianne.

Nag aalala na ako sa kanya ng sobra sobra.

"Ano naman naisip ng Gurang na yan at tinatawagan nya si Jin?" Pagtataka rin tanong ni Taehyung kina Yoongi.

Kasama ko sila ngayon para magpatulong na mahanap ko si Jianne.

"All you can do is just go here right away, may mga bagay lang naman dapat tayong pag usapan!" Tangis nito sakin na binubuwisit pa ang gabi ko at sadyang inaabala ang paghahanap ko kay Jianne.

"I'm sorry Mr. Jeon but i'm too busy, if it's just for your illegal business talk to my Dad first!" Sabi ko at balak ko nang patayin ang tawag nya nang biglang marinig ko ang boses ni Jianne.

"Jin...!!! Please tulungan mo ako!!, Iligtas mo ako dito!!" Sigaw nya na nanindik ang balahibo ko.

Anong nangyayari sa kanya?, Bakit narinig ko ang boses nya?...

Nag init agad ang pakiramdam ko, May posibilidad na nasa kapahamakan sya. Yun ba ang dahilan kung bakit tinawagan ako ni Mr. Jeon.

Hayop sya!!!

Hayop sya!!!.

Wag lang na masasaktan nya si Jianne o hawakan nya ni dulo ng buhok ng Asawa ko talagang hindi nya gugustuhin na kantiin ang galit ko sa oras na ito.

"Saan ka pupunta???" Paghabol sakin ni Jimin sa pag alis ko sa University.

Akala ko kase ay tumatambay si Jianne sa University kapag magka away kami pero masisigurado ko na ngayon na masama na ang kalagayan nya ngayon dahil sa walang hiyang Dad ni Jungkook.

Nasaan ang kumag na iyun?. Nanggigigil ako sa kanya dahil sa ginagawa nilang Mag ama sa Asawa ko.

"Nasa kanila si Jianne!!" Nanggi gilid na ang luha ko dahil narinig ko na ang boses ni Jianne pero nasa kapahamakan naman siya.

"How you sure?" Kunoo't noo ni Yoongi.

"I know her!, Gaano man sya kagalit sakin ngayon, alam ko na ako pa rin ang tatawagan nya kapag nasa ganitong sitwasyon na sya!" Baling ko sa kanila.

"Hanapin nyo si Jungkook at tawagan nyo si Tito Jungsei and Dad tungkol dito!, Babalik ako, ililigtas ko lang ang Asawa ko!" Matigas ko pang sabi at nagmadali na akong marating kung nasaan man si Jianne.

Papunta na ako Jianne.

.
.
.

Nakarating ako sa isang abondonadong Basement.

Bumungad agad sakin si Jianne sa malayo. Nakatali ang kamay at paa nya.

"Jianne, I'm here!!, Hey..." Paglapit ko agad sya at ginising gising.

"Ji... n!!" Mu-ol na boses niya at agad umiyak ng direktang makita ako.

Pinakawalan ko agad siya.

"Tahan na ok!, Narito na akl!. Sorry nahuli ako!!" Paghalik ko pa sa noo nya at sa labi niya kasabay ng paghaplos ko sa pisngi niya.

Napansin kong may pasa sa pisngi nya at may sugat na rin ang mga kamay nya.

"Tell me, sinaktan ka ba nila??" Tanong ko sa kanya.

"Gusto ko nang makaalis dito... Jin, sasaktan nya tayo at natatakot ako!!" Umiiyak na sambit nya sabay yakap sakin.

"Uhhh.. So sweet couple!!!, Another moment of sweetness after of bitterness!!!" Humahagalpak sa tawa na tinig ni Mr. Jeon.

"Walang hiya ka!, Sinaktan mo pati ang Asawa ko para lang sa kagustuhan mong malamangan si Dad aa negosyo nyo!!!" Gigil na saad ko sa kanya.

Bestfriend sya ni Dad pero nang dahil sa inggit niya sa Genius Style ni Dad sa lahat ng Business ay kinalaban nya ang Dad ko.

Hindi ko akalain na aabot sa puntong ito ang inggit nya sa Family Business namin.

"Gusto ko lang makita ang Dad mo na umiiyak at humihingi ng tulong sakin!. Simple lang ang gusto kong mangyari at yun ay ang maranasan nya ang nangyaring paghihirap ko!!!" Diin niya sakin.

"Alam mong hindi mangyayari yan kaya tigilan mo na ang pamilya ko!, Idinadamay mo pa ang anak mo sa ganito, wala kang kwentang tao!" Giit ko sa kanya.

"Jin.. Um.. u.. wi na tayo!!" Naliyo bigla si Jianne at nasasandal siya sakin habang ikinakalma ang sarili nya.

"I'm sorry Mr. Jeon pero pakawalan nyo na kami ng Asawa ko!!" Saad ko pa pero nagulat na lang ako ng tutukan nya kami ng Baril nya.

May biglang humampas sa likuran ko na hindi ko agad napansin.

"Jinnnn!!" Sigaw ni Jianne.

Hindi agad ako makabangon sa sakit ng hampas na iyun at nasundan pa iyun ng ilan beses hanggang sa sumuka na rin ako ng Dugo sa bibig ko.

Namamalayan ko na lang na may pumipigil kay Jianne na malapitan ako sa pagkakahandusay ko.

"Jin.... Please tama na!!, Wag nyo syang saktan!!!" Umiiyak na tinig nya.

May narinig akong putok ng Baril at humandusay si Jianne sa kinaroroonan ko rin.

Duguan siya at pilit na hinahagilap ang kamay ko. Gumapang siya papunta sakin at pumatong sa Dibdib ko kaya nagpantay ang mga tingin namin.

"Jin... Kaya... Kaya natin toh diba??, Ma.. Ma.. hal mo ako diba??" Utal niya habang tumutulo ang luha nya sa pisngi ko.

Naramdaman ko na lang na lumalanit na ang dugo niya sakin. Umaagos ang dugo niya papunta sakin.

"Jia.. nne!!" Miski ako ay nauutal na rin sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

Parang naputol yata ang buto sa likuran ko kaya hindi ako makabangon at mailigtas si Jianne.

"Tandaan mo toh Jin, Mahal kita kahit gaano mo pa ako saktan!" Paghalik nya pa sa Labi ko.

"Paulit ulit mo man akong lokohin, paulit ulit rin kitang patatawarin kase ganun kita kamahal!, Pinakasalan kita dahil ikaw lang ang lahat sa akin!!" Mga Anas nyang para bang iiwan na ako dahil sa kalagayan nya.

"Jianne wag kang magsalita ng ganyan ok!!" Pagpahid ko ng luha niya.

Ngumiti siya sakin bago nya itinuon ang ulo nya sa Dibdib ko hanggang sa para bang wala na syang malay.

Pinipilit ko man ang makabangon ay hindi ko magawa.

"Jianne.. Please gumising ka.. Wag mo akong iiwan!!" Hiyaw ko pa pero hindi nya na ako naririnig.

.
.
.

Bumalik lang ang ulirat ko nang magising ako sa isang maliwanag na kwarto.

Hinanap ko agad si Jianne pero wala siya sa tabi ko.

"Jianne??" Saad ko agad at tumulo ang luha ko sa hindi ko malaman na dahilan.

"She's in Coma!, Maraming dugo ang nawala sa kanya bago namin kayo natagpuan sa lugar na iyun!" Paliwanag agad ni Yoongi.

Medyo masakit pa nga ang katawan ko at mahirap ikilos pero hindi ako nagpapigil na makita si Jianne sa kabilang kwarto.

"Jianne please Comeback to me right now. Wake up Hon!!" Pag iyak ko sa giliran nya habang hawak hawak ko ang kamay nya.

"Anong ginagawa mo dito?, Umalis ka!!, Umalis ka na!!!" Boses ni Tito Jungsei.

Inaasahan ko na ang galit niya sakin. Kasalanan ko nanaman kase kung bakit nasa ganito kakumplikadong sitwasyon ang Unika Hijah nya.

Marrying Mr. Worldwide Handsome. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon