...
Dinala ko agad sya sa Clinic at nqgpatawag ako ng Professional Doctor na mag aasikaso sa kalagayan nya.
Hawak ko lang ang kamay nya habang nilalagyan siya ng Oxygen habang gumagamit ako ng enhaler para mas gumaan ang paghinga ko.
"Jianne anak!!!!" Bulalas ni Tito Jungsei nang makarating.
"Sorry Tito...." Utal ko pero nagngangalit na siya sa galit dahil nalaman na siguro nya ang tunay na nangyari.
"Talaga bang ganito mo saktan ang Anak ko huh Jin???, Ano nanaman ang ginawa mo sa kanya!!" Hiyaw nya sakin.
Hindi ako makapag Paliwanag at wala akong masabi para ipagtanggol ang sarili ko dahil sa nangyari kay Jianne.
Hindi ko naman ito ginusto at sinasadya pero bakit nasasaktan ko pa rin sya. Tama si Tito, wala akong kwentang Asawa ng Anak nya.
Lumabas na muna ako sa Clinic at naupo sa Bench Chair na nasa labas.
Napasilip pa ako sa kalagayan ni Jianne pero naghintay na lang ako sa paggising nya.
2 Hours Left.
Hindi sigurado ang Doctor sa kondisyon nya at kung may lason ba syang nalanghap sa usok na iyun.
Kailangan nyang magising para makuhanan siya ng dugo with her permission pero wala pa rin syang malay.
Bakit hindi nagpapakita dito ang Nerd na Jungkook na iyun?.
"Sinasabi ko na nga ba na gagawin nya talaga ito para masaktan ka nya!!" Boses ni Jimin na nakasandal sa wall na nakaharap sakin.
"Anong sinabi mo?" Kunoo't noo kong nalilito sa sambit niya.
"Akala ko ba alam mo na ang lahat sa katauhan ng fake na Nerd na yun huh?, Bakit nagtataka ka pa sa sinasabi ko?" Taas kilay nya sakin.
"Pinagplanuhan ba nyang mangyari ito kay Jianne?" Derektang tanong ko sa kanya.
"Narinig ko yung kanang kamay ng Dad nya, kinakausap sya na may ganito silang plano para sya yung magmukhang mabait sa harap ni Jianne!, Oo marami akong paninira na sinasabi sa asawa mo pero hindi ko maiisip na saktan sya ng ganito kahit na naipahiya niya ako kanina!. Yung Dad ni Jungkook, may plano sya na pabagsakin ang lahat ng success Business nyo and I'm sure na idadamay nya na si Jianne lalo na't parang napapansin na namin na may gusto ka na sa kanya!!" Paglilinaw nya.
Medyo naulilinagan ako sa huling sinabi nya. Hindi ko akalain na nasusundan nila ang bawat kilos ko na nakakapanibago at nakaw na tingin kay Jianne.
"Anong plano mo?" Tanong pa nya.
"Hindi ko alam!" Kibit balikat ko.
"Ano?, Ganyan ka ba talaga Jin?, Wala ka bang balak na ipagtanggol ang Asawa mo dahil sa ginawa nya?, Hoy.... Paano ka ba talaga nag iisip?, Duwag ka ba?" Baling nya sakin.
"Duwag na kung duwag pero walang pumapasok sa isip ko dahil mas nag aalala ako sa kalagayan ni Jianne!, Hanggang ngayon ay hindi pa rin sya nagigising!, Hindi ko uunahin ang pag init ng ulo ko at pagtaas ng Pride ko dahil alam kong wala rin yun magagawa!!!" Gigil ko sa kanya.
Tiningnan nya ako ng tuwid na hindi natural sa pag uusap namin.
"Sinasabi ko na nga ba!" Tapik nya sa balikat ko.
Pinagtaasan ko lang siya ng kilay.
"Inlove ka na putakte!!!" Pagtawa niya sa harap ko na pigil na pigil.
"Jimin!" Giit ko.
"Sige na Jin-hyung, tatanggi ka pa, nahahalata na namin yan!" Saad pa nya.
Inaasar pa nya akong mabuti bago ko narinig ang boses ni Tito Jungsei sa loob ng Clinic.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Worldwide Handsome. (COMPLETED)
FanfictionIn a Simple life that has Jianne Lee. In a Serious and Working hard that has Kim Seok Jin, The Destiny is just very Playfull that they will never quit playing game w/ their Hearts. Isang mapaglarong tadhana ang pakasalan ka ng taong matagal mo nang...