CHAPTER 14.

37 2 0
                                    

...

JIN'S POV.

Sa paghihiwalay namin ni Jianne ay bumalik naman si Francine sa buhay ko kahit hindi ko alam kung mahal ko pa rin sya.

Sinusubukan ko na noon kalimutan si Jianne at tinulungan ako ni Francine na gawin iyun.

Hindi ko naman akalain na magkakamali ako sa pa ilan beses na pagkakataon.

Last 10 years ago, bumalik si Francine matapos nyang umalis para sa pagbabagong buhay niya sana sa Abroad pero nagulat na lang ako na may dala siyang sanggol.

Hindi ko pa rin maintindihan ang paliwanag nya tungkol sa pagkakaroon ko ng Anak sa kanya.

Bakit hindi ko nalaman?.
Bakit wala akong alam tungkol sa pagbubuntis nya at higit sa lahat ay yun ba yung naging resulta nung hinahanap ko sa pagkatao nya si Jianne?.

Wala akong maalala.

"Bakit kasi dito mo pa naisipan na bumili ng Restaurant para sa new franchice ng cooking skills mo?" Pasubali niya na kararating lang namin galing sa paglilibot para sa  Business na itatayo ko.

"Sinabi ko naman sayo diba, mas mabuti na yung nakakalayo tayo sa mga Issues about Justin!" Uyog ko sa balikat nya.

Yeah, She's a model. Role model of a mother who really love her child from me.

Ayokong mapasok sa Showbiz ang anak ko sa kanya kaya mas pinili ko na lumayo at dito na sa Busan manirahan.

I don't think so kung tama ba ang desisyon ko pero nararamdaman ko kay Francine na para bang hindi sya komportable sa paninirahan namin dito.

"Masasanay ka rin dito!" Sabi ko pa.

"Jin..." Sambit nya sa pangalan ko nang talikuran ko siya.

"Yes?" Pagharap ko sa kanya.

"Paano kung delikado ang buhay ni Justin dito?" Pag aalala nya.

"Relax Francine!, We're here to live for free!, Stop thinking like that ok!, Walang mangyayari kay Justin dito, Anyway nasaan na ba sya huh?" Anya ko sa kanya.

"Tito naman ehhhh!!!" Boses ni Justin.

Buhat siya ni Jimin papasok sa loob ng salas.

"Grabehh.. Ang bigat mo!" Reklamo ni Jimin.

"Bakit ba isinama mo na agad sya sa School nya, first day of school na ba ngayon?" Pagtataka ko.

"Dad, kase si Tito may bago nanaman Girl doon sa School!" Sabat ni Justin.

"Justin stop it!,  let's go to your room!" Pag aya ni Francine kay Justin at dumaretso na sila sa kwarto.

"May pagka madaldal rin pala si Justin nuh?, Sige na uuwi na ako!" Pag iwas agad ni Jimin sakin ng tingin na para bang may gustong sabihin.

"Sino yung tinutukoy ni Justin?" Kunoo't noo ko kaya huminto siya sa paglalakad palabas ng bahay.

Hinarap niya ako at saka tumungo sa ibang dereksyon ang mga mata nya.

"Marami na ang pinagdaanan mo sa kanya, kaya nga nagkaanak ka ng hindi oras diba?, Hindi ako sigurado kung magugustuhan mo pa bang makita sya?" Pagkamot nya sa ulo nya.

"Anong sinasabi mo dyan?" Singhap ko ng hangin sa kanya.

"Ts, Nakalimutan mo na ba talaga sya o sinasadya mo lang na marinig sakin ang pangalan nya?" Taas kilay pa nya.

"Pwedi ba Jimin, tigilan mo na ako sa mga pauso mong Blind Item!" Naniningkit na ang mga tingin ko sa kanya.

Imposible naman na narito sya hindi ba?. Ano toh... Pinagtatagpo nanaman kami ni Tadhana kung kelan sinusubukan ko nang kalimutan sya?.

The fact na talagang wala nang rason pa para magkabalikan kaming dalawa. Baka sadyang mapaglaro lang ang tadhana. Ipinakilala lang nito sakin ang isang tulad nya para baguhin ko ang ugali ko, Most of all be a better Man not just because i'm Mr. Worldwide Handsome.

"Nagkita kami ni..." Naputol ang pangalan na sasabihin niya.

Naninindik na ang balahibo ko na marinig kung sino ba ang babaeng tinutukoy ng anak ko pero binitin niya ako.

"Hey.. Let's eat Hon!" Tawag ni Francine na nasa kusina na pala at naghahayin na ng pagkain namin.

"Next time na lang, nakakahiya kay Ate Frans!" Mahinang sabi nito at umalis na.

Ni hindi ko man lang naintidihan ang mga sinabi nya.

Marrying Mr. Worldwide Handsome. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon