CONTINUATION.

34 3 0
                                    

Sinabi ko ang lahat kay Papa sa tunay na nangyari sa Anak ko kasabay nun ang pag iiyak ko.

"Tahan na Anak, tutulungan kita na mabawi  ang Apo ko!" Pagpapatahan ni Papa sakin.

"Nagsisisi ako Anak kung bakit pinaghiwalay ko pa kayo ni Jin. Pinagsisisihan ko ang paghadlang ko sa relasyon nyo!. Kung hindi ko sya pinalayo sayo, siguro ay masaya ka ngayon kasama sya at ang anak mo sa kanya!. Patawarin mo ako Anak!" Mahinang paghingi ni Papa despensa sakin.

"Papa.. Tulungan mo ako please!!!" Dagdag ko pa.

"Oo anak!" Tugon niya.

Maya maya pa ay bumalik sa normal ang pakiramdam ko at nahulasan na ako sa pag iiyak ko at ipinagpatuloy ko na ang trabaho ko sa Restaurant.

May Dadaanan pa nga pala ako sa School.

.
.
.

JIN'S POV.

...

May inasikaso muna ako bago ko sana konprontahin si Francine.

May gusto nga pala akong bilhin na Restaurant pero dapat makausap ko muna ang may ari nito.

Closing na nang dumating ako pero hindi pa naka-Lock, baka siguro nasa loob pa ang mga tauhan ng Restaurant na napuntahan ko sa recommendations ni Yoongi.

May narinig akong nabasag sa Kitchen Area kaya agad kong pinuntahan iyun pero nadatnan ko doon si Jianne.

Abala siya sa paninimot ng lumapit ako at tinulungan ko siya na linisin ang kalat nya.

Lampa pa rin sya hanggang ngayon.

Tumunghay siya at tumutok ang mukha nya sakin na agad nyang ikinagulat kaya muntik na syang magtaob kaya lang hinila ko siya sa Braso nya at muling nagpanlapit na naman ang mga mukha namin.

"Ah.. Jin??" Tumayo siya bigla at hindi nya malaman kung saan siya pupunta.

"Hindi ka na nagbago, nababasagan ka pa rin ng pinggan sa kalampahan mo!" Sabi ko agad sa kanya.

"Ah.. Amh.. Ano bang ginagawa mo dito?" Nalilitong tanong nya.

"Balak ko sanang bilhin ang pwesto ng Restaurant na ito, hindi ko naman akalain na pag aari nyo pala ito!" Giit ko.

"Pinag ipunan namin ni Papa ito tapos bibilhin mo lang?, Hindi namin ito ipinagbebenta!" Pagtalikod nya.

Nahagilap ko ulit ang braso nya para bumalik siya sa kinapupuwestuhan niya kanina.

"Kamusta ka na?" Biglang tanong ko na lang sa kanya.

"Ok lang kaya pwedi ka nang makaalis dahil closing na rin kami!" Pagbitaw niya at tinalikuran nya ulit ako.

"Bakit mo ako iniwan?" Dugtong ko pa.

Gusto kong humingi ng isang malalim na rason at dahilan kung bakit umabot ng sampung taon ang paghihiwalay namin kahit hindi ko alam kung saan nagsimula at bakit gumulo ang lahat sa pagitan namin dalawa.

Napunta sakin ang anak namin nang hindi niya nalalaman pero ngayon na alam na nya ang tungkol doon ay sinisigurado ko na ipaglalaban na nya ang karapatan nya sa anak namin.

"Hinintay kita Jin pero hindi ka dumating!, Hindi ka nagpakita sakin!" Sumbat nya sakin at hinarap ako.

Nangingilid na agad ang luha nya kaya pinipigilan ko ang sarili ko na tumulo rin ang luha ko sa harap nya.

"Lumayo ka at wala kang malinaw na dahilan kung bakit iniwan mo ako!, Pinuntahan kita sa tinutuluyan nyo noon pero umalis ka!, Mas pinili mong sumama kay Jungkook kaysa pagpaliwanagin ako!" Baling ko sa kanya.

"Sino bang may gustong magka ganito ang mga buhay natin huh?, Akala mo ba hindi ko malalaman na humingi ng Devorse sa Parents mo dahil nahihirapan ka sa Set up ng kasal natin?. Sa simula palang, ikaw na ang sumuko at hindi ako!. Naging duwag ka na panindigan ako!!!" Tumataas niyang boses sa harap ko.

Biglang nagpunas siya ng luha nya.

"Sa bagay matagal na nangyari ang lahat ng iyun, hiwalay na rin naman tayo at wala nang dahilan pa para magkabalikan tayo, May Asawa ka na rin diba?" Sabi nya.

"May Anak tayo Jianne, Alam ko kung gaano mo kagustong makuha sya at makasama sya para makabawi ka sa kanya!" Tuwid kong saad sa kanya.

"A.. lam mo??" Utal niya.

"Alam kong hindi ko sya Anak kay Francine dahil sayo ko sya Anak!. Jianne alam ko na ang lahat!" Dagdag ko pa.

Hindi nya malaman ang magiging reaksyon nya pero parang tinatawanan nya lang ako.

"Kung talagang desidido ka na magpaka Ina sa Anak natin, pagbibigyan kita!" Sabi ko sa kanya at iniwan ko na siya doon.

Marami na palang missed calls si Francine sakin kaya umalis na rin ako doon.

Marrying Mr. Worldwide Handsome. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon