💞💞💞
JIANNE'S POV.
....
Hindi ko pa rin alam kung dito na kami titira ni Papa sa Mansion House ng pamilya ni Jin.
Parang may mga bagay na nangyayari na pero hindi ko pa rin alam kung ano yun.
Naglibot muna ako sa buong bahay nila at napunta yata ako sa Office ng Dad nya.
Napansin ko ang lahat ng Picture Frame nya, Meron syang Individual Picture. Siguro nasa 7 to 17 years old sya sa mga pictures na nakita ko.
He's cute, kahit nung bata pa sya ay ang gwapo nya. Isinumpa siguro sya na marami syang paiiyakin na babae pagdating ng panahon na ito ngayon.
Hindi ko lubos maisip na sa halos libo-libong Highschool Students noon sa batch namin ay magiging isa ako sa naghahabol sa kanya. Hanggang ngayon ay pareho pa rin ang nararamdaman ko sa kanya. Swerte pa rin ako dahil pagkatapos ng maraming taon ay nagkita na ulit kami. Suplado o masama man ang ugali nya ay ok lang.
"Ano ba Seokjin???, Pinag usapan na natin ito hindi ba??" Boses ni Tito kaya agad akong nagtago sa ilalim ng office nya.
"Dad bakit sya pa?, Alam nyo naman kung sino ang gusto ko diba?, Sinusunod ko ang lahat ng utos at gusto nyo pero narinig nyo ba akong magreklamo?, Ito lang yung hinihingi ko Dad!. Ayoko sa kanya at hinding hindi ko sya pakakasalan!" Boses nya na para bang galit na galit.
Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ang palad ko sa bibig ko habang nanatili pa rin ako sa ilalim ng Table nung narinig ko ang lahat ng usapan nila.
Kung ganun pala ay ikakasal siya sa iba.
Bigla akong nalungkot sa narinig ko. Kung ako lang ang tatanungin ay hindi ako papayag na magpakasal sya.
"Anytime you will be engage with her Seokjin, End of discussion!" Dabog ni Tito at nakita ko ang yapak nya palabas sa sarili nyang Office.
Lumabas na ako nung akala ko na lumabas na rin si Jin pero nagsalubong ang mga tingin namin.
Galit sys at halos naniningkit ang mga tingin nya sakin na marahil kung yelo lang ako ay baka tunaw na tunaw na ako sa harapan nya.
"Kasalanan mo ang lahat ng ito!" Uyog nya sa balikat ko at sinundan ko iyun ng tingin.
Ngayon ko lang natitigan ang buong Aura ng mukha nya kung kelan galit na galit sya. 0% of Dark Skin, Black Heads at ang Glow ng Skin tone nya kahit namumula na ito dahil pigil na pigil ang luha nya. Gumigilid lang sa mga mata nya.
Umalis siya at sinundan ko sya na hindi ko ipnapahalata kung saan man kami makarating.
Napaka-Mysterious nya talaga.
Sinundan ko pa rin sya hanggang sa makarating na kami sa isang Bar.
Marunong pala syang uminom ng iba't ibang klase ng alak at bawat paghingi nya sa Bart tender ng Alak ay sinisigurado ko na malalasing sya.
"Jin!" Sambit ko sa pangalan nya nung makakapit ako sa pwesto nya.
"Ikaw nanaman?" Kunoo't noo nya sakin. May tama na siguro sya.
"Kase..." Utal ko.
"Umuwi ka na!!" Taboy nya sakin.
"Hindi ako uuwi na hindi kita kasama!, Lasing ka na!" Sabi ko sa kanya.
"Ayokong makasama ka habang buhay!!!" Diin nya sakin na ipinagtaka ko.
Lasing na nga talaga sya, Kung ano anong sinasabi nya.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Worldwide Handsome. (COMPLETED)
FanficIn a Simple life that has Jianne Lee. In a Serious and Working hard that has Kim Seok Jin, The Destiny is just very Playfull that they will never quit playing game w/ their Hearts. Isang mapaglarong tadhana ang pakasalan ka ng taong matagal mo nang...