...
JIN'S POV.
Anong ginagawa ng Tukmol na lalaking ito dito sa Mansion ko???
"Dalawa na lang ba talaga kayo dito?" Pagmasid nya sa buong Mansion.
"Oo!" Tuwid kong tugon sa kanya.
"Jianne pwedi bang maki-C.R bago tayo magsimula?" Tanong pa ulit nya.
At ito naman babaeng ito, itinuro ang C.R namin na sobrang ikinakainis ko kaya hindi ko natiis na kausapin sya.
"At bakit sya narito?" Paghila ko sa Braso nya.
"May pinag usapan kasi kami ni Jk na tutulungan ko siya!" Putol nq tugon nya.
"Tutulungan?, Saan?" Taas kilay ko sa kanya.
Itinuro nya ang kusina. Ts, Kasali rin ba sya sa Cooking Contest na iyun sa University?.
"Nag Open si Dean ng isang malaking Cooking Contest sa University at sumali kami ni Jk!" Sabi pa nya.
"Bakit hindi mo sinasabi sakin ang tungkol dyan?" Giit ko sa kanya.
"Busy ka diba?, Teka kelan ka pa nagkaroon ng pakealam sa lahat ng desisyon ko?, Diba nasa Francine ka nitong mga huling araw!, So it means na wala kang karapatan pang malaman ang tungkol dito!" Pag irap nya sakin.
Hindi na ako napaisip pa sa sinabi nya at hindi ko na sya pinatulan pa dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan namin.
Cooking Contest sa University???, Kalokohan!, Bakit wala akong alam sa bagay na yun?, Sana sumali ako.
.
.
.Lumabas na sa C.R si Jungkook at habang nakaupo ako sa Sofa ay napapasilip ako sa ginagawa nila sa Kusina.
Ayokong matapakan ang Pride ko na naiinis ako sa ginagawa nila.
Seryoso?, Sa bahay ko sila mismo nagtatawanan at nagkukuwentuhan nang dahil sa lintik na Cooking Contest na iyun?.
"Jin, go here. Join with us!" Anyaya pa ng tukmol na toh.
Kunyari wala akong pakealam kaya nagsuot ako ng headphone kahit walang music.
"Hayaan mo na sya Jk!, May sarili syang mundo!" Sabi ni Jianne na tinatamaan ako ng sobra sa mga salita nya.
Ano ba naman pakiramdam ko ito sa sitwasyon nilang dalawa sa loob ng bahay ko, sa sulok ng kusina ko.?
The fact na mas tumatagos sa Headphone ko na masaya si Jianne na makasama si Jungkook habang ako talaga yung Asawa nyang walang pakealam dapat sa kanya.
But i'm affected...
"Tikman mo ito Jianne!" Saad nito at sinubuan nya si Jianne.
Kumukunoot ang noo ko sa landian nilang dalawa.
Wala lang yun...
"Medyo kulang pa sa alat at asim!" Jianne's Comment.
"Ah ganun ba, Wait lang!" Kumuha ng Vinegar si Jungkook sa isang tabi kung saan natapatan nya ang likuran ni Jianne.
Yung halos lumapat ang dibdib nya sa likod ng Asawa ko.
Anyway hindi na ako natutuwa.
"Owh.. Sorry natapunan kita ng Suka!" Saad pa nito na sadyain nyang tapunan sa damit si Jianne.
"Ok lang!" Tugon ni Jianne na ikinakainis ko na talaga.
Lumapit na ako sa kanila at hinila ko agad si Jianne palayo sa posisyon nila.
"Jin!" Gulantang nya.
"Gusto mo bang mangamoy maasim bago ka magbibihis?" Galting na anas ko sa kanya.
"Tatapusin na muna namin ni..." Pinutol ko na ang sasabihin nya dahil ipinagtulakan ko na sya sa C.R.
"Maligo ka na rin!, Huwag kang lalabas ng C.R hangga't hindi mo nalilinis ang Sarili mo!" Balya ko pa sa pinto.
Ta's bumalik ako sa Kitchen para linisin ang kalat nila.
Sinusundan pala ni Jungkook ng tingin any mga kilos kong hindi ko na kaya pang itago.
"Nagkakatuwaan lang nan kami ng Asawa mo, Nagagalit ka agad dyan!" Sabi nya.
"You better leave and Stay away from my Wife right now!" Tuwid kong sabi sa kanya na tinawanan nya lang ako.
"Masakit bang makita kung ano ang ginagawa mo sa kanya habang nakatalikod sya?" Baling nya sakin.
"Wala ka nang kinalaman pa samin!" Balya ko naman sa Kitchen tools sa harap nya.
"Yeah.. I'm here para ipakita sayo na kaya kong kunin ang Asawa mo na wala kang laban!, Mayaman ka lang Jin pero wala kang kahit na anong pakiramdam sa mga taong nagpapahalaga sayo like Jianne!, Ipinaglalaban mo lang naman na Asawa mo sya kung kelan mo gustuhin o kung kelan nakikita mong mas masaya sya sa ibang lalaki!. Better yet iiyakan mo rin siya at manghihinayang ka na lang dahil sinayang mo sya!" Derektang sabi niya sa harapan ko at talagang napapaikom ang kamao ko at gusto ko na syang suntukin.
"Paki sabi na lang kay Jianne na umalis na ako!, Magkikita pa naman kami sa University!!" Dugtong pa niya bago tuluyan umalis sa Mansion ko.
Itinapon kong lahat sa sahig ang mga niluto nila at binasag ko ang lahat ng Plates na pinaggamitan nila.
"Ji... n.. Anong ginagawa mo?" Gulantang ni Jianne sa pagdadabog ko sa buong kusina.
"Sinabihan kita na layuan mo ang lalaking iyun pero nakikinig ka ba huh?" Hiyaw ko sa kanya.
"Pwedi ba Jin, Magkaibigan kami ni Jk at kung tutuusin mas mabuting tao pa sya kaysa sayo!" Baling nya sakin at nilinis nya agad ang kalat sa kusina.
"Ginagantihan mo ako?, Ipinapakita mo sakin na kaya mong gawin ang nagawa ko sayo?, Jianne isang beses lang yun!" Paglilinaw ko sa kanya.
"Isang beses na hindi mo nagawang hingiin ang pagpapatawad ko!, Nag sorry ka ba man lang?, Hindi diba?, Sawang sawa na ako sa ganito Jin!. Ginagawa ko ang lahat para mapansin mo ako pero bulag ka s Francine na iyun tapos pagkakaibigan na nga lang namin ni Jk ang meron ako, pinalalayo mo pa ako?. Nakakasawa ka na!!!" Diin nya sakin.
"Malakas na ba ang loob mong hiwalayan ako dahil sa kanya?" Tanong ko sa kanya at nahinto siya sa paglilinis nya.
"Iniisip mo ba talaga na kaya kitang iwan?" Pagtulo ng luha nya sa harap ko.
"Hindi ko alam kung hanggang kelan tayo ganito Jianne!" Pagtalikod ko sa kanya dahil ayokong makita syang umiiyak.
Mas mabuti na rin na umalis na muna ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/183318801-288-k245857.jpg)
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Worldwide Handsome. (COMPLETED)
FanficIn a Simple life that has Jianne Lee. In a Serious and Working hard that has Kim Seok Jin, The Destiny is just very Playfull that they will never quit playing game w/ their Hearts. Isang mapaglarong tadhana ang pakasalan ka ng taong matagal mo nang...