CONTINUATION.

33 2 0
                                    

Kung bibilangin ko ang oras at panahon na wala ako sa tabi ng Anak ko at si Francine lang ang tanging nagpalaki sa kanya. Paano ko uumpisahan na magpakilala sa kanya na ako ang tunay na ina nya?.

Baby Justin?, Saan kita mahahanap at paano tayo magkikita....?

Bigla na lang may nag aabot sakin ng isang panyo mula sa kamay ng isang Bata.

"Bakit po kayo umiiyak Mam Jianne?" Boses ni Supladitong Estudyante ko.

"Ah.. Wala lang naman Justin!" Utal ko sa kanya.

1 buwan na rin pala simula nung iwan ako ni Jungkook at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapag adjust dahil wala na sya.

Wala na yung taong nagpapalala sa lahat ng kamalian ko. Ngayon ko lang nararamdaman ang kahalagahan nya.

"May namimiss po ba kayo?" Tanong nya.

Abah. Ngayon lang ito naging Curious sa mga kilos ko. Sa bagay hindi ko naman siya masyadong napapansin sa klase dahil madalas syang absent o kaya nagpapasaway lang sa pagtuturo ko kaya hindi ko na binibigyan pa ng pansin.

"Paano mo nalaman?" Tanong ko sa kanya at tinabihan nya ako sa kinauupuan ko.

"Amh.. Ganun din po kase si Daddy. Minsan kapag po naririnig ko na nag aaway sila ni Mommy, nakikita ko po na umiiyak si Mommy kay Daddy tapos kapag po mag isa na lang si Daddy, makikita ko na lang po na umiiyak din sya, tinanong ko po siya pero sabi nya may namimiss lang siya!" Paliwanag nya.

Nakakatuwa ang pananalita niya. Sadyang nagbubuhol buhol sa pagpapaliwanag.

"Alam mo, bata ka pa. Yung mga usapan ng matatanda ay dapat hindi mo na pinakikinggan!" Paglilinaw ko naman sa kanya.

Akala ko suplado sya, matalino rin palang itinatago at Concern pala sya sakin.

"Ganun po ba?, Ok po!, Wag ka na pong umiyak, hindi na po ako magpapasaway sa klase nyo!" Sabi niya at pinapahid niya ang bawat patak ng luha ko.

Hindi ko alam kung ano ba ang magiging reaksyon ko sa harap nya mismo pero niyakap ko siya ng sobrang higpit.

"Mam?" Pagtataka nya.

"Na mimiss ko na ang Anak ko, Justin.. Sana ikaw na lang!!" Pag iyak ko pa sa balikat nya.

Justin?.

Justin?.

Ilan beses ko pinag isipan bago umikot sa utak ko na baka imposible na sya ang hinahanap ko.

Ang pagkakaalam ko kase ay nasa Abroad si Francine pero hindi ako sigurado na baka narito na sya at kasama nya ang Anak ko.

"Pwedi ko bang maka usap ang Mommy mo?" Baka sakali ko na ang Mommy nya ay si Francine.

"Amh.. O.. K po!" Sabi nya.

"Samahan mo naman ako sa bahay nyo!" Yakag ko sa kanya.

"Sige po Mam!" Paghawak niya ng mahigpit sa kamay ko.

"Tatawagan ko pa po ba si Tito Jimin para sunduin tayo?" Tanong nya.

"Hindi na!" Haplos ko sa pisngi nya at sumakay na agad kami ng Bus sa Bus Stop.

.
.
.

Nakatulog sya sa biyahe namin at minamasdan kong mabuti ang buong aura ng mukha nya.

Napapangiti ako dahil nakikita ko ang buong mukha ni Jin sa mukha nya.

"Ang anak ko..." Sambit ko at hinalikan ko siya sa matabang pisngi nito at sa noo pa nito.

Sabik na sabik ako sa kanya. Hinihiling ko na sana siya ang anak ko.

Nagising siya sa ginawa ko at agad naman kaming nakarating sa kinaroroonan ng bahay niya.

May posibilidad ba na narito rin sa Busan si Jin?.

.
.
.

"Oh.. Justin?, Bakit narito ka na agad?, Susunduin pa lang kita ah!" Boses ni Jimin na lumabas sa sasakyan nang makasalubong kami.

"Si Mam po kase.." Utal ni Justin.

"Gusto kong makausap ang Parents nya!" Lakas loob kong sabi.

"Ano nanaman bang ginawa mo sa School nyo?" Reklamo ni Jimin.

"Wala po Tito!, Gusto nyang makilala si Mommy at Daddy!" Sabi pa nito at tumakbo papasok sa loob.

"Ts, Napadpad ka naman yata dito?" Pagtataka nya.

"Gusto kong makausap si..." Pinutol nya ang sasabihin ko.

"Si Jin?, Yah he's inside the house with Francine in a sweet lunch break!" Anas nya.

Tumulo ang luha ko dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin na alam kong anak ko nga si Justin dahil iyun mismo ang iniwan na detalye sakin ni Jungkook.

"May anak na sila Jianne, Maayos na ang pamumuhay nila dito pero bakit gusto mo pang guluhin?" Tanong nya.

"Jimin hindi ko naman... Amh gusto ko lang malaman kung..." Mga utal ko na mahirap ituloy.

"Jimin bakit maagang..... " Boses ni Francine na lumabas sa Gate.

"Jianne is that you?" Gulantang nya.

"I.. Kaw pala ang Mommy ni Justin?, Inihatid ko lang ang anak mo!" Sabi ko.

"Hon sino bang kausap nyo ni Jimin?" Tinig ni Jin.

Lalabas na sya.

Palabas na sya.

At heto na sya. Nagkita na ulit kami pagkatapos ng maraming taon at sa tagal ng panahon.

"Daddy kakausapin nya daw po si Mommy!" Sumunod na tinig ni Justin at ipinasok siya ni Jimin sa loob ng bahay nila.

Halos matunaw ako sa titig ni Jin sakin mula ulo hanggang sa mga paa ko.

"Hi..." Utal ko.

Kung kelan kaharap ko na sila ay saka naman umurong ang dila ko na sabihin sa kanila ang tungkol kay Justin.

Nakumpirma ko na si Justin ang anak ko kay Jin at alam ko na alam din iyun ni Francine pero walang ka-alam alam si Jin tungkol doin kaya halos manginig ang buong katawan nya nang makita ako.

Masama bang habulin at kunin ko ang dapat ay para sakin?.

Hindi ko malaman ang sasabihin ko kaya tumakbo ako palayo at sumakay agad sa nahabol kong bus.

Marrying Mr. Worldwide Handsome. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon