Hidden Identity
Pagkatapos ng klase ay agad akong nagligpit ng mga gamit at lumabas ng silid-aralan. Ako nalang mag-isa sa classroom dahil tinapos ko na muna ang mga assignments ko para wala na akong poproblemahin mamaya pag uwi ko sa bahay. Tinahak ko ang madilim na pasilyo ng paaralan at tahimik na nagmamasid sa aking paligid.
Umupo ako sa waiting shed habang naghihintay ng masasakyan. Alas otso na ng gabi at walang jeep o tricycle ang masyadong dumadaan, ayoko din namang mag taxi dahil nagtitipid ako ng pera.
Apat na pung limang minuto na ang nakalipas pero wala paring jeep ang dumaan. Nilalamok na ako at ginugutom. Napabuntong-hininga nalang ako at napagpasyahang mag lakad na lamang. Kung maglalakad ako, mahigit trenta minutos akong maglalakad bago makaabot sa bahay.
Habang naglalakad ako ay tumitingin lang ako sa mga bahay na nalalampasan ko, nililibang ang sarili ko.
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng biglang tumunog ang tiyan ko. Napanguso ako dahil kanina pa talaga ako ginugutom. Lumingon-lingon ako sa paligid at bahagyang napangiti ng may makita akong convenience store. Lakad-takbo ang ginawa ko papunta dun at bumili ng coke in can at burger pagkatapos ay lumabas na ako at naglakad muli.
Nasa kaliwang kamay ko ang burger at nasa kanan ko naman ang coke in can na nabuksan ko na. Akmang kakagat ako sa burger ng may biglang humawi dito. Napamaang ako habang sinusundan ang burger kong tumilapon sa kalsada pati nadin ang coke ko.
Nag-angat ako ng tingin at napalunok ng makitang pinapalibutan ako ng anim na lalaki, lahat sila ay may malalaking pangangatawan at naka uniporme ng LU. Pamilyar silang lahat sa akin ngunit hindi ko alam ang mga pangalan nila.
May hawak na baseball bat ang lalaking nasa harapan ko, nakangisi siya sa aking nakakaloko habang hinagis sa ere ang baseball bat at sinasalo ito.
"Anong kailangan niyo?" walang emosyong tanong ko.
"Wala naman" ani ng lalaking nasa gilid ko. "Pero ayaw naming makita ang pagmumukha mo."
Kumunot ang noo ko at napabaling dito. "Baliw ka ba?"
"Anong sabi mo?" nanggigigil na tanong nito.
"Ang sabi ko baliw kaba? Ayaw niyo akong makita pero nandito kayo sa harapan ko? Anong kalokohan to?"
"Aba't sumasagot kana h-"
"Please bukas na kayo mang gulo, nagugutom na ako."
Lumiko ako sa gilid ko at nilampasan sila pero hindi pa ako nakakalayo ng may malakas na kahoy na humampas sa likod ko. Napangiwi ako ng bahagyang kumirot ang likod ko, buti nalang at may bag ako sa likod. Muntik na akong sumubsob sa kalsada ngunit napigilan ko ang sarili ko.
Huminga ako ng malalim at hinarap sila. "Ano bang-" nabitin ang sasabihin ko ng bigla akong sinuntok sa tiyan ng lalaking sinagot ko kanina. Napaubo ako at napangiwi sa sakit. Tangina naman nito oh bat sa tiyan pa?! Hindi pa naman ako kumakain putcha.
"Ano bang problema niyo?!" nanginginig at galit na tanong ko.
"Problema namin? Ikaw!" ani ng lalaking magulo ang buhok at may maraming piercing.
"Ano bang ginawa ko sa inyo?" mahinahong tanong ko.
"Ayaw naming makita ang pagmumukha mo" sabat nung isa.
Na naman? Paulit-ulit nalang ba tayo dito? Imbis na sumagot ay nanahimik nalang ako.
"Ano hindi ka magsasalita diyan?!"
Nanatili akong tahimik at nakayuko. Tapos na ba sila? Ginugutom na talaga ako. Napasinghap ako ng biglang may sumapak sa akin. Ang bigat ng kamay putcha.
YOU ARE READING
Hidden Identity
Mystery / ThrillerA mysterious lady who hide her self from her parents and her real life