HIDDEN IDENTITY
Dedicated to: pearlazalea
"T-Teka. Tatawag ulit ako." natatarantang saad ko bago binaba ang tawag. Maingat ang naging hakbang ko na naglakad papuntang sala para hindi ko magising sina Thalia. Agad kong kinuha ang box sa ibabaw ng kabinet ko at kinuha ang voice changer at inattached sa isang ngipin ko. Huminga ako ng malalim bago tinawagan si Menezo akala ko hindi na niya sasagutin ngunit wala pang dalawang segundo ay sinagot na niya ito.
"Hey." pagbabati ko dito, kinakabahan.
"Are you okay? Bat nag-iba ang boses mo?" tanong niya.
Napalunok naman ako at nag-isip ng dahilan. "Ah kasi nasa cr ako kanina tapos gumaganda ang boses ko kapag nasa cr ganun." napangiwi ako sa palusot ko.
"Oh okay." he cleared his throat. "Bat ka absent kanina?"
"Nilalagnat ako." walang pag-aalinlang sagot ko.
Narinig ko ang malulutong na mura niya sa kabilang linya kaya kumunot ang noo ko.
"Anong nangyayari sayo?" tanong ko.
"Fuck why didn't you tell me?!" galit na tanong niya na ikinagulat ko.
"Ha?"
"Why didn't you call and tell na may lagnat ka pala? Sinong nag-aalaga sayo? May kasama ka ba sa bahay mo? Babae ba o lalaki? Kamag-anak mo? Nandiyan ba ang parents mo? Fuck Maple bat hindi ka nagsasabi?! Ilan ba temperature mo? May gusto ka bang kainin? Bumababa na ba ang lagnat mo? Gusto mo puntahan kita?" nag-aalalang tanong niya.
Nasapo ko ang noo ko at pabagsak na umupo sa sofa tila nag-iisip ng paraan kung paano ko malulusutan ang tanong niya. Damn me for being stupid. Bat kasi yun pa ang sinabi ko?!
"I'm fine now." sagot ko nalang.
"Are you sure?" naniniguradong tanong niya.
"Yup." ani ko at hinilot ang sentido.
"Pahinga ka muna." malambing na aniya.
"I can't sleep." saad ko. Dahil yun ang totoo ngunit may parte din sakin ang gusto pa siyang kausapin. Hindi ko alam kung bakit.
"Kantahan kita?" malambing na saad niya at binuntutan ito ng tawa. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Yes please, gusto kong isatinig ngunit pinapangunahan ako ng kaba at hiya.
I heard him cleared his throat. "So this song is for you my Maple." aniya at nagsimulang kumanta. " You're just too good to be true. I can't take my eyes off you. You'd be like heaven to touch. I wanna hold you so much." napapikit ako sa lamig ng boses niya.
Dahan-dahan akong humiga sa sofa habang nakikinig lang sa kanya.
"At long last love has arrived. And I thank God I'm alive. You're just too good to be true. Can't take my eyes off you~." the way he sings give me chills and makes my heart beat rapidly than its usual state.
"Pardon the way that I stare. There's nothing else to compare. The sight of you leaves me weak. There are no words left to speak. But if you feel like I feel. Please let me know that is real. You're just too good to be true. I can't take my eyes off you~"
Hindi ko namalayan na napapangiti na pala ako habang nakikinig sa kanya. Damn i'm afraid that i will get addicted to his voice, baka hahanap-hanapin ko ito gabi-gabi.
"I love you baby. And if it's quite all right. I need you baby. To warm the lonely nights. I love you baby. Trust in me when I say."
Biglang bumigat ang paghinga ko. Napahikab ako dahil dinadalaw na ako ng antok. Pinipilit kong labanan ang antok ko dahil gustong-gusto ko pang marinig ang boses niya.
YOU ARE READING
Hidden Identity
Mystery / ThrillerA mysterious lady who hide her self from her parents and her real life