Hidden Identity
Pagkauwi ko sa bahay ay wala akong sinayang na oras. Agad na binuksan ko ang Phraux Play Card.
"Since you got this card,
Beware because you will be experiencing hell. -Phaux Org"Nahilot ko ang sentido dahil sa nabasa. Anong kalokohan ba to? Is he kidding me? Ano siya bata para gumawa ng ganito?
I'm not afraid of them but hell i was really looking forward for my last year in Leur University to be memorable. Inaasahan kong wala na akong magiging problema pero tangina wala parin akong kawala.
Napabuntong-hininga ako. Why do they have to make this a big deal? Parang yun lang naman. It's not like i did something wrong.
You did. You didn't say thank you to Unier anang isang bahagi ng utak ko.
Sumalpak ako sa kama at nagpagulong-gulong. This day was too much and I'm exhausted.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nag iisip ng bigla nalang akong dinalaw ng antok.
Maaga akong nagising kinaumagahan. Hindi na ako kumain ng agahan dahil gusto kong maaga makapasok ng eskwelahan. Pangalawang araw palang to ng pasukan kaya ayokong ma late.
Nagdala ako ng tatlong extrang damit. Ewan ko pero feeling ko may masamang mangyayari ngayong araw nato.
Pagkatapos kong mag-ayos ay agad na nilisan ko na ang bahay at pumara ng jeep.
Malapit na ako sa gate ng Leur ng mapansing walang katao-tao. Kumunot bigla ang noo ko. Wala bang klase? Bahala na.
Kahit na nagdadalawang isip ay pumasok parin ako.
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng merong humarang sa daan ko - si Zeus at nagsilabasan naman ang mga estudyante sa likod ng mga puno. Palihim kong nilibot ang paningin ko.
Damn it. Bat hindi ko sila napansin..
Ngumisi ng nakakaloko si Zeus. "Hello nerd, like our surprise?" tinaas niya ang kaliwang kamay niya at nagsenyas sa mga estudyante.
Naramdaman kong may malagkit na itinapon sakin. Mga itlog. Walang tigil at walang awa nilang tinatapon sa akin ang mga itlog.
Napakagat-labi ako at akmang tatakbo ng hawakan ako sa braso ni Zeus. "Uh-uh where the hell are you going nerd? Hindi pa kami tapos." naramdaman ko ring tumigil na sila sa pagtatapon sakin ng mga itlog dahil malamang ayaw nilang matapunan si Zeus.
Napakuyom ako sa kamao ko. "Stop."
Tumawa siya ng nakakaloko. "Why? Can't take it anymore nerdy? We're not done yet." At pagkatapos nun pinaligo niya sakin ang tubig na may maraming yelo. Humahangos na nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"Tumigil na kayo dahil kapag ako napuno- paniguradong ililibing ko kayo ng buhay.." seryosong saad ko. "sa impyerno."
Tinawanan niya ako na para bang isang napakalaking biro ang sinabi ko. "Who are you kidding nerd? Hahaha marami kami. Nag-iisa kalang. Who would want to be on your side?"
"You don't know me." madiin na ani ko.
"Of course we know you. You're Maple Hagim. A nerd and a lo-ser. You're nobody. Do you think Unier will save you again? Uh-uh dream on." nang-aasar na wika nito.
Napapikit ako. "Just stop."
Naramdaman ko ang bibig niya sa tenga ko. "Prepare yourself nerd. At may pinapadala palang mensahe si Master Pres - if you can't take it anymore drop out." tsaka niya ako binitawan.
Wala akong inaksayang oras at tumakbo na ako papalayo sakanila at dumiretso sa banyo. Kinuha ko na muna ang suot kong eyeglass at nilinisan ito tsaka ako nagtungo sa shower area at naligo.
YOU ARE READING
Hidden Identity
Mystery / ThrillerA mysterious lady who hide her self from her parents and her real life