HIDDEN IDENTITY
Pagkatapos ng engkwentro namin ni Preston nung nakaraang araw ay panay iwas na siya sakin. Hindi ko alam kung bakit. Baka may nasabi akong masama sa kanya. Hindi ko alam. Siguro kakausapin ko nalang siya mamaya. Hindi din siya sumasabay sa amin kumain, ang sinabi niya lang ay kumakain siya sa labas dahil may pinag-uusapan sila ng dad niya. Hindi ko alam kung totoo ba yun o sadyang iniiwasan niya lang talaga ako.
I tried ignoring Austin, Xenon, Hillary and Unier pero sa sobrang kulit nila ay napapasabay talaga nila ako sa kanilang mag snack at kumain ng lunch. Everytime i am with them pansin kong wala ng lumalapit sakin para bullyhin ako o ano. Lahat ay umiiwas. Ganyan yata sila katakot sa Phraux Org. pero hindi padin maiwasan ang mga pagbubulong-bulungan ng mga tao at ang matatalim na pagtitig nila sakin. Wala akong pakialam.
Kumakain kami ng lunch ngayon sa gazeboo. I love the place. Nasa likod ng garden to. Mahangin at tahimik ang paligid. Halatang sila lang talaga ang tumatambay dito dahil wala pa akong nakikitang estudyante na pumupunta dito. The gazeboo was made of wood at octagonal in shape. May dalawang maliit na rectangular square table at nakakalat ang cushions sa sahig. I really love this place, probably my favorite spot in Leur University.
Simula nung nakaraan ay dito na ako kumakain- kasama nila dahil hindi nila ako tinatantanan pag hindi ako sumasama sa kanila. Pumayag naman ako dahil nakikita ko talaga sa mukha nila na gusto nila akong kasama- sa katunayan nga nakakataba ng puso. 5 years in Leur University- wala akong naging kaibigan maskin isa. I really thought that these guys will bully me too but i was wrong- they proved me wrong.
Nasa iisang table kami ni Austin at Xenon, habang sina Unier at Hillary naman ay nasa kabila. Tapos na silang kumain kaya naglalaro na sila ngayon ng scrabble. Kumakain naman kami nina Austin at Xenon habang nagkikwento sila tungkol sa nakaraan nila.
"Tapos si Austin grabe yung iyak niya nung nasira ni Preston yung bumble bee na laruan niya." natatawang pagkwento ni Xenon.
"Eh kasi naman favorite ko yun eh!"
"Para ka ngang bakla nun eh, diba Unier?"
"Oo nga di ko nga makalimutan yung time nayun." Unier.
Natawa naman ako ng bahagya dahil naiimagine ko ang mukha ni Austin.
"Eh ikaw nga nun fafa Xe eh pinasuot ka ng dress ni tito at pinalakad sa buong kanto dahil sinuntok mo kapatid mong babae."
Hindi ko na napigilan ang sarili kong humagalpak ng tawa dahil sa sinabi ni Autin pati nadin sina Unier.
"Seryoso?" natatawang tanong ko kay Austin.
"Oo Mapleleya hahahaha tas ala-"
"Shut up Aus." namumula at nahihiyang saad ni Xenon
Nagpatuloy lang kami sa pagtawanan at pagkikwentuhan ng kung ano-ano. It feels good laughing with them actually. Parang ngayon ko lang ulit naranasan. It feels great.
"Eh ikaw Mapeleleya?"
"Anong ako?"
"Share ka naman tungkol sa masasayang alaala sa nakaraan mo."
Biglang napawi ang ngiti ko at nanumbalik ang mga alaala ko noong bata pa.
F l a s h b a c k
Marahas na hinila ako ni mommy ng makitang nakikipaglaro na naman ako kay Sheena, ang anak ng mayordoma namin. Hinila niya ako papunta sa kwarto ko.
"Mommy i still want play with Sheena."
"No baby you can't play with her." mahinahon ngunit mariin na saad ni mommy.
YOU ARE READING
Hidden Identity
Mystery / ThrillerA mysterious lady who hide her self from her parents and her real life