Chapter 26

48 4 0
                                    

HIDDEN IDENTITY

Dedicated to: presideng
Nang makarating ako sa bahay ay nadatnan ko si Phoebe at Thalia na kumakain.

"Ang aga pa ah." ani ko at itinapon ang bag ko sa sofa, umupo ako sa tapat na upuan  ni Thalia at sinabayan sila sa pagkain.

Inirapan ako ni Phoebe. "It's already 6 pm duh."

"San si Chizka?" pagbabalewala ko sa sinabi ni Phoebe.

"She's on a date with her husband. Hindi siya uuwi ngayon." tumango naman ako.

"Hinatid ka ni Preston?" biglang tanong ni Phoebe.

"Yup. Pero hanggang dun lang sa highway."

"Kayo na ba?" bigla akong nasamid sa tanong niya.

"H-Hindi pa." ani ko at dali-daling uminom ng tubig.

"Edi may plano kang sagutin?" napalingon ako kay Thalia dahil sa tanong niya. "Come on A you know you can't be together."

"I know." tanging nasabi ko nalang.

"But still hinayaan mo siyang mapalapit sayo."

"I know."

"Did you tell him ab-"

I cut her off. "Can we please eat?" pilit ang ngiting tanong ko.

Nanatili ang titig nila sakin ngunit hindi ko nalang sila pinansin. Mabilis kong tinapos ang pagkain at dumiretso sa kwarto. Hinubad ko uniform ko  at nagpalit ng maluwag na damit at shorts. Pumunta ako sa banyo at hinubad ang wig ko, contact lens, pekeng kilay at voice changer. Naghilamos lang ako at agad na lumabas ng banyo.

Kumunot ang noo ko ng madatnan si Thalia at Phoebe na nakaupo sa gilid ng kama, tila hinihintay ang paglabas ko.

"Anyare sainyo?"

"I'm sorry," panimula  ni Thalia. "Gusto ko lang naman ipaalala sa iyo na-"

"It's okay" pagpuputol ko sa kung ano man ang sasabihin niya. "I know the consequences D. But uhm i just don't care."

Natigilan sila sa naging sagot ko. "D-Do you love him?" she asked hesistantly.

"I don't know." walang pag alinlangan na sagot ko. "I'm happy when i'm with him." i told them honestly. "And if i'm falling for him, i won't stop myself. He's worth it." ani ko habang nakatitig sa kanilang dalawa.

"Anyway sasama kayo sakin?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Saan?"

"Bibili ako ng groceries. You know madami tayo dito sa bahay. Mauubos pagkain ko ang tatakaw niyo pa naman." pagbibiro ko.

"Well i'll go with you pero yang isa diyan ahem dito lang sa bahay since hindi pa siya magaling." nakita ko ang pag-irap ni Thalia ngunit hindi naman siya tumutol kay Phoebe.

Nang makarating kami sa mall ni Phoebe ay naghiwalay kami. Pumunta ako sa supermarket para bumili ng groceries. Bibili lang daw siya ng mga damit nila ni Thalia, hinayaan ko lang naman. Nakakalahati ng cart na ako ngunit hindi pa ako tapos mag grocery. Alam kong magtatagal pa silang tatlo sa apartment kaya dinamihan ko na. Pumunta ako sa aisle na puro de lata at namili ng mga iilan. Bumili din ako ng tatlong toothbrush, mga napkins at iba pa na magagamit nila sa bahay. Nang mapuno ko ang cart ay pumila na ako at nagbayad sa mga pinamili. Tinawagan ko si Phoebe at sinabi sa kanyang pumuntahan niya ako sa counter 2.

Inilagay ko lahat ng papaerbags sa pushcart sa sobrang dami nito. Kumunot ang noo ko ng makita si Phoebe na may naglalakihang paperbags na dala. Lahat din yun ay inilagay niya sa cart at naunang naglakad sakin. Tinulak ko ang pushcart habang sinasabayan siya sa paglalakad

Hidden IdentityWhere stories live. Discover now