Chapter 11

73 4 0
                                    

HIDDEN IDENTITY

Pagkatapos mag walk out kanina ni Preston ay hindi na siya bumalik. Ang nasa silid ko lang ngayon ay sina Austin, Xenon, Hillary at Unier na panay tanong sakin kung ayos lang daw ba ako.

"Mapleleya, komportable ka ba diyan sa hinihigaan mo?" tanong ni Austin.

Tumango ako at pumikit na para hindi na siya magtanong pa. Hindi ko alam pero hindi ako komportable kapag kasama ko sila, naiilang at nahihiya ako. Hindi naging maganda ang unang pagkakakilala namin. Kung tutuusin galit si Preston sakin, kaya dapat galit din sila sa akin diba? Hindi ko alam kung bakit ang bait nila sakin, should i be thankful dahil baka titigil na din silang Zeus sa pang-aapi sakin or should i be scared that i will get attached with these guys and it will be harder for me to leave.

Ilang minuto na akong nakapikit ngunit hindi padin ako dinadalaw ng antok, nakikinig lang ako sa mga pinag-uusapan nila Austin, mukhang hobby ko na talaga ang mang eavesdrop sa kanila.

Kanina pa sila nagtatalo kung saan sila matutulog, kung uuwi ba sila o hindi, sa katunayan gusto kong sumabat at sabihin sa kanilang umuwi na sila at doon matulog sa bahay nila dahil kaya ko naman na ang sarili ko pero nanatili nalang akong tahimik at hinintay ang magiging desisyon nila.

"Dito lang ako matutulog." narinig kong ani ni Austin.

"Ako din." sabay na sabi nung tatlo.

Seriously? Ayos lang naman ako. Pwede naman na silang umuwi dahil kaya ko naman ang sarili ko, they don't have to do this for me. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto at ang boses ni Preston.

"Tulog na siya?"

"Oo kanina pa," pagsagot sa kanya ni Unier.

"Hindi pa kayo uuwi?"

"Hindi Uncle Pres dito lang kami babantayan namin si Maple."

"No, i can take care of her umuwi na kayo, ayos lang ako dito, hospital naman namin to."

What the hell?! Hospital nila to? Bat hindi ko alam?

Kasi hindi ka nagtanong, anang isang bahagi ng utak ko.

"Uncle Pres sige na gusto kong bantayan si Mapleleya."

"No."

"Yes."

"No. Ang kulit mo Austin. Uwi na." naiirita ng saad ni Preston.

"Ayoko kasi."

"Uwi kana."

"Noo!"

"Austin." mariing saad ni Xenon. "Umuwi na tayo halika na."

"Una na kami Pres."

"Ingatan mo si Maple."

"I know. Sige na."

Narinig ko ulit ang pagbukas at pagsara ng pinto. Naging tahimik ang silid, hindi ako sanay. Naririnig ko lang ang mga yabag ni Preston na naglalakad, hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya.

"Nakakainis naman yun, ayaw pa talagang umalis. Anong akala niya sakin hindi marunong mag-alaga sa isa diyan? Tss."

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at tumambad sakin ang likod ni Preston. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya. Siguro ay naghihiwa siya ng prutas dahil gumagalaw ang mga kamay niya.

"May gusto ba siya sa isa diyan? Ayaw na ayaw talagang umuwi kala mo naman marunong mag-alaga eh hindi naman, puro lang naman pa cute ang alam. Kala mo naman cute hindi naman kamukha niya pa si kingkong at-"

Hidden IdentityWhere stories live. Discover now