HIDDEN IDENTITY
Dedicated to: oohlalaitsmekams
I groaned as i felt the pain spread right through me. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at tumama sa akin ang sinag ng araw na nanggaling sa labas ng bintana. Nanliliit ang mga mata ko ng may biglang humarang sa harapan ko.
"Thank God, you're awake." boses ni Thalia. Dahan-dahan akong umupo sa kama at sinandal ang ulo ko sa headboard. Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko. "Tubig D."
"Teka." lumabas siya ng kwarto at ilang segundo lang ay may dala-dala na siyang pitsel at baso. Naglagay siya ng tubig sa baso at binigay sa akin. Mabilis ko naman itong natapos at nilagay sa ang walang laman na baso sa maliit na lamesa na nasa gilid ko.
Umupo si D sa gilid ng kama ko at masuyong hinaplos ang buhok ko.
"Napuruhan ka masyado kahapon." aniya.
"Yeah." balewalang saad ko. "It's okay. Anong oras na pala?" pag-iiba ko sa usapan.
"It's already 10 am. Pumasok na sina Phoebe at Chizka." tumango ako.
"Are you hungry A?"
Nang dahil sa tanong ni Thalia ay biglang kumalam ang tiyan ko. Sabay kaming natawa ng marinig iyon.
"Lulutuan muna kita." aniya at hinalikan ang noo ko bago nilisan ang kwarto ko.
Nang makawala si Thalia ay agad na namuo ang luha sa mga mata ko. Bumaba ang tingin ko sa katawan ko. I'm only wearing a thin white sleeveless shirt and a cycling. I can see fresh wounds and cuts around my body. Napalunok ako at tumingala. Ilang minuto akong nanatiling ganun ng bigla nalang tumunog ang cellphone ko. Lumingon ako sa gilid at inabot ito. A lone tear escape from my eyes when i saw who was calling. Pinunasan ko ang luha ko at agad na sinagot ang tawag.
"Baby Maple ko, bat wala ka? Kanina nag antay ako sayo kaso hindi ka dumating. Nagtatampo ka ba sakin dahil inayawan kita kahapon? Sorry na baby ko babawi ako sayo ngayon, nasaan ka? Bat wala ka dito sa classroom? Miss na miss na kita." paglalambing sakin ni Menezo.
Napapikit ako at napalunok.
"Sorry." i bit my lower lip at pumikit ng mariin.
"It's okay baby. Nasaan ka ngayon?"
"N-Nasa Palawan ako kasama ang parents ko. Sorry hindi ko nasabi sayo kahapon dahil nagtatampo ako sayo."
Ilang minutong katahimikan ang namayani sa kabilang linya. Tiningnan ko ang cellphone ko kung in-off na ba ni Menezo ang tawag ngunit hindi pa naman. Muli kong tinapat ang cellphone sa tenga ko at narinig ko ang mabibigat na buntong-hininga ni Menezo.
"It's okay." masuyong aniya. "Kelan ang balik mo?"
"Next week pa." hindi siguradong usal ko.
"Ha?! Next week pa?!" malakas na sigaw niya kaya nailayo ko ang cellphone sa tenga ko.
"Mr. Menezo get out of my class!" rinig ko ang isang pamilyar na tinig ng guro namin. What the heck nagkaklase sila pero tinatawagan niya ako?
Rinig ko ang mga yabag ni Menezo at hula koy papalabas na siya ng classroom.
"Hoy." ani ko.
"Ano baby?!" iritang saad niya.
"Galit ka sakin?"
"Naiinis ako sayo! Nakakatampo! Torture yan baby eh! Isang linggo!? Nak ng?! Tsk!" asik niya.
"Babalik din naman ako ah."
"Oo nga pero matagal pa. Miss na miss na nga kita ngayon tapos isang linggo pa bago ka makakauwi? Nakakainis yun. San ka ba sa palawan? Pupuntahan kita."
YOU ARE READING
Hidden Identity
Детектив / ТриллерA mysterious lady who hide her self from her parents and her real life