Chapter 36

50 3 0
                                    

HIDDEN IDENTITY

Dedicated to: Saranghaeyohihi

Bumangon ako at nag stretch. Kumuha ako ng isang plain t shirt sa kabinet dahil may iilan na akong gamit dito sa pent house ni Hillary. Minsan dito kami pumupunta kapag bakasyon lalo na't gusto naming lumayo at tahimik na paligiran. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay at bumaba. Nasa kusina na silang lahat kumakain. Nakatalikod sa akin si Maple, Unier at Xenon at Hillary. Pinagmamasdan naman ako nina Phoebe, Chizka at nung D.

"Sino nga kasi ang nagbuhat sakin kagabi? Nasa sofa lang ako noon eh." rinig kong tanong ni Maple ngunit walang sumagot sa kanya.

Umupo ako katabi kay Phoebe at kaharap ko si Maple. Kita ko sa gilid ng mga mata ko na nanlaki ang mga mata ni Maple at parang hindi makapaniwala na nasa harapan niya lang ako.

I brush the tip of my nose using my finger at tinuro yung kanin at eggs. "Pasa mo nga sakin Hill." walang ka emosyong saad ko. Walang imik naman na pinasa sa akin ni Hillary ang kanin at scrambled egg. Nilagyan ko ng kaunting kanin at scramble ang plato ko at nagsimula ng kumain.

"Uncle Pres," nilingon ko si Austin na ngayon ay nakasimangot sa akin.

"Kailan ka pa dumating?" Ngumuya muna ako at nilunok ang pagkain bago siya sinagot.

"Kagabi." simpleng saad ko.

Nilingon ko si Maple at aksidenteng nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Binuka niya ang bibig niya na para bang may sasabihin pero agad niya rin namang tinikom at umiwas ng tingin. Huh.

Biglang nag ring ang cellphone ni Phoebe. Tumayo naman siya at nagpaalam sa amin na sasagutin niya lang daw ang tawag.

Nagpatuloy kami sa pagkain ng tahimik. Pansin ko na panay sulyap sa akin si Maple- o si A ngunit hindi niya naman ako kinakausap. I clenched my jaw to stop myself from breaking a smile dahil nakukyutan ako sa kanya. I licked the corner of my lips and bit my lower lip. Galit ako sa kanya, pagpapakausap ko sa sarili ko.

"Hey guys come here!" sigaw ni Phoebe. Taranta naman kaming pumunta sa sala at kumunot ang noo ko sa nakita. Mula sa loob ng sala kita namin na madaming tao sa labas at lahat sila ay nakaitim na suit. Hula ko trenta silang lahat. Nakalinya silang lahat at may hawak na mga baril. What the hell?!

Nagsalita ang lalaki na nasa gitna nila. "Give us Madam Aerish Parisha Leur in 5 minutes and all of you can walk out without any harm."

Napatingin kami ngayon kay Maple na napalunok at hindi inaalis ang tingin sa mga lalaking nakatutok sa amin ang baril. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan.

"Sasama ka ba sa kanila?" malamig na tanong ko sa kanya.

Tiningnan niya ako at nakikita ko na ang sagot sa mga mata niya. Tiningnan niya ulit ang mga lalaki sa labas.

"Look at me." malamig na utos ko na agad niya namang sinunod. "Sasama ka ba sa kanila?"

"Ayoko," mahinang saad niya "Pero ayoko rin namang mapahamak kayo kaya sasama na ako sa kanila. Ayoko ng madamay kayo sa gulo ko."

"A.." mahinang saad ng asawa ni Unier.

Akmang aalis na siya ng hawakan ko ang kamay niya nilingon niya naman ang kamay kong nakahawak sa kanya, "Ayaw mong umalis diba? Edi wag kang umalis."

"P-Pero-"

"Shut up." pagpuputol ko sa kung ano man ang sasabihin niya.

"That's bulletproof right?" tanong ko kay Hillary habang nakaturo sa malaking bintana niya.

"Yeah. But it still depends on the gun they want to use, why?"

Umiling ako. "Nasaan ang mga baril mo?"

Hidden IdentityWhere stories live. Discover now