HIDDEN IDENTITY
Dedicated to: epinomikay0016
Mabilis kong nilisan ang kompanya namin. Ginamit ko ang sasakyan ng papa ko papuntang bahay. Binati ako ng mga ilang kasambahay ngunit hindi na ako nag abalang batiin pa sila. Lakad takbo ang ginawa ko papuntang kwarto at kinuha lahat ng credit cards ko. I packed some clothes at mahahalagang gamit at nilagay ko sa maleta ko. Pati ang picture ni mama ay dinala ko.
Habang nag-aayos ay biglang nag ring ang cellphone ko. Nahilot ko ang sentido ng makitang si Hillary ito.
"Hello?"
"Hello yourself your d-ck! Alam mo bang kanina pa kami hanap ng hanap sayo at nalaman ko lang na umuwi kana pala sa Manila?! F-ck you! Akala namin kung ano na ang nangyari sayo!"
I sighed, "Saan mo naman nalaman?"
"Me and Thalia hacked into the CCTV cameras. Damn you! Malapit pa kaming mahuli you asshole!"
"Sorry. Anyway nandiyan pa kayo sa inn?" tanong ko.
"Wala na. Nasa private island na kami nina mommy at daddy. Alam kong hindi na makakatapak ang mommy ni A dito dahil mahigpit ang security namin."
Tumango ako, "That's good. Anyway," tumingin ako sa wristwatch ko at nakitang alas siyete pa pala ng umaga. "I'll be there in the evening."
"Pupunta ka dito?"
"Of course."
"Why?"
"Anong bakit?" iritang saad ko.
"Wala naman. Sige kakain na muna kami." aniya at pinatayan ako ng tawag. Iling-iling naman akong nilagay sa bulsa ang cellphone ko. Binitbit ko ang maliit na maleta ko at bag. Nilingon ko sa huling pagkakataon ang kwarto ko bago ito nilock. Bababa na sana ako ng makitang naka bukas ang pinto sa office ni papa. Ibinaba ko muna ang mga gamit ko at pumasok doon.
Nilibot ko ang paningin ko sa silid at nakitang wala paring pinagbago ito. Nasa dingding padin ang mga pictures namin habang kasama pa namin si mama. Napangiti ako ng mapait ng maalala ang mga rason ng ama ko. Napakababaw. Para siyang isang halimaw.
Lumapit ako sa lamesa ni papa at pinasadahan ang palad ko sa lamesa niya. Naalala ko noon dito ako palagi umuupo na para bang ako ang ama ko- i told myself that i want to be like him someday pero sa isang iglap biglang nagbago ang pananaw kong iyon.
Dumapo ang tingin ko sa isang envelope na kulay puti. Kumunot ang noo ko at binuksan ito.
JANUARY 2009
Yan ang nakalagay sa ibabaw ng envelope. Pinagpatuloy ko ang pagbasa at biglang nalaglag ang panga ko sa nakasulat.
I, Inigo Roy Leur agreed to Persus Bartolome Menezo to let my daughter Aerish Parisha Leur get married to Preston Kaizer Menezo when they reach their legal age as soon as possible.
At sa ibaba naman ay ang fingerprint at pirma nilang dalawa. Bigla akong natawa at ngumisi ng nakakaloko. Hmm.
Iling-iling akong ibinalik ulit ang papel sa envelope at binitbit ito.
Binalikan ko ang mga gamit ko at tuluyan ng bumaba. Nakasalubong ko ang mayordonna ng bahay namin at bigla siyang nagtaka dahil may dala akong maleta.
"Oh saan ka pupunta iho may outing ka ba?" tumango nalang ako at magalang na ngumiti para wala na siyang tanong pa.
"Opo nanay eh. Nagsawa na kasi ako sa bahay."
"Ganun ba iho? Saan ka naman magbabakasyon aber?"
YOU ARE READING
Hidden Identity
Mystery / ThrillerA mysterious lady who hide her self from her parents and her real life