Chapter 25

55 4 0
                                    

HIDDEN IDENTITY

Dedicated to: rhena_liit

"Psst Mapleleya."

Agad naman akong lumingon kay Austin ng tawagin niya ako.

"Bakit?"

He smiled at me cutely kaya napangiti din ako. "Sabay tayo mag lunch mamaya ha?"

"Oo naman." nakangiting saad ko, pinisil naman ni Austin ang ilong ko.

"Namiss kita. Bat ka absent kahapon?"

Bago pa ako makasagot sa kanya ay inunahan na ako ni Menezo. "Nilalagnat siya kahapon kaya absent siya. Nag didiscuss din si Mrs. Lacrosa kaya makinig ka. At wag mong yayaing mag lunch yang abnormal nayan dahil sa akin lang sasabay yan." singhal niya kay Austin at tinakpan ang mukha ko.

"Arte arte nito." narinig kong saad ni Austin.

Inis naman akong tinampal ang kamay niya at lumingon nalang ulit sa pisara. So possessive fuck.

Pagkatapos ng unang klase namin ay nagulat ako sa biglaang paghatak sakin ni Menezo. Ni hindi nga siya nagpaalam sa mga kaibigan niya. Napansin kong papalabas na kami ng gate kaya buong lakas kong hinila ang kamay ko at pinahinto siya. Inis siyang humarap sakin ngunit pinakita kong mas iritado ako sa ginagawa niya.

"San tayo pupunta?"

"Sa labas."

"Anong gagawin natin sa labas?" taas ang kilay na tanong ko.

"Kakain." simpleng sagot niya.

"Eh bat hindi tayo sasabay kina Austin?"

"Eh bat tayo sasabay sa kanila?!" pasigaw at iritadong tanong niya.

"Bakit hindi?!" sigaw ko pabalik sa kanya.

Nameywang siya at tumingala. Tila nauubusan ng pasensya. "Damn it Maple." mahinang bulong niya.

"Napakaseloso mo." saad ko habang nakatitig sa kanya.

I saw how his adam apple moved at bumaba ang tingin niya sa akin. Tinitigan niya ako ng mariin. "Kasi akin ka Maple. Akin kalang. Naiinis ako sa tuwing may umaagaw ng atensyon mo. Akin ka, naiintindihan mo yun?" may diin ang bawat salita na saad niya.

Kumunot ang noo ko. "Anong konek?"

"Ha!" hindi makapaniwalang tinampal niya ang noo niya. "Seriously woman? Are you listening? You're impossible!"

"Sinabi ko lang naman na napakaseloso mo eh kung ano ano nayang pinagsasabi mo!"

"Anong gusto mong marinig?" iritadong saad niya. "Nakakainis lang dahil kina Austin panay ngiti at pa cute ka tas sa akin hindi." mahinang aniya ngunit narinig ko naman.

Anak ng-?! "Anong nagpapacute?!" inis na tanong ko. Kung ano ano nalang sinasabi sakin ah?

"Ikaw nagpapacute ka! Panay ka ngiti sa kanila. Parang wala lang sayo yung mga bilin ko tch. Di mo ba maintindihan ang salitang akin kalang ha?!"

"Sayo lang naman talaga ako ah?!" malakas na sigaw ko na ikinagulat niya. Pati ako ay nagulat sa sinabi ko ngunit hindi ko na mababawi pa iyon.

"T-Talaga?" namumulang saad niya.

Nakaramdam naman ako ng hiya sa sinabi ko. Akmang lalayasan ko na sana siya ng higitin niya naman ang papulsuhan ko. Anak ng- bat ang hilig manghila nito?!

"Ano?!" iritadong saad ko para matakpan ang hiyang nararamdaman.

"Ulitin mo yung sinabi mo." nakangusong aniya ngunit alam kong natatawa talaga siya.

Hidden IdentityWhere stories live. Discover now