HIDDEN IDENTITY
PRESTON'S POV
Nakatunganga lang ako sa screen ng TV pero wala akong naiintindihan sa palabas. Hindi ko maalis ang utak ko kay Maple habang walang awang nakatitig sa tumatakbong si Tiara. What the hell happened in that comfort room? Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang inis. Aish. I really wanted to ask her but how? Baka hindi siya ang gumawa nun at magkamali lang ako. Baka nakita niya lang kung sino ang gumawa nun kay Tiara kaya niya sinundan ito ng tingin. Tama tama baka ganun nga.
Inis na binalingan ko ang nagtapon sakin ng popcorn, "What the heck man?!"
"Gago ka. Kanina pa kita kinakausap pero di ka naman nakikinig." nakangusong ani ni Hillary.
"Eh kung sapakin kaya kita?"
"Hey hey hey." pag-aawat samin ni Xenon "Bahay ko to, no fighting involved guys."
Nagpakawala ako ng marahas na buntong-hininga at nilingon si Austin na nagpapatugtog ng piano. "Austin, stop that it's annoying." ani ko dito.
Binalingan niya naman ako at kinunutan ng noo, "But i played you're favorite song."
"Just stop it." mariin na saad ko. Itinaas niya naman ang dalawang kamay niya at lumayo sa piano. "Okay okay."
"What happened to you?" tanong ni Unier at umupo sa tabi ko. Kinuha ko ang baso ng alak sa kamay niya at mabilis na tinungga iyon. "You okay Pres?"
Umiling ako, "Yeah i'm fine." huminga ako ng malalim, "May napapansin ba kayo kay Maple?"
Napalingon silang lahat sa tanong ko.
"Like what?"
I shrugged. "I don't know."
"I think she's beautifully weird." ani ni Hillary.
"Cute." dagdag ni Unier.
"Sometimes sarcastic but adrobale." Xenon.
"And amazing." ani ni Austin ng nakangiti.
Mariin na ipinikit ko ang mga mata ko sa sobrang inis. "That's not what i meant motherf-ckers."
Kumunot ang noo ni Xenon. "Then what?"
I sighed and mess my hair. "Forget it."
Pinaglaruan ko ang walang laman na baso sa kamay ko habang nagpatuloy naman ang mga kaibigan ko sa ginagawa nila kanina.
"Hey" pagtatawag pansin ko sa kanila. Nilingon naman nila ako at naghihintay sa sasabihin ko. "I'm bored. I want to have some fun."
"So? Wanna go clubing?" Hillary.
Umiling ako. "Gusto kong makipagsuntukan."
"Are you serious? It's already 10 pm dude. Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Xenon.
"Who said i'm going home?" kunot-noong tanong ko. "Dito ako magpapalipas ng gabi."
Nameywang siya sa harap ko. "Sinong nagsabi sayo na papatulugin kita dito?"
"Tsk." inis akong tumayo at inilapag ang basong walang laman sa maliit na mesa "Tara."
"Saan?" nalilitong tanong ni Austin.
"UA." simpleng sagot ko.
Dumiretso ako sa garahe at pumasok sa sasakyan ko, narinig ko din ang pagsara at pagbukas ng backseat. Tumingin ako sa rearview mirror at nakita ang sina Xenon, Austin at Hillary. Inirapan ako ni Xenon habang tumabi naman sakin si Unier. Pinaandar ko ang makina at pinaharurot ang sasakyan.
"Uncle Pres alam mo ba nagtatampo na kami sayo di kana sumasabay samin kumakain." ani ni Austin sa kalagitnaan ng byahe.
I sighed. "I was busy."
YOU ARE READING
Hidden Identity
Mystery / ThrillerA mysterious lady who hide her self from her parents and her real life