Hidden Identity
Dedicated to: Bloody_Mary
Pinahiga ko si Thalia ng maayos sa kama ko pagkatapos naming gamutin ang sugat niya at binihisan. Pinakain ko nadin muna siya at pinatulog dahil halata sa mukha niyang hindi pa siya kumakain. I hate my mom for this pero aaminin kong kasalanan ko din kung bakit nangyayari ang lahat ng to. Pinatay ko ang lampshade at pumasok sa CR. Hinubad ko ang suot kong damit leaving only my black high waist panty and a bra. Tinitigan ko ang mukha ko sa salamin at ginamot ang sugat sa pisngi ko na nasuntok ni mommy kanina. Naghilamos lang ako at lumabas na not minding if i walk half naked around my apartment.
When i reached the sala, i smirked when i saw Chizka and Phoebe only wearing their bra and panty. Naglatag ng mattress foam si Phoebe sa sahig habang nakaupo naman si Chizka sa sofa, umiinom ng gatas. Nang malatag na ni Phoebe ang mattress ay agad akong humilata doon. Napa aray ako ng isa-isa niyang itinapon sakin ang mga unan.
"Problema mo?" iritang tanong ko sa kanya.
"What?" inosenteng tanong niya. "I was just throwing off the pillows."
Napailing nalang ako sa kaabnoyan niya. Naramdaman kong lumubog ang mattress. Ipinalibot ni Chizka ang paa niya sa bewang ko at niyakap ako ng mahigpit. Nilingon ko siya at napangiti ng konti. Baby talaga amp.
"Are we going to school tomorrow?" tanong niya at humikab.
Nagkibit-balikat naman ako at nilingon si Phoebe na nagsusuklay ng buhok. "Anong oras na Phoebe?"
"2 a.m." aniya.
"Hindi tayo papasok bukas?"
"Siguro? Ayaw kong pumasok. My body is frigging tired." aniya at naglakad papalapit samin. "And by the way i already called mom and dad and told them na ligtas si Thalia. I told her na tayo ang nagligtas sa kanya. I didn't tell her where we are staying though. Baka magalit yun."
"Is tita Ezbeth mad at me?" nag-aalalang tanong ko.
"No, why would you think that?" nakapapameywang na tanong niya.
Nagkibit-balikat ako. "Dahil ako ang rason kung bakt labis na naghihirap si Thalia sa kamay ni mommy."
"Hey A my mom understands where you're coming from completely. She's not mad at you she's mad at your mom so please wag kanang mag isip ng ganyan kundi kakatayin kita ng buhay bruha ka."
Tumango nalang ako para hindi na siya magalit pa.
"Pwede bang hindi na tayo pumasok bukas?" she asked while wiggling her brows.
"Sure." wala sa sariling saad ko.
"Yeheeey!" tili ni Chizka.
She jumped in the mattress at humiga siya sa kanan ko at ginaya ang position ni Chizka. Ipinalibot niya din ang paa niya sa bewang ko at niyakap ako. Nagpakawala ako ng malalim na hininga dahil naiinitan ako idagdag mo pang napapagitnaan nila ako at nakayakap sila sa akin.
"Umayos nga kayo ng higa." naiiritang saad ko.
"No no." sabay nilang bigkas.
Hinayaan ko nalang sila sa ganung posisyon at pinikit ang mga mata ko. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nanatiling nakapikit ngunit hindi padin ako dinadalaw ng antok.
Naglalakbay ang isip ko kay mommy at sa mga sinabi niya kanina. I didn't know that they have a lot of enemies. Wala akong kaalam-alam kundi ipinagdamot nila sa akin ang kalayaan. I never planned any of this. Ang gusto ko lang pagtakpan ako ni Thalia kina mommy ng wala silang makalap na impormasyon tungkol sakin. I just wanted to be free, do anything i wanted without anyone stopping me. I want to experience going to the biggest university not minding the people around me. I want to go to a mall drinking a cup of coffee without a guard following me. I want to live in a small but peaceful apartment yung kahit anong oras ko gustong mamasyal walang pumipigil sakin then i promised myself that after i finished high school uuwi na ako, uuwi na ako kina mommy dahil ako lang ang nag-iisang anak nila, dahil ako lang ang pwedeng mamahala sa aming kompanya, there's no running away from my true destiny. Dahil yun ang buhay ko, yun ang totoong ako. At itong nagpapasaya sakin temporarya lang. Hindi ito magtatagal. I'm just doing all of this for experience but i didn't regret any of this dahil hindi na ito mauulit pa.
YOU ARE READING
Hidden Identity
Mystery / ThrillerA mysterious lady who hide her self from her parents and her real life