HIDDEN IDENTITY
Dedicated to: imintoyou
Monday ngayon at napagdesisyonan ko ng pumasok dahil nangako nadin ako kay Menezo. Some of my bruises is still visible pero natakpan din naman dahil sa nilagay nila Phoebe sa akin nauna nadin silang pumunta sa paaralan gaya ng nakagawian. I didn't wear my glasses today at naka contact lens lang ako at wig.
Nagpaalam na ako kay Thalia na aalis na ako. Nang makarating ako sa highway ay nakita ko si Menezo na nakasandal sa sasakyan, nakatingala at nakapikit. Bagong gupit siya at sobrang gwapo niyang tingnan sa suot niyang V-neck white tshirt at maong jeans. Naka V-neck din ako at skinny jeans dahil yun ang plano naming dalawa- actually plano niya dahil pwede daw na hindi kami mag uniform since wala naman daw klase dahil busy lang ang lahat para sa high school day.
Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya at ng nasa harapan na niya ako ay hinaplos ko ang pisngi niya. Iminulat ni Menezo ang mata niya, his piercing black eyes met mine at napawaang ng konti ang kanyang bibig. Tumingkayad ako at dinampian siya ng halik sa mga labi. Akmang ilalayo ko na sana ang mukha ko sa kanya ng hapitin niya ang bewang ko at mas pinalalim ang halikan naming dalawa, parang sabik na sabik sa akin. Napapkikit ako ng mariin habang hinahalikan siya pabalik. Siya din ang unang humiwalay at masuyong hinaplos ang pisngi ko.
"I missed you baby." malambing na usal niya.
Hinalikan ko ang tungki ng ilong niya. "I missed you too Menezo."
Dumaan na muna kami ni Menezo sa Drive Thru at bumili ng makakain. Sinusubuan ko siya dahil nag di drive siya. Bago pa kami makarating sa LU ay naubos na niya ang pagkain at ganun din ako.
Hawak-kamay kaming naglakad ni Menezo papasok. All the students eyes was on us at hindi padin maiwasan ng iba na tumingin sa amin at naiinggit. I really can't blame them dahil sobrang gwapo nga naman ni Menezo.
Nang makarating kami sa classroom ay agad kong nabitawan si Menezo dahil sinugod ako ng yakap nina Austin, Hillary, Xenon at Unier. Niyakap ko din sila pabalik ng sobrang higpit hindi inaalintana ang pag aalboroto ni Menezo.
"Mapleleya naman eh! San ka ba galing? Namiss kitaaa!!" ani ni Austin at niyakap ako ng sobrang higpit sa pangalawang pagkakataon.
"Akala namin iniwan mo na kami Maps." nakangusong saad ni Hilary.
"Oo nga tch. Nakakatampo." ani naman ni Xenon.
"Yeah and our guy right there," tinuro ni Unier si Menezo na ngayon ay pinandilatan na silang apat ng tingin. "Is so selfish. Pag katawag ka niya lumalayo siya sa amin para kausapin ka."
"Ganun ba?" natatawang saad ko.
"Oo ang sama Mapleleya!"
"Hi Maple welcome back."
"Hi Maps!"
Napalingon ako kina Phoebe at Chizka na ngayon ay magkahulugang nginitian ako. They hugged me and i hugged them back also.
"Tch feeling close." rinig kong bulong ni Austin ngunit mukhang narinig ni Phoebe.
"Excuse me?" taas ang kilay na binalingan siya ni Phoebe.
"Bakit dadaan ka?"
"Excuse me ako ba ang pinaparinggan mo?!" nangangalating sigaw sa kanya ni Phoebe.
"Hindi hindi yung multo." sarkastikong saad ni Austin.
"Gay!" sigaw sa kanya Phoebe.
"Baka gusto mo lang halikan kita eh." pang-aasar sa kanya ni Aus.
"Yuck never!"
"Ay weh?" nilapitan siya ni Austin at napaatras naman si Phoebe habang nanlalaki ang mga mata.
YOU ARE READING
Hidden Identity
Mystery / ThrillerA mysterious lady who hide her self from her parents and her real life