Chapter 37

50 4 0
                                    

HIDDEN IDENTITY

Dedicated to: lanisabellano

Kahit nanghihina ang tuhod ay pinilit ko ang sarili na humarap kay Maple.

"W-What did you just say?"

"Your father.." suminghap siya ng hangin bago nagpatuloy. "Your father killed your mother."

Tumawa ako ng malakas at nilapitan siya. Ihinarang ko ang braso ko sa magkabilang gilid niya at tinitigan siya ng mariin. "Alam mo ba kung ano ang dinanas namin ni papa ng nawala si mama? Umiiyak siya gabi-gabi, nilulong niya ang sarili sa alak, ni wala na nga siyang oras sa akin dahil busy siya sa kompanya! Ni hindi na niya ako pinag tutuunan ng pansin, nakalimutan na niyang may anak siya." humalakhak ako habang umaagos ang masasaganang luha sa mga mata ko.

"Pinapahanap niya sa akin kung sino ang pumatay kay mama. Nagbabayad siya ng malaking halaga para mahanap kung sino ang pumatay sa kanya tapos sasabihin mo sa akin na siya ang pumatay sa sarili niyang asawa?! Sino ang niloloko mo h-ha?!" nanginig na sinuntok ko ang dingding sa gilid niya ngunit hindi manlang siya natinag. "Nakita ko yung CCTV Map- A! Kung sino ka man! Nakita ko! Nakita sa sariling mga mata ko na ikaw ang pumatay sa kanya!"
Her blue frustrated eyes met mine. "Yes, you saw the CCTV. Alam ko na mayroong CCTV Menezo pero alam ko ding putol iyon dahil binaril ng papa mo ang CCTV bago niya binaril ang mama mo."

"You're lying." mariin na saad ko.

"No. No more lies. No more secrets."

Galit na tinalikuran ko siya.

"How did your mom come home? Because of your dad. Your dad carried her. Hindi ka ba nagtataka na imbes nasa hospital ang mama mo ay nasa bahay niya siya? Sige ilagay natin na pinuruhan ko nga ang mama mo pero makakalakad ba siya ng siya lang mag isa? Hindi Menezo. Hindi."

Nilingon ko siya at pinanliitan ng mata. "Then how did you know na nasa bahay si mama noon ha?! Pinapaikot mo ba ako sa mga salita mo para kamuhian ko ang sarili kong ama?!" i clenched my jaw at bumilis ang paghinga ko.

"No. I followed your dad."

"Baka ikaw ang naglagay kay mama doon dahil noong umuwi ako tandang-tanda ko pa na nagkakape ang papa ko sa kusina!"

"Tapos? Saan ka nun pagkatapos?" tanong niya.

Natigilan naman ako. "N-Nasa kwarto. Natutulog."

"Menezo i was just fifteen that day! Kaya paano ko mabubuhat ang mama mo? Ni hindi ko nga alam kung saan siya nakatira dahil bawal naman ang personal information doon sa UA! Wala akong alam sa kanya kundi siya ang Reyna ng UA! Yun lang! When your mom was shot nakapatay ako Menezo!" nanginginig na saad niya. "Nakapatay ako ng inosenteng tao imbes na yung papa mo dapat ang napatay ko! Nakita kong siya ang bumaril kaya babarilin ko na sana siya." humalakhak siya pero bakas ang lungkot sa mga mata niya. "Ironic right? I tried to kill the killer who killed your mom kahit ako din gusto ko siyang patayin dahil gusto kong makuha ang trono niya."

Mahina akong napaupo sa buhangin at para akong sinasaksak ng kutsilyo sa nalaman. N-No.. Gusto kong sumigaw sa sobrang sakit na nararamdaman ngunit parang hindi ako makasigaw. Sinubukan ni Maple na lumapit sa akin ngunit pinahinto ko siya.

"S-Stop." pigil ko sa kanya habang napupuno na ang pisngi ko sa mga luha. "I want to be alone. Please leave me alone." mahinang saad ko.

Tumango naman siya at bago umalis ay hinalikan niya ako ng mariin sa noo. Tumayo ako at pinagsusuntok ang pader na nasa harapan ko.

"Ahh! Fuck this life! Fuck fuck fuck! Fuck!"

"Pres tama na."

"Tama nayan."

Hidden IdentityWhere stories live. Discover now