HIDDEN IDENTITY
Ilang minuto na muna kaming namalagi nina Chizka at Phoebe sa CR ng mapagpasyahan naming lumabas na. Hinayaan lang naman sina Zeus sa CR. As of now wala akong pakialam sa kanila dahil mas iniisip ko ngayon ang kalagayan ni Thalia. Bumalik kami sa gazeboo at umacting na parang walang nangyari. Ayokong malaman nila na umiiyak ako.
Hindi ko alam kung napansin nila ang pananahimik ko but i couldn't care less. Buong maghapon ay lutang ako, nag-iisip kung ano ba talaga ang dapat na gawin ko. Natatakot ako hindi para sa sarili ko ngunit para kay Thalia, she's like a sister to me and i know how dangerous mother can be.
"Hey." pagtatawag sakin ni Menezo ng makitang nagmamadali akong naglakad palabas ng classroom. Huminto ako sa paglalakad at nilingon siya.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya.
Tumango naman ako at ngumiti ng tipid, "I'm fine."
Dahan-dahan din siyang tumango tinatansya kung nagsasabi ba ako ng totoo. "Ihahatid na kita." anito.
"No, it's okay. Ayos lang ako."
"No. Ihahatid kita."
Tiningnan ko si Chizka at Phoebe na mataman na nakatingin sakin. Tinanguan nila ako kaya wala akong nagawa kundi pumayag sa gusto ni Menezo. Tahimik naming tinahak ang daan papuntang parking lot at hindi maiiwasan ang mga mapanuring tingin ng mga estudyante ngunit hindi ko analang inalintana.
Buong biyahe ay wala akong ginawa kundi pumikit at nag-isip. Mabuti din at nakikisama si Menezo mukhang nahahalata niyang wala ako sa mood. Dinilat ko lang ang mga mata ko ng maramdaman ko na huminto na kami, inilibot ko ang paningin sa paligid at nakitang huminto siya sa kung saan ko siya pinahinto noon. Mas mabuti ng hindi niya alam kung saan ako tumutuloy talaga. Akmang lalabas na ako ng sasakyan ng bigla niya akong hawakan sa braso at pinaharap sa kanya.
"Maple," aniya sa malambing na boses. "I'm worried. Are you really okay?"
I cupped his face na ikinagulat niya, "I'm fine." i offered a smile na nakapagtulala sa kanya. Sinamantala ko ang pagkakataon nayun para makalabas at pumunta sa gilid ng mga bahay-bahay para mawala sa paningin niya.
Nang makarating ako sa apartment ay agad kong nilock ang pinto at mabilis na nagpalit ng damit. I wore my usual black skinny jeans, black v neck tank tops and a black leather jacket. I also wore my black boots dahil ito lang ang komportable para sakin. Tinulak ko ang sofa ko at binuksan ang black na briefcase na nakatago sa ilalim nito. Pinasadahan ko ang kamay ko sa mga armas at napangisi.
Kinuha ko ang dalawang push dagger ko at itinago sa boots ko. Pinaglaruan ko naman ang fairbairn-sykes knife sa kaliwang kamay ko bago ko ito inipit sa likod ng jeans ko at inayos ko ang leather jacket para matabunan ito.
I bowed down to get my glock 17 gun. I only get 15 rounds with these precious baby. Inipit ko din sa likod ng jeans ang baril ko at huminga ng malalim. I heard my window creaked kaya pinakiramdaman ko ang paligid ko. I heard footsteps coming towards me kaya gumulong na ako sa sahig at mabilis na kinuha ang baril sa likod ko at mabilis na itinutok ito sa kung sino.
"Woah A chill."
I rolled my eyes at stood up. Pinandilatan ko ng mata si Chizka at inismiran naman ang natatawang si Phoebe. Ibinalik ko ang baril sa likod ng pantalon ko at lumapit sa kabinet at kinuha ang walang laman na box at inilapag ito sa lamesa.
"What are you two doing here?" i asked while removing my wig exposing my scarlett red hair.
"We're coming with you. We know you already A." sagot ni Phoebe sa tanong ko.
YOU ARE READING
Hidden Identity
Mystery / ThrillerA mysterious lady who hide her self from her parents and her real life