Chapter 15

57 2 0
                                    

Hidden Identity

"Tiara." sambit ko ulit sa pangalan niya ngunit nanatili lang na nakawaang ang bibig niya at mahigpit na hinawakan ang wig ko.

Patuloy parin si Preston sa pagkatok at sa pagtawag sa pangalan ko. "Maple? Papasok ako ah?"

Sa wakas ay nahanap ko narin ang boses ko. "Ayos lang ako Menezo. May ginagawa lang." ani ko habang nakatitig parin kay Tiara na hindi makapaniwala sa nakita.

"Are you sure?"

"Yes."

"Dalian mo. Hihintayin kita dito sa labas magsisimula na ang klase." tumango ako kahit hindi niya ako makikita.

"Tiara give me that." ani ko sa mahinang boses at inilahad ko ang kamay ko harapan niya.

"N-No! P-Prest-" bago pa siya tuluyang sumigaw ay mabilis ang naging kilos ko na lumapit sa kanya at tinakpan ang bibig niya gamit ang kaliwang kamay ko at ang kanang kamay ko naman ang ginamit ko para makuha ang wig.

"Subukan mong magsalita sa kahit na sino sa nakita mo sisiguraduhin kong pag nagkita tayo hindi na kita papakawalan pa ng buhay. Naiintindihan mo?" ani ko sa malamig na boses.

Nagpupumiglas siya pero hindi ko parin siya pinapakawalan. Isinuot ko ang wig ko gamit ang kanang kamay pagkatapos ay kinuha ko ang maliit na kutsilyo na nakaipit sa palda ko. Pinaikot ko ito sa aking kamay at hiniwa ng maliit ang kanyang leeg. Napasigaw siya sa sakit ngunit nasisigurado kong walang nakakarinig sa kanya dahil tinakpan ko ang kanyang bibig. "Kaya kong pumatay ng tao Tiara kaya kung ayaw mong mamatay manahimik ka." ani ko bago siya nawalan ng malay.

"Maple?" narinig ko ulit ang pagtawag ni Preston sakin."

"Sandali lang." ani ko at binuhat na parang sako si Tiara at ipinasok sa isang cubicle at pinaupo sa isang bowl. Napalunok ako habang nakatitig sa kanya. Tiara i hope you won't tell anyone what you just saw, because i will have no choice but to kill you and i don't want to kill anyone...again.

Isinarado ko ang cubicle pero hindi ko ini-lock. Pumunta ako ng lababo at hinugasan ang kamay at kutsilyo ko bago ito inipit sa palda ko. Tumingin ako sa salamin at kinuha ang wig ko kaya bumagsak ang kulay pula na buhok ko.

at lumabas na ng CR. Bumungad sakin ang nag-aalalang si Preston. "Are you okay?"

Tumango ako. "Tara na."

Lumingon pa muna siya sa loob ng CR bago bumaling sakin. "Tara."

"San ka galing?" tanong ko dito.

"Nakipag lunch ako kay daddy. Sa mall."

"Nakipag lunch ba talaga o iniiwasan moko?" malamig na tanong ko dito.

"Nakipag lunch talaga ako. And what makes you think na iniiwasan kita?" nilingon niya ako ngunit nanatili ang paningin ko sa daan.

"Halata naman. Ilang days kanang nakipag lunch sa daddy mo? Ano yun girlfriend mo? Palaging lumalabas ganun? Eh palagi ka naman sa canteen noon ngayon kalang naman nagkaganyan simula nung sumasama na ako sa inyo. It's like you don't want to be with me or something. Magsabi ka nalang kung ayaw mo sakin, ako na ang iiwas sa inyo hindi yung ganito."

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na bahagya siyang natigilan. Muntik ko na ngang mabatukan ang sarili ko sa mga pinagsasabi ko. Heck, what am i even saying? I snorted at nagpatuloy lang sa paglalakad ngunit hinila niya ang papulsuhan ko at pinasandal sa dibdib niya. My heart is beating eratically at hindi ako makahinga ng maayos. Ginanito na niya ako noon and hell ganitong-ganito din ang nararamdaman ko. I feel uncomfortable, para akong napapaso.

Hidden IdentityWhere stories live. Discover now