Chapter 12

63 6 0
                                    

HIDDEN IDENTITY

Buong maghapon ay nag-asaran at nagtawanan lang sina Austin, nakikisabay din ako pero minsan lang, minsan naman ay ngumingiti lang ako ng tipid. Sa katunayan nga mas nakakatawa pa ang tawa ni Austin kesa sa mga jokes at banat niya.

Nasa kotse ako ngayon ni Preston, ihahatid niya ako sa bahay. Kanina pa sila nagtatalo ni Austin kung sino ang maghahatid sakin at siya ang nagwagi. I told them that i can go home by myself pero ayaw nila akong payagan baka mapahamak na naman daw ako. Yeah, right.

Walang imik kaming dalawa ni Preston sa kotse. Nakatuon lang ang atensyon niya sa daan at ganun din ako. Walang nagbalak na bumasag sa katahimikan.

Nang makita kong malapit na kami sa bahay ay pinahinto ko na si Preston. Kunot ang noong hininto niya ang sasakyan.

"Bakit?" tanong niya.

"Dito nako. Nasa unahan lang naman ang bahay namin kaya ko namang maglakad. Uwi kana." ani ko at kinalas ang seatbelt at lumabas ng sasakyan niya. Hindi pa ako nakakalayo sa kanya ng marinig ko ang pagbukas at sara ng kotse. Naikot ko ang mata ko sa sobrang inis.

"Maple!" sigaw niya. Pumihit ako paharap sa kanya at tiningnan lang siya, naghihintay sa sasabihin niya.

Hindi siya sumagot at lumapit lang siya sakin, "Ihahatid na kita," aniya ng makalapit sakin.

"Fine." sagot ko. "Pero pwede mo bang kunin yung jacket mo sa sasakyan mo? Nilalamig ako."

"Sure. Hintayin moko dito." nakangiting aniya at naglakad pabalik sa kotse niya, dahan dahan naman akong naglakad paatras, sinigurado kong wala akong nilikhang ingay. Pumihit na ako patalikod at malakas na tumakbo bago pa siya makalingon sakin. I can't afoord anyone to know where i live except for my best friends.

Nang makapasok ako sa bahay ay agad akong nagtungo sa banyo at naligo. Pumikit ako habang dinadama ang tubig na dumadalay saking katawan. Mag dadalawang oras na akong naligo ng mapagpasyahan kong tumigil na at magpahinga hindi na ako kumain dahil kumain nadin naman kami kanina bago nila ako ihatid dito.

I hugged my pillow tightly at napangiti. I admit i had fun with them the whole day. They were fun to be with and it's hard for me to stop myself from smiling. Hindi ako naging komportable habang nakakasalamuha sila noon pero nagbago na ngayon. I actually feel comfortable with their company. At ito ang kinakatakutan ko. Ilang minuto pa akong nagmumuni-muni gaya ng ginagawa ko gab-gabi bago ako dinalaw ng antok.

MASAYA akong nagluto ng agahan dahil wala na akong lagnat. I cooked adobo, my specialty. Madami din ang naluto ko kaya ang sobra ay nilagay ko sa tupperware para ito nalang ang kakainin ko mamayang lunch. Maaga akong nagising na nagawa ko pang naglinis ng buong apartment ko bago umalis.

Gaya ng nakagawian ay naglakad lang ako hanggang sa makarating sa highway pero bago pa ako makaabot dun ay may nakita na akong dalawang magagarang kotse. Agad akong napatago sa isang puno ng makitang ang isang sasakyan nayun ay kay Preston. Sumilip ako ng konti at nakita si Xenon at Austin na naglalaro habang nagtatawanan. Nag-uusap naman sina Unier, Hillary at Preston. What the heck are they doing here?

Abala sila sa kanya-kanyang ginagawa kaya naging madali para sakin ang bumalik sa apartment. Nahilot ko ang sentido ko at pumunta sa likod ng apartment. Kinuha ko ang malaking tela na nakatabon sa Yamaha YZF- R3 ko. Napapikit ako. I promised myself that i will only ride this baby pagmakauwi na ako pero wala akong choice.

You do have a choice pwede ka namang magpatuloy sa paglalakad pero parang iniiwasan mo sina Preston, anang isang bahagi ng utak ko.

Dinilat ko ang mga mata ko at sumakay na sa motorsiklo ko, isinuot ang helmet ko at pinaharurot ito. Dumaan ako sa isang daan na minsan ko lang tinatahak dahil masyadong malayo at walang katao-tao. It took me almost an hour bago makarating sa skwelahan. Ipinark ko ang motorsiklo ko sa pinakamadilim na bahagi ng parking lot para walang makakita. Inayos ko na muna ang eyeglasses ko at tumingin sa paligid bago ako tumakbo ng mabilis.

Hidden IdentityWhere stories live. Discover now