HIDDEN IDENTITY
Dedicated to: TriciaCerillo
"No!" natatawang saad ni Thalia pero ramdam ko ang galit sa boses niya.
"D, i have to." mahinhing saad ko at pinagkrus ang paa ko. Nakaupo ako ngayon sa sofa at aalis na sana para pumunta ng arena ng pigilan nila akong tatlo nina Chizka at Phoebe. I'm already wearing my usual attire at handang-handa na talaga akong umalis ngunit hindi ako makakatakas sa tatlong to. Nung mga nakaraang linggo pinilit ko na silang bumalik sa kaniya-kaniyang bahay ngunit ayaw daw nila dahil mas gusto nilang manirahan sa apartment ko, kasama ako.
"Hindi ka nga pwedeng pumunta!" sigaw niya.
"Thalia, calm down." seryosong saad ni Chizka at tumingin sa akin. "A, you can't. You are gonna get yourself killed."
"I have to. I have to take the risk."
"Oh come on." bakas na ang inis sa boses at mukha ni Phoebe. "You think you can't handle them?! You vs. them with weapons?!"
"I guess. I handled Helius men kahit bente sila Phaux Org. pa kaya?" sarkastikong saad ko.
"Oo, tapos yung taong mahal mo nasa Phuax Organization din." sarkastikong pagbabanat din ni Thalia. Natahimik naman ako sa sinabi niya. "Don't fool us Maple, when it comes to the people you love you become weak. So don't act as if you can handle them. They are also your friend." mariin na saad niya. Mas lalo akong hindi makapagsalita dahil tama siya, hindi ko nga sila kayang labanan lalo na si Menezo dahil mahal ko siya, mahal na mahal.
Napabuntong-hininga ako at tumingala. Naiinis ako sa nangyayari dahil hindi ko alam ang gagawin ko. "I'll be fine." pabulong na saad ko. "They only have 30 minutes to kill me and if they can't kill me within that 30 minutes edi ayos. Hindi ko sila papatulan. Iilag lang ako ganun."
"Anything can happen in that 30 minutes A!" sigaw na naman ni Thalia. "Magbihis na kayo Chizka at Phoebe sasama tayo sa babaeng yan. Alam ko kung gaano katigas ang ulo niyan." dagdag niya.
Napapikit ako ng mariin. I don't want to drag them in my mess. Desisyon ko ang umalis ng UA when in fact i should have not joined in the first place. Ilang minuto lang akong nakatunganga sa sofa ng maramdaman kong may tumapik sa balikat ko. Iminulat ko ang mata ko at umayos ng upo ng makita ang mukha ni Thalia. She's wearing her usual outfit kagaya ng sakin, pati din sina Chizka at Phoebe pero hindi nakalugay ang buhok nilang dalawa, naka ponytail ito at naka maskara silang dalawa, napansin ko ding pareho silang nakasuot ng contact lens.
"Tara na." malamig na saad ni Thalia at naunang lumabas sa likod ng bahay, napabuntong-hiningang sumunod naman ako. Pumasok ako sa passenger seat at si Thalia naman sa driver's seat. Ang dalawa naman ay nasa likod namin.
Hindi kami nag-iimikan sa loob ng kotse. Ramdam kong ayaw nila akong kausapin dahil naiinis sila sa akin. Alam ko yun at naiintindihan ko sila ngunit kailangan kong gawin to. Gusto ko ng lumabas ng UA para maging matiwasay ang buhay ko at para malaman kong ano ba ang ginawa ko kay Menezo at sa Phaux Organization para hamunin nila ako sa Deadly Battle. Hindi biro ang labanan nito at alam kong may dahilan kung bat nila ako hinahamon at yun ang gusto kong malaman.
Why would they want to kill me if wala akong atraso diba? As i have observe hindi sila yung tipong taong papatay nalang bigla sa taong wala namang atraso sa kanila. Hindi ko alam pero bigla nalang akong kinabahan. Hindi ko alam kung ano ang atraso ko sa kanilang lima? O baka naman gusto lang nila akong pababain sa rank 1 sa 26 Vigorous? Sana yun lang dahil mas matatanggap ko pa.
"We're here." napabalik ako sa ulirat ng magsalita si Thalia. Tumingin ako sa gate ng UA at huminga ng malalim.
Nilingon ko si Thalia at ngumiti ng pilit. "Thanks, D." pabulong na saad ko.
YOU ARE READING
Hidden Identity
Mystery / ThrillerA mysterious lady who hide her self from her parents and her real life