Chapter 20

55 4 0
                                    

HIDDEN IDENTITY

Napabitaw lang si Preston sakin ng biglang pumasok si Mr. Marino. Agad kaming tumayo para batiin siya, tinanguan niya lang kami at pinaupo.

"Everyone you have a new classmates." anito na nagpakunot ng noo ko, yung mga kaklase ko naman ay nag bubulong-bulungan. Nanlaki ang mga mata ko ng pumasok si Phoebe at si Chizka sa classroom.

"Lolo Unier your wife is here." mahinang bulong ni Austin kay Unier na narinig ko naman. Hindi sumagot si Unier, nanatili lang ang titig niya sa asawa niya.

"Introduce yourselves." ani ni Sir.

Unang nagpakilala si Phoebe. "Hey everyone i'm Phoebe Jane Sandoval. You can call me Phoebe." anito at ngumiti.

"Hey everyone i'm Chizka Faye Royo-Yam but you can call me Siska." aniya at binalingan si Sir Marino. "San po kami uupo sir?"

"Nagpalagay na ako ng upuan sa likod ni Mr. Menezo at Miss Higim doon kayo umupo." tumango silang dalawa at napalingon sa akin. I looked at Chizka confused ngunit binigyan niya lang ako ng magkahulugang tingin. Nilingon ko naman si Phoebe ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay. What is wrong with these two?!

Dumiretso si Phoebe sa likuran ko at si Chizka naman ay kinausap si Austin.

"Hi Aus, can i sit beside my husband?" bulong ni Chizka dito.

"Sure Lola Cheesecake." ani ni Austin at pumunta sa likuran ni Menezo.

Sumandal si Chizka sa balikat ni Unier at hinahaplos naman ni Unier ang pisngi ni Chizka habang nakikinig sa discussion ni Sir Marino.

Napalingon ako kay Preston ng bigla din itong sumandal sa balikat ko at hinawakan ang kamay ko. Tss, inggetero.

Kahit anong pilit ko na makinig kay Sir Marino ay hindi ko magawa sa sobrang ingay nina Phoebe at Austin.

"Ang sungit sungit mo."

"It's because i don't like talking to you." maarteng saad ni Phoebe na muntik ko ng ikatawa.

"Geuloehge nappeugo, nappeuda." ani ni Austin na hindi ko naman naiintindihan.

"What?!" inis na ani ni Phoebe.

"Wala!" sigaw ni Austin.

"You schmuck. What the heck did you say?!" gigil na saad ni Phoebe.

Napatingin na kami sa kanilang dalawa, pati nadin si Sir.

"Hey stop making a scene Pebs." ani ni Chizka.

"Austin, anong ginawa mo?" tanong ni Preston at tumayo. Napatayo nadin sina Hillary, Xenon, Chizka, Unier pati nadin ako.

"I didn't do anything Uncle Pres." iritadong saad ni Austin. Ngayon ko lang siya nakitang ganito ka iritado.

"Yes you did!" sigaw ni Phoebe.

"Wala naman ah!" sigaw din ni Austin.

"Stop it you two." pigil sa kanila ni Xenon.

"Kayong walo." napatingin kami kay Sir Marino na ngayon ay naggigigil na tinuro kami. "Wag kayong disturbo sa klase ko. Out!" tinuro niya yung pinto.

Naglakad na silang pito papuntang pinto ngunit nanatili akong nakatayo. "Kasama ho ako?" tanong ko kay Sir.

"Malamang Miss Higim! Labas!"

"Sir hindi naman ako kasali." angal ko.

"Labas!" galit na talagang sigaw niya. Napabuntong-hininga nalang ako at sumunod sa kanila. Iling-iling na lumapit si Preston sakin at inakbayan ako. "Baliw ka Maple mas ginagalit mo si panot."

Hidden IdentityWhere stories live. Discover now