Chapter 5

78 4 0
                                    

Hidden Identity

Biyernes ngayon at wala talaga akong ganang pumasok dahil kapag makita ko yung mga taong bumugbog sakin at si Preston baka mapatay ko sila but i have to control my temper, i should control my temper.

My whole body aches but i'm used to this kind of pain. I love this kind of pain. I lived my life feeling this pain.

Agad akong naligo at kumain. Tinakpan ko ang ilang sugat ko ngunit halata parin yung iba. I looked at the mirror and stared at my face. I was really looking forward not seeing a single damn laceration on my face until this school year ends. Lahat ng mga plano ko ay hindi gumagana. I even stopped entering the arena a few weeks ago dahil ayoko na ng gulo kahit nangangati ang kamay ko makipag bakbakan ngunit mukhang babalik na naman ako. I admit that i really missed kicking people's asses but a part of me wants to stop and just go on with my stupid life, but i'm not that kind of a girl. Alam kong hindi ako matatahimik kapag hindi ako nakakapaghiganti. Damn these stupid people who keep bothering and annoying the hell out of me.

Sinuklay ko ang buok ko gamit ang aking palad at pinagkatitigan na naman ang sarili ko. I want to be happy, i want to be normal kahit  isang taon lang, kahit ngayong taon lang sana ngunit hindi nila ako binigyan ng pagkakataon. Pinagdamot talaga sa akin ang pagkakataon nayun.

Huminga ako ng malalim at nag-iwas ng tingin. Kinuha ko ang mga gamit ko at nagtungo na sa paaralan.

Bawat hakbang ko sa pasilyo ay nadidinig ko ang mga bulong-bulungan ng mga tao.

"Anong nangyari sa kanya?"

"Yeah she looks like shit"

"Ayan kasi eh"

"Sinabi na sa kanyang umalis na siya sa paaralang to pero ayaw parin."

"Tsk. Naaawa ako ng slight sa kanya."

"Ako din."

"Tatanga-tanga din kasi eh."

"Akala ko pa naman matalino yan."

"Sobrang weak niya pa naman."

"Gangster kasi ang Phraux Org. eh malamang kawawa talaga siya.

"Hindi niya kasi alam kung sino ang binabangga niya. Nerd lang kasi eh."

"Pangit na nga mas lalo pang pumangit."

Napabuntong-hininga nalang ako at palihim na inikot ang mga mata ko.
Shut up dimwits.

Lumiko ako para pupunta sana ng CR ng magtagpo ang mga mata namin ni Preston. He stopped on his track at kunot-noong nakatitig sakin. Agad na gumapang ang galit sa sistema ko ngunit blangko ang tingin na nakipagtitigan ako sa kanya.

We stared at each other for a couple of minutes pero ako din ang unang nagbawi ng tingin. Akmang lalampasan ko na sana siya ng bigla niyang hinigit ang pulsuhan ko.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng makitang ilang dangkal lang ang layo ng mga mukha namin. Pinilit kong kumawala sa mga bisig niya ngunit nanghina ako, hindi ko alam kung bakit.

"What?" i asked him coldly.

Gamit ang libreng kamay niya ay hinaplos niya ang pisngi ko na may sugat, "Who did this to you?" he asked softly.

Mariin na tinitigan ko siya. "You did."

Tinitigan niya din ako at nahugot ko ang hininga ko ng makitang umaapoy sa galit ang mga mata niya.

Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa braso ko. Tss, siya pa talaga ang may ganang magalit? Bakit? Dahil parang okay lang akong tingnan?

Hidden IdentityWhere stories live. Discover now