Hidden Identity
Chapter 3WEEKS passed and my life was already a living hell. Para akong pinaparusahan ni Satanas sa impyerno. Si Preston ang satanas ng buhay ko at itong paaralan naman ang impyerno. Kahit saang sulok ako sa paaralan magpunta palaging may masamang nangyayari. Kagaya nalang nung nakaraan.
Nilagyan nila ng mga daga ang locker ko. Tinapon nila ang mga gamit ko. Sinunog ang mga damit ko. Yung bag ko tuloy hindi ko maiwan-iwan ng basta-basta.
Mas dumadami narin ang nang bubully sakin ngayon hindi kagaya noon na nabibilang ko lang.
This is my last year in Leur University and i want to create memorable memories pero parang malabo ng mangyari dahil sa sitwasyon ko ngayon. Nakakainis pero wala akong magawa.
Sa kasalukuyan wala naman talaga akong kasalanan. I just told Unier the freaking truth. Talaga namang lalala ang sitwasyon ko dahil tinulungan ako ng isang miyembro ng PO. Pero kingina parang mas malala yata to. Maliit na bagay lang naman yun pero pinalaki talaga. I think Preston Kaizer Menezo is freaking immature for doing such things. Mas lalo niya pa talaga akong pinapahirapan dahil hindi ako umiimik sa mga pinaggagawa niya. Halatang inis na inis na si kupal dahil tanging tango at yuko lang ang ginagawa ko na para sa iba "loser" na ang ganun.
Kasalukuyan akong nakaupo sa ilalim ng punong Acacia habang tinatanaw ang soccer field. Masarap ang simoy ng hangin na tumatama sa aking balat. Mabuti naman at wala pang nanggugulo sakin ngayon dahil lunch time pa. Ilang araw nadin akong hindi kumakain ng pananghalian at kahit break time. Tinitiis ko ang gutom dahil ayokong pumunta ng canteen. Wala din akong oras kumain dahil nauudlot lang naman dahil sa pinanggagawa nila sa akin. Kaya sa uwian nalang ako kumakain.
I yawned and shut my eyes. I want to sleep for awhile.
NAALIMPUNGAN ako sa sikat ng araw na tumatama sa aking balat. Tumingin ako sa wristwatch ko at nakitang ala una beinta na. Mahigit isang oras din akong nakatulog. Buti nalang 2:30 pa ang klase namin.
Humikab ako at akmang tatayo na ng may makita akong putol na mga buhok.
No. No. No. This can't be happening!!
Hinawakan ko ang buhok ko at agad na nagtubig ang mga mata ko dahil hanggang tenga nalang ang buhok ko.
Kagat labi at nanginginig na kinuha ko ang maliit na salamin ko sa bag atsaka tinitigan ang mukha ko. Mahigpit akong napakapit sa salamin ng makita ang buhok ko. D-damn it mukha akong si Dora. May maliliit na bangs pa talaga. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko.
F-ck you Menezo pasalamat ka talaga at wig lang to. I can't fucking imagine kung yung totoong buhok ko na ang maputol. Baka makapatay pa ako.
Sinuklayan ko ang buhok ko gamit ang mga darili ko at tumayo. Baka malate pa ako sa last period ko mahirap na.
Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng marinig ang malulutong na tawanan at bulungan ng mga tao.
"Look at her."
"Kapatid ni Dora?"
"Pfft bwahahahaha"
"Pa OA kasi ayan tuloy hahahaha"
"Mukha siyang basahan"
"Pangit na nga mas lalo pang pumangit hahahaha"
"Baka next time kalbo nayan hahahahaha"
"Fuck nakakatawa talaga siya hahahaha"
"Oyy shhh baka umiyak hahahaha"
"Ayan ang napapala ng mga walang kwenta hahahaha"
YOU ARE READING
Hidden Identity
Mistero / ThrillerA mysterious lady who hide her self from her parents and her real life