HIDDEN IDENTITY
Dedicated to: AzialgBsyaa
"Anong nangyari diyan sa kaibigan niyo?" dinig kong tanong ni Xenon kina Austin. Hindi ko nalang sila pinansin at nanatili lang na nakapikit.
"Hayaan niyo na muna yan." dama ko ang kaseryusuhan sa tinig ni Hillary.
Angel de la Muerte. Naglalaro ang pangalan niya sa isipan ko. How the fuck did a fifteen year old kill my mother? Ano bang atraso ng ina ko sa kanya? How did she kill my mother at a young age? Napanood ko siya sa bakbakan at aaminin kong sobrang hirap niyang kalabanin, sobrang hirap niyang patumbahin. Kahit maliit siya sobrang nakakatakot niyang tingnan. Unang tingin ko palang sa kanya alam ko ng may ibubuga siya. Angel of Death. Dumilat ako at tumawa ng malakas.
"Wala na finish na nababaliw na talaga si Uncle Pres."
"Her name suits her perfectly." natatawang saad ko pero kalaunan ay kumuyom ang kamao ko. "Angel of death huh? That motherf-cking angel of death." tagis ang bagang na saad ko.
"Si A? Yung astig at cool? Bakit anong meron sa kanya?" usisa ni Austin.
"She killed my mom." malamig na saad ko. Anger spread through me. Kahit matagal nayun sariwa parin ang sugat, hindi ako mapapanatag pag hindi ko napapatay ang pumatay sa mama ko. She will pay for this. I'll make sure of that.
MAKULIMLIM ang langit at batid kong uulan ng malakas mamaya buti nalang at nakadala ako ng jacket. Yumuko ako at sinisipa ang mga bato habang nakasandal sa sasakyan ko. Gaya ng ng dati ay hinihintay ko ang pagdating ni Maple. Nag-iisip kung paano ako makahiganti kay A. Yeah that b-tch was cool but i will never ever forgive that person for killing my mom.
"Hoy." napalingon ako kay Maple na nakatayo na pala sa harapan ko. Hindi ko namalayan ang pagdating niya. Ang nakakunot na noo ko kanina at ang galit ay biglang nawala ng makita ko ang mukha niya. I stared at her face for a moment. Damn this girl can lighten up my mood.
Walang sabi-sabi na hinila ko siya at niyakap ng mahigpit. Napapikit ako ng yakapin niya ako pabalik. Damn a hug, just a hug from her nakakalimutan ko na problema ko. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kanya at binaon ang mukha ko sa leeg niya.
"Are you okay?" she asked while chuckling.
Tumango naman ako na parang bata. "Yes mommy." natatawang saad ko.
"Sira. Do you want to skip class today?" tanong niya.
"Why? Saan naman tayo pupunta?" tanong ko habang nakayakap padin sa kanya. "I thought ayaw na ayaw mong mag skip ng klase? Nung na hospital ka nga gustong-gusto mo ng pumasok kahit nilalagnat ka nun ng sobra. Kaya bat tayo mag si-skip ngayon?"
"Kasi," kumalas siya sa pagkakayakap sakin at pinisil ang pisngi ko, gaya ng ginagawa ko sa kanya. "I di-date kita."
"I di-date kita."
"I di-date kita."
"I di-date kita."
"Ha?" sakto ba yung pagkadinig ko? Idi-date niya ako? "Pakiulit."
"Idi-date kita. Ayaw mo ba?" namumulang saad niya.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at umiwas ng tingin. Pumikit ako ng mariin dahil may tumutulak na naman sa akin na halikan siya.
"Hoy ayaw mo ba?" napaitad ako ng hawakan niya ang pisngi ko. Dumilat ako at lumayo sa kanya.
"Anong problema mo?" kunot-noong tanong niya.
I eyed her intently and my eyes dropped on her lips. "I want to kiss you again." ani ko at tiningnan siya ulit sa mga mata. Kita ko ang panlalaki nito at pamumula niya. We just stared at each other for a minute. Nahugot ko ang hininga ko ng dahan-dahan siyang lumapit sakin.
YOU ARE READING
Hidden Identity
Mystère / ThrillerA mysterious lady who hide her self from her parents and her real life