Hidden Identity
Pinaikot ko ang ballpen sa kaliwang kamay ko. Naboboringan ako sa discussion ni Sir Marino. It's the first day of school pero nagdidiscuss na. What a good day to start.
Kanina pa dada ng dada si Sir Marino pero wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya. Pag pasok niya kanina tiningnan niya lang kami ng no-need-to-introduce-yourselves-dahil-magkakakilala-na-kayong-lahat-look Ang iba pa nga ay nadismaya.
Napabuntong-hininga ako at inilibot nalang ang paningin sa silid-aralan. May iilang pamilyar ang mukha, yung iba naman ay ngayon ko lang nakita.
Kinse lang kami sa classroom at may limang bakanteng upuan. Tatlo sa kanan ko at dalawa naman sa harapan ko. Nasa pinakadulong upuan ako at halatang umiiwas tong mga kaklase ko sakin na para bang meron akong nakakahawang sakit. I snorted. As if i care if they don't want to sit near or beside me. It's not a big deal alright.
Yumuko ako at nag sketch nalang sa notebook ko ng bigla nalang kumalabog ang pinto. Biglang napahiyaw ang mga kaklase ko sa pagkakagulat pero agad na napalitan iyon ng kilig sabay bulong-bulongan.
Puno ng kuryosidad na nag-angat ako ng tingin at tiningnan kung sino ang lumikha ng ingay. Bahagyang tumaas ang gilid ng labi ko nang makita kung sino ang mga ito. Great. Just great.
"Hi, sorry sir we're late." ani nung lalaking kulay abo ang buhok, ngumiti pa ito na ikinatili ng mga kakabaihan. Seriously?
"Class keep quite!" agad namang nagsitahimik ang mga kaklase ko. "You! You! You! You! And you!" turo ni sir Marino dun sa lima. "Introduce yourselves!" unfair neto pinag introduce sila tas kami hindi? Iba ka talaga panot.
Nagsalute yung lalaking kulay itim ang buhok na ikinatawa ng karamiha. "Sir yes sir!"
Siya ang pinakaunang pumunta sa gitna. He has a chinky eyes and a pointed nose. He also has a kissable lips. Exactly my type minus the childish attitude.
"Heyo ladies and gentlemen! I'm Austin Vestro. Ang pinakagwapo sa lahat, and i, thank you!" ngumiti pa ito ng sobrang tamis na bumungisngis ng mga kaklase ko.
Sumunod naman yung kulay abo ang buhok. "Hi I'm Xenon Ash Taer." tipid na aniya.
Xenon has a nice set pair of eyes. Mestizo at halatang hindi palangiti kagaya ni Austin. Kulay gray pati na narin ang buhok nito. No wonder he got the second name Ash.
"Preston Kaizer Menezo." tipid na ani nang lalaking may ala demonyong aura. Psh. Kulay itim ang mata nito na kung makatitig parang galit sa mundo. He also has a piercing on his left nose. I didn't notice it nung bakbakan. Nice. The leader of the PO.
Iling-iling na nagpakilala naman yung lalaking may maraming piercing. Unlike Pres na isa lang. He has a dark brown eyes at blonde ang buhok. Halatang may lahi. "Hey guys I'm Hillary Kyle Asequia but you can call me Kyle."
"I'm Unier Tyron Yam. 18 years old." He has a black hair same as Austin pero medyo magulo yung sa kanya. And he's voice is sexy parang nang-aakit. Hindi ko namalayang napatitig na ako sa kanya.
Umiwas ako ng tingin at yumuko ng bigla itong lumingon sakin. Shit. Baka nakita niya akong titig na titig sa kanya baka ano pang isipin nito.
"You now may take your seats! Sa susunod na malate na naman kayo sa klase ko might as well drop out!" pasigaw at masungit na ani ni Sir Marino.
Nanuot sa ilong ko ang pabangong Calvin Klein kaya nilingon ko kung sino ang tumabi sakin.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng makitang si Unier ang katabi ko. Katabi niya naman ay si Hillary at nasa kanan naman ni Hillary si Xenon. Si Preston naman ang nasa harapan ko at ang katabi naman nito ay si Austin na panay dada kahit may nagtuturo sa harapan. Iniwas ko ang paningin ko sa kanila at muling nag sketch.
YOU ARE READING
Hidden Identity
Mystery / ThrillerA mysterious lady who hide her self from her parents and her real life