Chapter 19

60 4 0
                                    

HIDDEN IDENTITY

Pagkatapos ng mga sinabi ni Preston kahapon ay hindi ako masyadong natulog kakaisip kung totoo ba talaga lahat ng mga sinasasabi niya. Lahat ng mga salita niya ay tumatatak talaga sa isip ko at hindi ko alam kung paano alisin ng lahat ng yun- o kung maaalis ko ba talaga sa isipan ko.

I stopped on my track when i saw Preston leaning at the side of his car frowning. Bad mood ba tong taong to? I caught my breath and was about to back to my apartment pero huli na ang lahat dahil nakita na niya ako. Ang kaninang nakasimangot na mukha niya ay napalitan ng masiglang ngiti.

"There you are." aniya at lumapit sa akin. "Good morning." Napasindak ako ng bigla niyang ipinulot ang braso niya sa bewang ko at yumuko para gawaran ako ng halik sa pisngi. Napalunok ako ng biglang naghaharumento ang sistema ko dahil sa simpleng ginawa niya. Sh-t.

Inakbayan niya ako at ipinatong ang ulo niya sa noo ko habang naglalakad kami palapit sa sasakyan niya, "Kumain kana Maple?"

"Hindi pa." simpleng sagot ko kahit hindi ako makapakali sa sobrang lapit niya.

"Great. May dala akong pagkain." aniya at pinisil ang tungki ng ilong ko at pinagbuksan ako ng pinto.

"Hop in my baby." suminghap ako ng hangin at namula dahil sa sinabi niya. Dali-dali akong sumakay sa sasakyan dahil sa pagpakahiya. Geez, hindi ako sanay na ganito siya. Bat ba siya ganito? Tss.

Nang makapasok na siya sa kotse ay may inabot siyang plastic bags sa likuran at binigay sakin. Kinuha ko naman at tiningnan siya, "Ano to?"

"Food." aniya ng nakangiti at binawi sakin ang plastic bag. Tss, abnormal. Ibibigay tapos babawiin ganun? Ganun? Nakakabanas naman tong tao nato. Tiningnan ko lang siya habang isa-isang inilalabas ang mga pagkain na nasa paperbag. "I bought egg Mcmuffin from McDo and caramel macchiato. Eto nalang binili ko since hindi ko naman alam kung ano ang gusto mo bukod sa gusto mo din ako wala na akong alam na iba mo pang gusto."

Napamaang ako sa sinabi niya, "Hindi kita gusto." direktang saad ko.

Nalukot ang mukha niya sa narinig. "Alam ko. Advance lang akong mag-isip." nakangusong aniya.

"Wow." maanghang ani ko. Ibang klase. Ano bang kinain ng lalaking to?

"Tsk. Ano?"

Umiling ako at itinuon nalang ang atensyon sa labas habang hindi padin makapaniwala sa sinabi niya. Damn it bat ba siya ganito? Hindi ako sanay na ganito siya nakakabanas naman.

Naramdaman ko ang kamay ni Preston sa pisngi ko at kinukurot ito at pinipilit ang mukha kong humarap sa kanya nagwagi naman ang loko, napanguso ako sa ginawa niya. Napa aray ako ng bigla niyang pinitik ang labi ko. "I told you to stop pouting, didn't i?"

Sisinghalan ko na sana siya ng bigla niyang inilapit ang pagkain sa bibig ko. "Open your mouth baby."

"Ako na." naiilang na ani ko.

"Baby choose kakain ka o kakainin kita?" seryosong ani kaya wala naman akong nagawa kundi sundin siya at kumagat sa egg muffin. Damn what's with this guy? His simple endearment made my heart flutter.

Pinakain niya muna ako tsaka binigay sakin ang macchiato. Pagkatapos nun ay tinahak na namin ang daan papuntang eskwelahan. Nasa kalagitnaan kami ng biyahe ng bigla niyang ibinigay sakin ang cellphone niya.

"Anong gagawin ko dito?" tanong ko sa kanya.

"Save mo number mo jan. Kahapon ko pa hinihingi nakalimutan ko lang kunin." aniya habang nasa daan parin ang paningin.

Tumango ako at in-on ang cellphone niya. Nahigit ko ang hininga ko ng makita ang mukha ko sa lockscreen niya. Naka tingin ako sa blackboard habang nakapisil naman ang dulo ng ballpen ko sa pisngi ko. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at tumingin ulit kay Preston. Why does he have to be this sweet? First time akong ginanito ng isang lalaki. Nakakapanibago sobra.

Hidden IdentityWhere stories live. Discover now