HIDDEN IDENTITY
Dedicated to: Da-da 1022
"Baby come here." agad namang lumapit si Maple sa akin at niyakap ako sa gilid. Hinaplos ko naman ang buhok niya habang naglalaro ng scrabble kasama sila Unier, Xenon at Hillary si Chizka naman, ang asawa ni Unier ay nasa gilid lang nanonood sa amin, kanina pa nga hindi nag iimikan sina Chiz at Unier, baka nag-away. Nandito kami ngayon sa gazeboo at kaninang ala una pa talaga kami dito, it's already 4 in the afternoon but we're still playing dahil wala naman kaming klase dahil busy ang mga guro.
Hindi ko din alam kung nasaan si Austin pero ang alam ko lang ay magkasama daw sila ni Phoebe. Hindi ko alam kung ano ang namamagitan sa dalawang yun o kung meron nga ba.
Maple's favorite place is already my favorite place too dahil doon niya ako sinagot. It's been weeks and i can't believe that the girl i love is already mine. Hinalikan ko ang tuktok ng ulo ni Maple at nagpatuloy sa paglalaro. Nasa kalagitnaan kaming naglalaro ng scrabble ng biglang nagpaalam si Maple na iihi na muna. I kissed her cheek bago ko siya pinaalis, sumama naman si Chizka sa kanya.
I was so glad that my baby is making friends already other than us. She became friends with Chizka and Phoebe at sa ibang kaklase naming babae ngunit ang iba ay hindi niya parin talaga nakakasundo. Wala nading nambubully sa kanya but i can see some girls making face whenever she's around me. Hindi niya naman pinapatulan dahil sanay naman daw siya sa mga yun.
"You and Maple look good together." nakangiting saad ni Unier.
"Whatever man."
"Pres." napalingon ako kay Hillary.
"Bakit?"
"Ano na?"
"Anong ano na?"
"Seriously man? Gusto mo pa bang ipaghiganti si Tita o hindi? You have to make a move now Pres. My friend told me that "A" will be leaving the arena soon."
Biglang sumeryoso ang mukha ko at biglang napawi ang ngiti sa labi ko. "What? Akala ko ba pag nakasali kana sa UA ay bawal ng umalis?"
"You can. Pero bago ka umalis you will face Deadly Battle, where you can use different types of weapons. You can use daggers, swords, knives, axe, spears anything except for guns. While A can only use her fist and her legs, whatever. And for those who want to kill the Angel of Death it's their chance. So, we really need to act fast because they only have to 2 slots left. Just saying." aniya at sumandal sa gilid.
Tumango naman ako at sumilay ang mala demonyong ngiti sa mga labi ko. "That's great. Relly great."
"Yup." Hillary.
"We are going tonight."
"Ha? Ngayong gabi na agad?" tanong ni Xenon.
"Yeah." my brows furrowed. "Why not? I badly want to kill her right now. Nagtitimpi lang talaga ako. I'll make sure she'll die in my arms tonight."
"Are you sure Pres?"
"Yes i am. Ayaw niyo bang sumama? Ayos lang naman. I can perfectly handle that woman." ani ko at tumawa.
"No. We'll go with you. Kahit na babae yun gusto ko ding dumapo ang kamao ko sa pagmumukha niya for killing tita." seryosong saad ni Xenon.
"Okay. I'll call Tuffer para makapag schedule na siya sa labanan natin mamaya."
Tinanguan ko si Hillary at yumuko at sinamaan ng tingin ang sahig. Nawalan ako ng gana maglaro bigla.
"ANG bilis ng panahon noh?" medyo pasigaw na tanong ni Chizka. Nasa loob ako ng isang cubicle at nasa labas naman siya.
YOU ARE READING
Hidden Identity
Tajemnica / ThrillerA mysterious lady who hide her self from her parents and her real life