HIDDEN IDENTITY
Dedicated to: blue_stuff01
"A tara na." ramdam ko ang pagyugyog ni Thalia sa balikat ko pero wala akong lakas para lingunin siya. Wala akong lakas para tumayo , nanghihina ako.
"Iiwan na niya ako." mahinang saad ko habang humihikbi.
"A please we have to move now." mariin na saad ni Thalia ngunit nanatili akong nakaupo sa semento.
"D! We have to move paparating na ang guards ni tita Patricia!" narinig kong sigaw ni Phoebe.
"Shit get your car Chizka!" sigaw ni Thalia.
"We have no time!" sigaw pabalik ni Chizka.
Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari. Ang gusto ko lang ay makausap si Menezo. Hindi ba pwede yun? Gusto ko lang siyang yakapin at magpaliwanag kasi hindi ko kaya ang ganito. Hindi ko kayang mawala siya sa akin. I heard a car stopped in front of us.
"Get in!" boses ni Hillary.
Naramdaman kong parang lumulutang ako. I inhaled the familiar scent. Alam kong si Unier ang nagbubuhat sa akin ngayon. Isiniksik ko ang ulo ko sa dibdib niya at naramdaman kong pumasok na kami sa van at umandar na ang sasakyan.
"Fafa Hill dali dali!" sigaw ni Austin.
"Hubby punasahan mo muna ang luha ni A."
"Sige wifey."
"Hey Map- A." nilayo ni Unier ang mukha ko sa dibdib niya at pinunasan ang luha ko. Ramdam ko rin na may nagtali ng buhok.
"There done." saad ni Xenon. Siya pala ang nagtali ng buhok.
I cleared my throat at inayos ang sarili ko. Umalis ako sa pagkakandong kay Unier at umayos ng upo. Siniksik ko ang sarili ko sa isang gilid. Katabi ko si Unier at katabi niya naman si Chizka. Si Hillary ang nag di-drive at katabi niya naman si Xenon na ngayon ay nakatingin sa akin. Iniwas ko ang paningin sa kanya at lumingon sa likod. There i saw Phoebe, Thalia and Austin na nakatingin sa mga sasakyan na sumusunod sa amin. I glance at the cars behind us at alam kong mga tauhan to ni mama. Limang itim na sasakyan ang nakasunod sa amin. Hindi ko alam kung bakit nila kami tinutulungan ngunit gusto kong magpasalamat.
"Do you have any guns?" biglang tanong ni Phoebe.
"W-Why?" nilingon siya ni Xenon at kinunutan ng noo.
"Meron ba?" matigas na pag-uulit ni Phoebe.
Dahan-dahan namang tumango si Xenon. "Yeah. Nasa ilalim ng kinakaupuan mo."
Agad namang tumalima si Phoebe at kinuha ang black na case. Apat na baril ang kinuha niya. Binigyan niya si Thalia, si Chizka at ako ng tig isa.
"What the hell woman? Why are you giving my wife a gun?" tagpo ang kilay na tanong ni Unier.
"I-I'm sorry." nauutal na saad ni C. "There is more to me that you don't know but right now i need you to trust me Unier. I'll explain everything later. I promise." aniya at hinalikan sa pisngi si Unier.
I opened my window at ganun din si Chizka. Wala kaming inaksayang oras at pinagbabaril baril ang mga gulong ng sasakyan na sumusunod sa amin. I saw in the corner of my eyes that Phoebe opened the door in the backseat at pinaputukan nilang dalawa ni Thalia ang mga ibang sasakyan.
I successfully flatten the other car's tire kaya bumangga siya sa isa causing the other cars to stop from where they are. Nang masiguro na hanggang doon lang sila ay pinataas ko na ang bintana ng sasakyan at sumandal sa kinakaupuan. Mas binilisan ni Hillary ang pagpapatakbo niya at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Sa sobrang bigat na nararamdaman ay bigla akong nakatulog.
YOU ARE READING
Hidden Identity
Mystery / ThrillerA mysterious lady who hide her self from her parents and her real life